"Then kung Hindi mo anak si Chandler.... Ano ang relasyon niyo ni arsus?"
"Then kung Hindi mo anak si Chandler.... Ano ang relasyon niyo ni arsus?"
"Then kung Hindi mo anak si Chandler.... Ano ang relasyon niyo ni arsus?"
Fuck paulit ulit itong nag paplay sa utak ko! Umaga na at yun parin ang nasa utak ko!
Parang gusto Kong umabsent ngayon! Sabihin ko I'm not feeling well.
*knock!*knock!*knock! *
"Sis! Ako namuna ang papasok sa kumpanya, pina alam kana sakin ni carol para sa preparation ng wedding niya." Ani ni kuya at tiningnan ako neto na para bang 'anyare sayo para kang ginahasa diyan' look.
"Ok kuya , alis na pangit pa ko ohhh kagigising ko palang!" Pag tataboy ko sa kapatid ko. Sinarado na neto ang pinto kaya tulala nanaman ako dito.
Bago pa ko ma buwang dito ay tumayo nako at tinungo ang banyo para maligo , mahirap ng ma late baka mabatukan pa ako ni Carol.
Pag katapos Kong maligo ay tinungo ko ang closet ko at kumuha ng high waist denim pants paired with black sleeveless top and white blazer and white rubber shoes.
Nag apply lang ako ng light make up at perfume.Kinuha ko ang phone at chineck kung saan ang antayan namin at kung anong oras.
~carol babe
"Sa coffee shop malapit sa dati nating school. 10:00 exact may punishment ang late."
Basa ko sa text neto sakin , agad Kong tiningnan ang oras , maaga pa naman 8:49 palang mga 30 minutes ang biyahe depende kung Hindi traffic. Agad kong kinuha ang wallet at cellphone at inilagay sa aking Prada hand bag . pinulot ko ang Susi ng aking BMW 4 Series as side table.
"Morning mom...si dad? Si Kendra si Chandler?" Tanong ko.
"May emergency meeting si dad mo . si Kendra hinatid si Chandler sa school." Anito .
"Mom may lakad po ako ... Para sa wedding ni carol. Bye mom." Pa alam ko at humalik muna sa pisngi neto bago lumabas ng bahay.
Agad na pinatunog ang sasakyan at pumasok na , pinaharurot ito papunta sa lugar kung saan kami mag kikita kita .
Pag ka park ko ng sasakyan ko sa labas ng shop ay namangha ako dahil sa pinag bago ng shop nato. Agad akong lumabas para matingnan ng mabuti , iba talaga no? Ang Dali lang ng panahon , parang noon lang ay dito rin nag tagpo ang landas namin ni .... Kiel. Dito nag umpisa , noong nakipag break si Natasha at pinara niya ako dahil napag kamalan na taxi kaya nasama ko sa Laban ko muntikan na ngang maging pustahan ang mokong...at dito rin ang huli at pag tatapos ng relasyon namin ng dahil muli Kay Natasha.... Tsk! Wag na ngang alalahanin!
YOU ARE READING
My Car Racer Girl (BOOK 2)
RomanceREAD BOOK 1 PLEASE! My Car Racer Girl Book 2- [EDITING]