#1 (PRESENT / PAST)

5 1 0
                                    


Maligayang nag daraos ng anibersaryo ang mag kasintahang Ayanie at Karlo. Nag handa ng isang suprise si Karlo para kay Ayanie sa kanilang favorite na restaurant.
"Happy 3rd anniversary Mahal." Bati ng binata sa kanyang nobya at Hinalikan niya ito sa noo.
Happy 3rd  anniversary din Mahal ko. 
Habang pauwi sila nakita ni Karlo ang kanyang dating nobya na si Jenny. Na patawid sa kalsada. Habang siya ay nakahinto para patawirin ang mga natatawid.

Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila dahil naglaho na lang ng parang bula si Jenny.

Hindi alam ni Karlo ang mararamdaman ngayong nakita niya ulit ang dating kasintahan

Mahal, okay ka lang ba wala ng tumatawid. Tanong ni Ayanie

Okay lang ako mahal. Hmmm kasi parang may nakita akong dating kakilala na tumawid.

Sino? Tinignan ni Ayanie ang mga tumawid.

Pero hindi ko sure kung iyon yung kakilala ko.
Ah sige sige. Hindi na siya inusisa ng dalaga.

Dumating na sila sa bahay ng dalaga.
Pumasok ka muna mahal. Alok ng dalaga.
Hindi na mahal. May pupuntahan pa akong kaibigan.

O sige, Salamat sa paghatid mahal and sa suprise. I love you. *Halik sa pisngi* ingat ka sa pag uwi tawag ka pag nakauwi kana.

Sumakay na ang binata sa kanyang kotse hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niyang pag punta sa dating tagpuan ng dating kasintahan.

Pag dating niya sa dating tagpuan nakita niya ang kanyang dating kasintahan

Lumabas siya sa kanyang kotse at lumapit sa dating kasintahan pero hindi pa siya tuluyan nakakalapit ay sinalubong siya nito ng halik at yakap.

Alam kong nakita mo ako kanina kaya pumunta ako dito sa dati nating tagpuan. Nag babaka sakali na pupunta ka dito at tama nga ako pumunta  nga ka dito.
Namiss kita Karlo, walang araw na hindi kita na iisip. Ang hirap pala malayo sa taong mahal mo.

STOP THIS ! Jenny I have a  girlfriend already.
Pero Karlo, Mahal parin kita. Sa Apat na taon na yun ikaw lang ang minahal ko. Kaya nga ako bumalik para sayo pero bakit ganto ang naabutan ko may iba ka na. Hindi naman tayo naghiwalay.

Hindi tayo nag hiwalay!Noong nawala ka ba ng parang bula hindi ba ibig sabihin nun na wala na tayo... hindi ko alam kung nasaan ka. Kung anong nangyayari sayo. Ang dami daming  kung tanong.

Kaya nga bumalik ako para sayo.. mahal na mahal kita Karlo. Hindi hindi na kita iiwan. Oo,aamin ko nag kamali ako ng hindi mag paalam sayo ng mga oras na yun. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi kita mabibitawan na mas pinili ko na lang umalis na walang paalam pero umaasa parin  na may mababalikan parin ako pag balik ko.

Sorry, hindi ko na masusuklian ang pag mamahal mo Jenny dahil hindi na kita mahal.. pumunta lang talaga  ako dito para matuldukan nanatin ang dapat matagal ng tapos.  Makakahanap ka din ng mag mamahal sayo. Ito na  ang huling pagkikita natin masaya na ako sa buhay ko ngayon. Paalam.

Ito na ang hinihintay na matagal na closure ni Karlo. Hindi nag tagal ay nag propose na siya sa kasintahan at Lumipas ang isang taon ay kinasal sila Karlo At Ayanie. Si Jenny ay bumalik sa Canada at dun din nakapag asawa at namuhay sila ng masaya.

End

Thankyouuu forrr reaadinnggg

COMPILATION OF SHORT STORIES Where stories live. Discover now