Prologue

3.6K 57 11
                                    

May unwritten rule ba na bawal mong maging crush ang kuya ng best friend mo? Alam ko, sa bro code, meron. Pero meron bang sis code? Does that even exist? 

Hay, ewan.

Hindi ko naman ginusto 'to. Sadyang kinikilig lang ako tuwing makikita ko ang kuya ng kaibigan ko. Never pa nga 'tong naparamdam sa akin ng boyfriend ko. Am I in serious trouble now?

Sa tingin ko, oo.

***

"Huy. Tulala ka na naman. Ano ba 'yang tinitingnan mo sa cellphone mo?" tanong sa akin ni Kat, roommate ko sa dorm and someone whom I can consider as a best friend. Sa ilang buwan naming magkasama sa dorm, feeling ko nga, soul sisters na kaming dalawa.

"H-ha? Wala," halos nagpa-panic kong sagot noong nakita kong papalapit na siya sa pwesto ko. Nakadapa kasi ako ngayon sa kama at tinitingnan ang profile ng kuya niya. Bago pa siya makalapit nang tuluyan sa akin, nag-scroll ako sa newsfeed para kunwari may tinitingnan akong iba. Dyahe naman kung malalaman niyang pinagnanasaan ko yung kuya niya, 'di ba?

"Sus. Picture na naman ni Glen? Bakit ba patay na patay ka riyan sa boyfriend mo? Ni hindi ka nga maasikaso. Sa ilang buwan nating magkasama rito sa dorm, hindi pa lalagpas sa limang daliri ko yung panahon na nagpakita siya rito. Feeling ba niya, distance makes the heart grow fonder? Dinaig niyo pa LDR sa dalang niyong magkita," dere-deretsong sabi ni Kat. Gustuhin ko mang mag-agree sa sinasabi niya at siraan na lang ang sarili kong jowa, hindi ko naman magawa. I just can't drop the bomb and say that nagkakalabuan na nga kaming dalawa dahil alam niyang may crush akong iba. Hindi lang isa. Kasama na kaya roon sina Song Joong Ki, Park Seo Joon, Kim Junmyeon, Joshua Hong saka Kang Seungyoon.

"Pwede naman siyang ilaban sa mga K-drama at K-pop boyfriends ko, 'di ba?" tanong ko at walang pagdadalawang-isip na nakatanggap ako ng isang malakas na hampas mula sa kanya.

"Sira ka talaga! Kaya ka 'di sineseryoso ni Glen, e. Puro ka K-pop at K-drama. Mapapakain ka ba niyan, ha?"

"Nako. Inggit lang 'yon kasi mas gwapo Korean boyfriends ko kaysa sa kanya." 

"Ewan ko na talaga sa 'yo," napapailing na sagot ni Kat. Sasagot pa sana ulit ako sa kanya nung may kumatok sa pinto ng kwarto namin. Tumayo agad si Kat at binuksan ang pinto. Hindi ko pa nakikita ang mukha ng tao sa labas ng kwarto namin pero pagkarinig ko pa lang sa boses nito, bumilis na ang tibok ng puso ko.

Juskolord. He's here!

I, Nicole Reyes, solemnly swears that in the future, Liam Kristoffer Tanciangco will be mine. By hook or by crook, I will be able to move into his heart!

***

Heya guys!

Bringing this back from the grave. 

Warning: Updates will be slow. I still need to correct some inconsistencies lalo na kapag na-compare sa events sa Moving Into My Brother's House talaga. So please bear with me while I do the necessary corrections. Hopefully, matapos ko na nga 'to this time around.

xxRaice

Moving Into His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon