Janna's POV
Kriiingg! Krrriinnggg!
Nagising ako sa tunong ng alarm clock ko. Bat ganun ang weird ng panaginip ko ngayon? Pawisan ako at parang ilang milya ang tinakbo hingal na hingal din ako at nanlalata ang aking katawan. Agad na akong bumangon dahil ngayon namin malalaman kung saan kaming ospital mag o ojt.
By the way I'm janna celistina lacsamana nursing student and I'm turning 21 this year. Bumaba na ako para mag umagahan. Napansin ko ang tahimik ng bahay namin siguro maaga silang umalis para sa business namin. Mag isa akong kumain sa hapag pagkatapos ay agad na ding umalis upang pumasok.
Habang nag aabang ako ng taxi ay may nakita akong matanda di kalayuan sakin. Matalim ang mga titig nito saakin na para bang may ginawa akong mali sa kanya. Di ko nalang ito pinansin at nagkunwaring walang nakita. Maya maya ay may naramdaman akong kamakalabit saakin tiningnan ko ito pero nagulat ako ng yung matanda kanina ang nasa harapan ko.
"lola bakit po?" Nagtatakang tanong ko.
Tumitig muna ito sakin na parang sinusuri ako bago nagsalita.
"Hindi ka makakatakas sa nakaraan! Patuloy ka nitong babalikan! Wala ka ng kawala". Wika nito
Napatulala ako sa mga sinabi ng matanda di ko madigest sa aking sarili ang mga sinabi nito. Nagtindigan lahat ng balihibo ko sa sinabi nito. Ano bang pinagsasasabi nun?
pag tingin ko ulit sa harapan ko ay wala na yung matanda di ko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin.
Ang wierd nya lang iwinaksi ko nalang ito saaking isipan siguro nangtitrip lang yun sa panahon kasi ngayon kahit matanda sumasabay na din sa agos ng modernong panahon.
Nagpara na ako ng taxi at sinabi ko kung saan ako nito dadalhin. Pagbaba ko sa school na pinapasukan ko ay nakita ko ang dalawang kong malalapit na kaibigan sina nimfa at chona.
"Kamusta kayo?" Masayang bati ko sa kanila
"ayus naman ikaw nga dapat ang kamustahin namin eh." Sagot ni chona
"Ano ba kayo ok na ako no. Di namn ako mamamatay nun sus para yun lang?" Sabi ko sa kanila.
"kasi namn di ka nag iingat yan tuloy nadulas ka" sermon na namn ni chona sakin
"hayaan nyo na yun nangyari na ok? Tara na?" Aya ko sa kanila.
Sa aming tatlo si nimfa ang pinakatahimik. Minsan lang magsalita kung di pa ikaw ang unang kakausap hindi ka pa nito kakausapin. Si chona naman ang kabaliktaran ni nimfa napakadaldal nito kaya ang dali lang niyang makisama sa mga taong nakapaligid samin kung baga siya yung tipo ng taong friendly samantalang ai nimfa yung tipo ng taong ok na samin ni chona.
Pagkarating namin sa classroom namin ay halos marami na ding tao. Pumunta sa unahan si andrew class president namin.
"guys may pinapasabi si sir mario"
"ano daw?" tanong ng isa naming kaklase.
"Hindi daw sya makakapasok ngayon pero ibinigay nya sakin yung lista kung saang ospital tayo mag o ojt at kung sino ang magkakasama. " mahabang paliwanag nito.
"ito ang magkasama blah blah blah"
Lutang ako habang nagsasalita si andrew hindi ko pa din makalimutan yung sinabi nung matanda kanina yung matalim niyang titig sakin at yung mga binitawan niyang salita. Ang weird lang kasi di naman nya ako kilala pano nya nasabi sakin yun? Baliw ata yung matanda na yun napansin ko din kasi yung suot niya kanina parang ang tagal ng di napapaltan yung suot niyang blouse at saya parang ang tagal na. Natapos ang pagsasalita ni andrew ng wala akong naiinitindihan basta ang alam ko lang magakaksama kaming tatlo kwento pa sakin yun ni chona.
