Chapter 59

2.7K 76 6
                                    

//Sebastian//

NAGTAGIS ang mga bagang ni Sebastian noong marinig niya ang pangalang inihiyaw ni Elleonor. Pagkatapos noon ay natahimik na lamang silang pareho.

Tumayo siya mula sa sofa at kinuha ang box ng tissue sa lamesita para punasan ang katas na ipinutok niya sa ibabaw ng makinis na tiyan ng dalaga.

"I'm sorry," halos sabay na wika ng dalawa.

Pansin ni Sebastian na namumutla si Elle, marahil napagtanto rin nito sa sarili na maling pangalan ang kaniyang nasabi.

Mapait na ngumiti si Sebastian, "Still like him that much?"

Tumayo siya at kinuha ang mga damit ng dalaga na nagkalat sa sahig para ibalik 'yon.

"H-hindi naman sa gano'n." Sagot nito habang isunusuot ang kaniyang mga damit.

Bumangon si Elleonor upang hawakan ang kaniyang mukha. Hindi na kasi siya nagbaling ng tingin dito pagkatapos, inayos nalang niya ang sarili at nagsuot na rin ng mga damit.

"Hindi ko naman sinasadya." Napalabi na si Elleonor. "Sebastian, please." Tila nagmamakaawa ito na pakinggan niya.

"Rafael, huh?"

May namumuong inis sa puso't isip ni Sebastian. Iniisip niya na kaya lang siya binigyan ng pagkakataon ni Elleonor ay dahil umaasa pa ito na babalik ang alter niyang si Rafael.

Hindi biro ang mga ginawa niya upang maging front ng katawan ng ilang taon. Pagkatapos ay babalik na lamang ang mga iyon bigla gaya nalang ng ginawa ni Ares?

Oo, si Ares ang nagligtas noon sa dalaga noong muntik na itong mapahamak. Natakot siya na baka bumalik na naman ang lahat ng alter ng tuluyan, kaya nga sinigurado ni Sebastian sa sarili niya na hindi na ulit mapapahamak si Elle.

Ayaw na niyang makipag-agawan ulit sa mga alter.

Noong una ay kaligtasan lang naman talaga ni Elleonor ang mahalaga para sa kaniya kaya malaki ang pakinabang nito sa kaniya, pero hindi niya namalayan na nahuhulog na siya sa babaeng pilit niyang iniwasan noon.

Ang totoo nga ay noon pa naman siya may nararamdaman para dito, pero pinilit niya lamang na itanggi sa sarili dahil hindi niya matanggap na umiibig siya.

Ngunit minsan ay hindi niya nagugustuhan ang nararamdaman niya. Katulad nalang ngayon na 'Rafael' ang pangalang binanggit ni Elleonor.

Itong nararamdaman niya ngayon, ito na yata ang selos na sinasabi nila? Ang lupit naman kung ganoon. Ngayon na nga lang siya makakaramdam ng selos ay sa sariling pagkatao pa sa loob niya?

"Galit ka ba sa akin?"

Natigilan si Sebastian dahil sa tanong ni Elleonor, humugot siya ng hininga. Parang lumambot ang puso niya noong mapatingin siya sa maganda at kaakit-akit na mga mata nito.

Paano naman niya magagawang magalit kay Elleonor kung ganito nalang ang epekto nito sa kaniya? Noon hanggang ngayon.

"Hindi ako galit," saad ni Sebastian.

"Pasensiya ka na talaga kanina," dagdag parin nito.

Tumango si siya at hinalikan si Elleonor sa labi. "Ayos lang 'yon."

"Sebastian ... sa tingin ko kailangan muna nating lumayo sa isa't-isa."

Kumuyom ang mga kamao ni Sebastian at nag-iwas muli ng tingin.

Hindi siya umiibig dahil natatakot siyang maiwan ulit na mag-isa. Ilang taon siya sa lugar na iyon, umiiwas sa pag-ibig.

Pagkatapos ngayong hinayaan niya'y iiwanan lang rin pala siya?

Dirty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon