chapter 19

829 24 0
                                    


Ilang araw na makalipas ang nangyari Hindi nag pa kita sakin si Kiel. Anong pinag sasasabi niyang mag tatyaga asan siya ngayon? Gago scamer anhayop! Oppss my bad mouth!

Itinuon ko nalang ang atensyon ko nong mga naka raang araw sa pag aayos sa kasal ni carol. Ngayong araw na namin makukuha ang mga damit para sa nalalapit na kasal . shet! And Dali lang ng panahon!

"Maggy? U listening?" Si shate na sumisipsip sa straw ng milk tea niya.

"Ahh sorry.. Ano nga yon?" Nahihiyang tanong ko. Napairap naman ang bruha dahil sa sinabi ko.

"Baka may iniisip." Si kesia na kumakain ng chocolate cake. Isa pato mag mula ng mag buntis ang daming pag Kain na pinapabili , well Ok naman pala hehehehe para sa baby.

"May na mimiss!" Kantyaw ni carol , napa irap nalang ako na ikinatawa nilang lahat.

Hindi ko nalang pinansin at itinuon nalang sa iniinom ko.

"Guys look!" Agad akong napa sulyap Kay kesia na tinuturo niya ang telepono niya . Napa kunot ang noo ko , ano yun? Ka agad akong dumungaw at sinilip kung ano at agad na nag salubong ang kilay pag ka kita sa litrato ni Kiel at Natasha na mag kasama sa isang restaurant. Yan pala ang mag tatyaga! Diyan na siya sa kabit niya!

Agad akong umayos ng upo at pinormal ang mukha dahil nakita ko ang mga mapang obserbang Mata ng mga kaibigan ko.

"What?" Casual na tanong ko.

"Hindi affected ang ate mo sis!!" Asar ni shate sakin . nginisian ko lang siya dahil Hindi nila ako madadala sa mga ganyan . nadala nako bess!

"Like what I've said na magiging masaya ako para sakanila and sana wag niyo nako ipagpilitan sa ex ko dahil wala sa bokabularyo ko na balikan pa ang mga naging ex ko. Once na naging ex na 'X' na talaga sa buhay ko. Kung io-offer niya friendship ay ayos lang sakin." Mahabang lintanya ko. Dapat chill lang kahit nag aalburoto na ang dugo ko dahil naniwala nanaman ako sa pinag sasasabi ni Kiel sakin nung isang araw , ay correction maniniwala na pala sana .

"Wait lang correction lang Maggy haa! si Kiel lang ang naging ex mo!" Naka ngising ani ni kesia. Agad akong nahiya dahil sa sinabi neto! Fuck I forgot!!

"Edi ex flings!" Aniko para maka lusot shet!

"Baka kainin mo lang ang sinasabi mo my dear best friend!" Asar pa sakin ni shate . tinaasan ko lang siya ng kilay dahil parang hinahamon niya ako.

"Well not gonna happen." Ngising aniko.

"So Let's make a deal!" Si carol na naka ngisi.

"What deal? As if naman na mananalo kayo sakin!" Asar na aniko .

"Once na mag kabalikan kayo exact sa date ng wedding ko , you'll give him a very nice performance in bed!" Naka ngising ani ni carol , nasamid ako ng sarili Kong laway dahil sa narinig , nag sitawanan naman sila. like watafuck! Are they freaking sure about it? Alam ko naman na Hindi ako bibigay kahit marupok ako!

"Ano Maggy? Back out?" Nang aasar ang bruha.

"And If walang nangyaring balikan sa eksaktong araw ng kasal niyo at totoo ang sinasabi ko na Hindi ako pumapatol sa naging ex ko?" Na cha-challenge tuloy ako! Kainis! Kaylangan stick to the plan or else mag pakamatay ka nalang tehh para masaya!

"Ikaw anong gusto mong gawin ?" Si shate na ang sumagot.

"Well simple lang .... Sabihin niyo si Kiel na tigilan na ang pag papakita sakin , layuan na niya ako." Saryosong aniko . nakita kong Napa ngiwi si kesia , napa buntong hininga si shate at naka ngisi si carol.

"Ok deal." Ani ni carol.

Mabuti lang at dumating na yung designer at sinabing nasa kotse neto ang mga damit. Actually guys , sasabihin ko ang totoo haa! I'm scared about the deal thingy! Like watafuck 'give him a fucking good performance in bed' like shutangina! Ay nako Carol pinag bigyan lang kita dahil ikakasal kana at best friend kita... Hay nako sa daming pwedeng pag tripan ng magaling Kong best friend ay ako pa! Well let's finish this deal na Hindi ako ang matatalo.

***


Pag kalabas ko ng elevator ay dali-dali akong pumasok sa aking opisina dahil nakita ko si Kiel na papalabas ng  opisina ni kuya pero wala naman si kuya rito? Baka may pinakuha lang si kuya sa kaniya close naman sila hee! Naka hinga ako ng maluwag ng maka pasok sa aking opisina at nilapag nalang ang damit na susuotin ko sa wedding ni Carol sa aking lamesa.

Agad akong napa lingon ng biglang pumasok si arsus sa opisina ko.

"What are you doing here?" Takang tanong ko.

"Makikitambay lang , boring sa opisina ko." Anito at umupo sa may couch .

"Mag hanap ka na kaya ng girlfriend para hindi na boring." Aniko at umupo sa aking swivel chair.

"I don't do girlfriend Maggy at alam mong fling lang ang kaya ko ." ngising anito . napa iling nalang ako dahil sa narinig.

"How about you?" Tanong niya sakin.

"What?" Takang tanong ko.

" boyfriend. " maikling sagot neto.

"Ahhh I don't do boyfriend also." Ngising aniko.

"Ahh kaya pala may pustahan na naganap sainyo ng kaibigan niyo kanina." Asar na ani ni arsus sakin. Agad na nawala ang ngisi sa aking labi dahil sa narinig.

"And you know na Hindi ako pumapatol sa naging ex ko arsus!" Seryosong aniko.

"Ok if you say so , hmmmm advice lang haa! Kung sakaling patulan mo talaga yang ex mo siguraduhin mong ikaw lang at wala ng iba . ayaw na namin makita na durog ka Maggy ng dahil sa iisang tao." Seryosong ani ni arsus at umalis na sa opisina ko. Naka tulala parin ako dahil sa sinabi neto. Kinakabahan tuloy ako sa pustaha na yan.


Putspa! Naduduwag na tuloy ako! Shet!! Ka agad Kong tinawag ang secretary ko para sa schedule ko agad naman itong pumasok tila natataranta pa.

"Schedule?" Tanong ko rito.

"Meeting po mam with the board about sa new project po para sa hotel na ipapatayo malapit sa makati ." Anito , agad na nag salubong ang kilay ko pag ka rinig.

"What project?" Takang tanong ko.

"Ahhh nakalimutan kopo na sabihin ito , eto po yung iniwan na project ni Mr. Kael mam ." anito ka agad kong naintindihan at inayos ang sarili para sa meeting.

"Ano pa?" Tanong ko.

"Yun lang po mam." Anito , kaya tumango nalang ako at tumayo na.

Nag lakad na ako patungo sa board room , naka sunod lang sakin ang secretary ko at pag dating sa  may pinto ay pinag buksan ako ng pinto neto. Nag sitayuan ang lahat pag ka kita sakin.

"Take your seat everyone , let's proceed." Aniko at hinawakan na ang ballpen at nag scan sa folder.

Habang nag di-discuss ay napapasulyap ako Kay Kiel na seryosong nakikinig sa nag sasalita sa unahan. Agad akong Napa iwas ng Napa baling siya sakin. Agad na tinago ang mukha sa folder kunwari nag babasa. The fuck! Nakakahiya!

Agad akong napasulyap ng mag vibrate ang phone ko at napatingin silang lahat doon. Namula ang mukha ko pag ka kita sa nag text the fuck!!

~kiel

"Stop staring..Baka Hindi ako maka pag pigil maggy! Love you."

Mas lalong namula ang mukha ko sa huling nabasa at Hindi na muling binalingan pa. Fuck you ka Kiel!!



A: hi guysss!!  vote and comment kayo love you💙basahin niyo narin ang iba kong books hahahaha pero hindi ko naman kayo pinipilit slight lang charrr! Hahahahaa!!! Be safe everyone.


My Car Racer Girl (BOOK 2) Where stories live. Discover now