Prologue

4 0 0
                                    

Humahangos sa pagtakbo ang babae sa madilim na corridor ng hospital na parang may sinusubukang takasan.

Palingon lingon siya sa kanyang likuran kung saan naroon ang humahabol sa kanya.

Dahan Dahan lang itong nakasunod sa kanya at tila aliw na aliw sa nakikitang takot sa kanyang mukha.

Nagtataka siya kung bakit wala siyang makita ni isa sa kanyang mga katrabaho. Nasaan ang mga ito? Bakit wala siyang makita ni isa sa kanila? Bakit ang dilim ng buong paligid? Sa di inaasahan ay natapilok siya sa suot niyang high heels.

Lumingon siya sa kanyang likuran upang makita ang nilalang na kanina pa humahabol sa kanya. Nagtaka naman ito kung bakit bigla itong nawala. Nakatakas na ba sya rito?

Tulong! Tulong! Tulungan nyo ako! Sigaw niya.

May narinig siyang kaluskos di kalayuan sa kanya kaya maingat siyang tumayo at dahan dahang lumapit dito. Dahil sa madilim sa lugar na iyon sa di malamang dahilan, hindi niya makita sino ang nagmamay ari ng anino na nasisinagan ng bilog na buwan. Nandito pala siya sa may bintana malapit sa may hagdanan. Ngunit nang makalapit siya sa lugar kung saan narinig niya ang kaluskos ay bahagya siyang tumigil. Hindi na niya makita ang anino at ang taong nagmamay ari nito.

Hinanap niya ang taong may ari ng aninong nakita niya kanina na nasinagan ng liwanag ng bilog na bilog na buwan upang humingi ng tuling, ngunit nakarinig siya ng ingay mula sa kanyang likuran kaya bigla siyang napaharap dito saka niya nakita ang nilalang na kanina pa humahabol sa kanya dahil sa takot niya ay unti unti siyang humakbang paatras dahan dahan naman itong humahakbang palapit sa kanya hanggang sa maramdaman niya ang malamig na bubog ng bintana sa kanyang likuran.

Shit! Mura niya sa isip.

Napasigaw siya ng itaas nito ang kamay at biglang itarak sa kanyang dibdib ang dala nitong patalim. kitang kita niya ang pagkislap nito dahil sa liwanag ng buwan. Nakailang ulit ito sa pag saksak sa kanya ramdam nya na ang sakit at nanlalabo na rin ang kanyang mga mata nakakaramdam na rin siya ng pagkahilo.

Mamatay kana!! Hahahaha

Sigaw nito saka malakas siyang sinipa sa sikmura upang mahulog sa palapag na ito ng hospital.

Ahhhhgghh!!! Ang ingay na iyon ang bumalot sa katahimikan ng gabi.

THE CORRIDORWhere stories live. Discover now