Pagkatapos ng discussions sa ibang subject ay pumunta na kaming cafeteria.
"guys san daw yung ospital na pag o ojt han natin?" tanong ko sa kanila habang nakain
"seriously janna? Nakinig ka ba talaga kanina?" litanya ni chona kahit kailan talaga tong babaeng to.
"saan nga?" kunawaring asar na tanong ko pa.
"sa may dulo pa daw ng manila yung place kahit ako di ako familiar dun parang ngayon ko nga lang nalaman na may ospital pa pala dun?" sabi naman ni nimfa.
Napatingin kami parehas ni chona kay nimfa at sabay nanlaki ang mga mata namin.
"totoo ba yung narinig ko? Nagsalita ka more than 10 words?" sabi ni chona na may halong pagkamangha sabay pakita ng mga daliri nya sa kamay. Kahit kelan talaga ang O.A nito.
"bakit kayo lang ba pede magsalita dito?" mataray na tanong ni nimfa.
"wow as in wow kelan kapa natutong magtaray aber?" tanong ko namn sa kanya.
"well naisip ko lang bakit ko pinapahirapan yung sarili ko na hindi magsalita diba. Saka tao lang din ako nagbabago." sabi pa ni nimfa
"so saan nga yung exact place?" tanong ko ulit sa kanila. Wala eh lutang ako kanina.
"di ko din alam yung exact place eh. Sabi namn ni andrew kung di daw alam kung saan yun bibigyan naman daw tayo bukas ng map papunta doon."sagot ni chona
"saka wala namn siguro sa bundok yun para di agad natin makita diba?"dugtong pa nya.
Pagkatapos ng klase namin ay umuwi na agad ako dahil kailangan ko pang magayus ng mga gagamitin ko sa ojt namin. Lalo nat malayo pala yun dito samin pagkatapos ko mag ayus ng gamit ay bumaba na ako para ipaalam kina mommy kung saan ako mag ojt.
Pagka baba ko ay natagpuan ko sila sa hapag na kumakain at masayanf nagki kwentuhan. Bumati ako sa kanila saka umupo na sa pwesto ko.
"mom, dad i have something to tell you"
"what is it baby?" tanong ni mommy
"inassign na kami ni sir kung saan kami mag ojt luckily kasama ko yung mga kaibigan ko, but the problem is malayo yung ospital dito baka po hindi ako madalas maka uwi." paliwanag ko sa kanila
"san daw ba anak? Hindi ba delikado yun? Malayo ka samin tapos di ka pa makakauwi ng madalas" nag aalalang tanong ni dad.
"mom, dad don't worry i can handle myself and my friends are their too. We wont allow someone to hurt one of us. I promise. " sabi ko pa
"but bab-"
"Hon its okay, malaki na ang anak natin as what she said earlier her friends are their too, just trust her okay?" putol ni dad kay mom
Mabuti naman at naintindihan ako ni dad. Ang swerte ko sa pamilya ko lahat ng gusto ko nakukuha ko, but minsan si mommy napaka Conservative ayaw na ayaw ako malalayo sa kanya gaya nalang kanina.
After ng hapunan namin ay nag akyat na ako sa kwarto ko maagap akong matutulog para makagising din ako ng maagap. Sabi samin ni andrew bago kami pumunta sa mga assigned hospital kailangan muna namin pumuntang lahat sa school to prevent an accident. Ang dami nilang arte.
AUTHOR'S NOTE...
So ayun guys ito muna. first time ko gumawa ng horror story. Hope you like it😊Dont forget to vote.. Lablats❤️
YOU ARE READING
THE CORRIDOR
Horrorhanda kana bang malaman ang hiwagang nangyayari sa loob ng hospital? Kung saan sa corridor natatagpuan ang mga bangkay ng mga nurse at doctor pati na rin ang ibang pasyente? Paano kung hindi isang pangkaraniwang tao ang gumagawa nito? Paano kung ang...