Chapter 1 - A disaster

5 0 0
                                    

"Pyxis bilis na. Wag ka nang magbihis, malapit lang naman yon dito eh." paghihimutok sa akin ni Briana.

Lumabas ako sa kwarto ko sa apartment namin, "Ano ba kasing problema-"

Bigla na lang akong hinili ni Briana at agad na tumakbo palabas.

"Teka yung pinto hindi natin naisara."  sabi ko at agad na hinila si Briana pabalik para isara at ilock and pinto.

Pagkatapos na mailock ang pinto ay agad na namang tumakbo si Briana habang hawak ako.

"Ano nga kasing problema ba't mo ako pinapadali?" sabi ko sa kaniya habang tumatakbo kami pababa ng hagdan. Mabuti na lang at hindi ako nadadapa kakadali ng isang 'to.

"Si Troy kasi kanina tinawagan ako. Broken na naman." sagot niya ng makalabas na kami sa building ng apartment namin. Agad naman siyang pumari ng taxi at agad akong hinila papasok.

"Eh ano naman kung broken yung abnoy na 'yon? Kailangan talaga nating damayan? At ano ang connect ng pagmamadali natin sa pagiging broken niya?" sabi ko habang hinihingal at tiningnan siya ng masama.

"Siya na mismo nagsabi na kailangan niya karamay ng tinawagan niya ako." sagot naman niya at inayos ang off-shoulder niyang damit.

Pinagliitan ko siya ng mata, "Kaya naman pala minadali mo ako. Sabik ka lang na makita siya eh. Gosh, muntikan ko ng makalimutan na may gusto ka pala kay Troy."

"You're wrong and you're correct. First of all hindi ako nagmamadali na makita siya," sabi niya at inayos naman ang kaniyang kakaunting bangs, "Pero tama ka nga kasi may gusto ako." dagdag niya at agad akong hinampas na parang kinikilig o kinikilig nga ba?

"At isa pa Briana, bakit na ka ganyang ayos ka?" turo ko sa suot niyang skirt at off-shoulder na damit at heels na hindi naman mataas. Wow, himalang hindi man lang siya nadapa habang tumatakbo kami kanina, "Tapos ako? Sa sobrang pagmamadali mo sakin di na ako nakapagpalit ng damit." dagdag ko at tiningnan ang suot kong jogging pants, pambahay na damit at tsinelas. At talagang sa taxi pa kami sumakay sa lagay kong 'to, nakakahiya naman kay manong driver.

"Nah! You look gorgeous naman eh kahit anong damit maganda tingnan basta ikaw ang nakasuot." pambobola nalang sa akin ni Briana para mabawasan ang pagkainis ko.

--

Nang makarating sa apartment na tinutuluyan ni Troy ay agad na namang nag-ayos ng itsura si Briana.

Dahil nga sa nagreretouch pa siya ng make-up niya ay nauna na akong pumasok.

Broken Troy is careless Troy. Hindi man lang naglolock ng pinto.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko ang living room niyang puno ng kalat ng chichirya at kakaunting bote ng beer. Patay ang ilaw at ang ilaw mula sa tv lang ang tanging liwanag. Hinanap ko ang switch ng ilaw at agad itong pinindot.

Wala si Troy sa living room kaya siguro nasa kwarto ito.

Pumasok na rin sa wakas si Briana at tumabi sa akin habang pinagmamasdan ang kalat na alam niyang kami na naman ang magliligpit.

After leaving Gerson, city where dad lives and me before I left, dito ako napunta sa Avria Square, this place was called Avria Square since square talaga ang shape ng City namin. I came here not knowing anyone not until Troy and I bumped in an alley causing his phone to crack and broke. And I almost used all of my money replacing his phone but then there's Briana. As I was applying for a part time, para naman may pandagdag sa natira kong pera, I saw her working there. And she really adores me that time and she's questioning me every question she can think and that's when I told her about the bump and the phone and she told me that she wanna help me. Tinanggap ko ang tulong niya pero sabi ko babalikan ko naman ang tulong niya. But she refused.

Troy is always broken and syempre as his friend. Pumupunta kami dito ni Briana para magligpit ng kalat niya. And this is the first na tumawag siya upang manghingi ng karamay.

"Puntahan mo nga sa kwarto niya baka nandon." sabi ko kay Briana at nagsimula ng magligpit ng kalat. Agad namang naglakad si Briana papunta sa kwarto ni Troy.

"Pyx, he's not here!" sigaw ni Briana kaya dali-dali naman akong nagpunta sa kwarto ni Troy.

"Check mo sa cr." sabi ko kay Briana at chineck niya naman agad ang cr.

"Wala rin dito." sabi ni Briana na natataranta na.

"Briana 'wag kang magtaranta baka nasa cabinet lang check mo nga."

"Pyxis naman eh!" nakabusangot na saad ni Briana pero chineck naman ang mga cabinet.

"Tawagan ko nalang." sabi ko at tinawagan si Troy.

Sinagot niya naman ito.

"Troy nasaan ka? Nandito kami sa apartment mo!"

"Teka lang Pyxis." sagot niya sa kabilang linya at alam kong lasing na ito. May naririnig pa akong ingay na parang nagsisigawan o nag-aaway.

"Briana, I think may kaaway ngayon si Troy." sabi ko kay Briana.

"What? Kaaway? Then let's go. Tulungan na natin siya. Come on." sabi niya naman at agad na pumunta sa pinto.

"I don't know where he is." sabi ko at napabuntong hininga.

May narinig akong malakas na ingay mula sa cellphone ko. Hindi pa nga pala napatay ang tawag ko kay Troy.

"Troy nasaan ka?" muli kong salita.

"Nasa eskinita sa likod ng simbahan." sagot ng isang boses na hindi ko kilala.

"Bruno bitawan mo ang cellphone ko. Pyxis 'wag kang makinig sa kaniya—" rinig ko ang sigaw ni Troy bago patayin ng kung sino man ang tawag.

"I know where he is."

A Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon