DUO

3 1 0
                                    

Oo nga pala hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako
Andiyan pa ba sa iyo
Nahihilo nalilito (nahihilo)
Asan ba ko sayo aasa ba ko sayo

Kasabay ng pagtugtug ng  musika ang mga luha na pumapatak sa aking mata. Oo nga pala hindi nga pala tayo, akala ko  kasi parehas ang ating nararamdaman. Nasaan ba at ano ako sa loob ng dalawang taon.
Saan nga ba tayo nag simula...

(Flashback)
Ano Amy  laro tayo mamaya tanong ng aking bestfriend na si Ria

Sige sige, tapusin ko lang itong ginagawa ko tapos laro na tayo.

Welcome to the Mobile legends....

Agad ko siyang hinanap kung siya ay online. Kiefer

Noong makita ko siya na online siya ay agad ko siyang chinat

Lods, tara laro? Tanong ko

Sige lods reply niya

Pumasok na kami sa lobby at hinintay si Ria mag online.

Kalaro ko na si Kiefer magdadalawang taon na duo kaming dalawa sa larong mobile legends isang online games na nauuso sa ngayon.

Habang patagal na patagal ay hindi ko nalalaman na naiinlove na pala ako sa duo ko. Hindi lang naman kami sa mobile legends nag uusap kundi sa iba pang mga social media. Nagtatawagan kung minsan.

Masaya sobrang saya ko kapag lagi kaming mag kausap pero paunti unti siya ay nawawala. Hindi na katulad ng dati. Mga invite sa laro ay hindi niya na tinatanggap. At pag nag chachat naman ako sa social media ay bihira na ang kanyang reply.

End of Flashback

Aasa pa ba ako sayo

Ayan ang mga tanong na gusto ko parin masagot ngayon sa kasalukuyan. Alam kong masaya kana sa feeling niya. Sorry kung ang kabutihan mo at mga kilos mo ay akala ko ay pag ibig ayun pala ay hindi. Ingatan mo yang bagong kaduo mo ah. Masaya ako para sa inyo. Sa ngayon hihilumin ko muna ang sugat sa aking puso kasi DEFEAT na ang laban ko. Dahil siya ang pinili mo. Mamamimiss kita paalam Kiefer kasabay ng pag bura ng laro sa aking cellphone.











COMPILATION OF SHORT STORIES Where stories live. Discover now