"Kat," sabi niya. One word. It only took one word pero grabe yung epekto sa buong sistema ko. Para akong uod na nangingisay sa kilig. Ni hindi nga pangalan ko ang tinawag niya pero kung kiligin ako, akala mo sinabihan ako ng 'I love you'.
Nyeta. Bakit ba ako nagkakaganito sa lalaking 'to? May mali siguro talaga sa akin kaya ako ganito. Hindi kaya pinakulam ako nito para ma-fall ako sa kanya nang todo?
"O, Kuya. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Kat sa kuya niya pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ng kwarto namin. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Liam kasi hinatak na niya palabas ng kwarto yung kakambal niya tapos sinara na niya yung pinto. Kainis. 'Di ko man lang nakita yung mukha niya! Ang damot, nyeta.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring Kat na bumabalik sa kwarto namin. Mukhang niyaya pa yata siya sa labas ng kuya niya. 'Di man lang tumagal yung kilig sa sistema ko. Kilig na, naging bato pa.
Imbis na magmukmok ako sa kawalan ko ng chance na makausap o makita man lang si Liam, binalikan ko na lang ang Facebook profile niya. Yes, hindi kami friends. Gustuhin ko man siyang i-add, hindi ko magawa. Siyempre, dalagang Pilipina pa rin naman ako kunwari. Aba, dapat siya ang unang mag-add sa akin, 'no! Kaso dahil malabo pa yata sa tinta ng pusit ang chance na i-add niya ako, ayan tuloy, nagtitiyaga na lang akong tingnan ang mga naka-public niyang profile photos. Minsan nga, pumupunta rin ako sa profile ni Kat para maghalungkat ng ilang pictures nila together. Feeling ko nga, kung ise-save ko lahat ng pictures niya, baka ubos na ang memory ng phone ko.
Nung nagsawa na akong titigan ang mukha niya (which I really doubt since gusto kong tingnan lagi ang mukha niya), sinubukan ko na lang gumawa ng requirements ko sa school. Kaso ang ending, wala rin naman akong nagawa kasi lumilipad lang ang utak ko. Iniisip ko kung saan na nagpunta sina Kat at kung ano'ng pinag-uusapan nila. Ganoon ba ka-importante 'yon para hindi na lang nila pag-usapan dito? I can keep secrets naman! Baliw lang naman ako pero hindi chismosa.
Ops. I stand corrected. Baliw na baliw pala kay Liam.
Bago pa ako makagawa ng kung anong mas ikatitindi ng happy crush ko kay Liam, tinext ko na lang si Glen. Baka kasi makalimutan ko nang tuluyan na meron nga pala akong boyfriend. Sa sobrang hindi niya kasi pagpaparamdam, minsan, nako-confuse na rin ako.
Nicole
Sweetycakes, busy ka ba?Fifteen minutes have passed pero wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kanya. Busy yata talaga siya. Dati naman, less than three minutes, may reply na siya.
Glen
Medyo. Y?
Napa-roll eyes ako sa naging reply niya. Wala man lang ka-amor amor. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita pero wala man lang hint of sweetness sa reply niya. At seryoso ba siya sa Y? na reply niya? Nyeta. 'Di naman per letter ang singil sa text!
Nicole
Can we meet? Miss na kita.
Tagal na nating 'di nagkikita.
Glen
Next time na lang.
Bawi ako, promise. ;)
Ang bilis na ng reply ni Glen pero ang bilis din niyang saktan ang feelings ko. Kahit pa nilagyan niya ng kindat ang message niya, hindi ko na magawang kiligin doon. Parang mas masayang manakit ng tao sa sobrang inis ko. Dahil doon, hinatak ko ang stuffed toy na binigay niya sa akin noong monthsary namin at sinapak 'yon nang paulit-ulit. Sinakal ko pa nang pagkatagal-tagal hanggang sa humupa yung inis na nararamdaman ko. Noong kumalma na ako, nagbihis na lang ako ng pang-alis tapos lumabas na ako ng kwarto. Kung walang panahon ang jowa ko sa akin, bibigyan ko na lang ng panahon ang sarili ko!
BINABASA MO ANG
Moving Into His Heart
Teen Fiction(Moving Into My Brother's House Spin-Off) Paano kung hindi ka crush ng crush mo? Ano ang gagawin mo? Nicole tried her best to suppress her feelings for her best friend's older brother. Kaso, kahit ano'ng gawin niya, lalo lang siyang napo-fall dito...