Chapter 3 - Gone in

7 0 0
                                    


Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Briana. We're going to the one and only University here, the Avria University. Months since I've been here and classes will be starting soon. Briana and I both took nursing at pareho rin kami ng part time job. Well, uhm we're part timing at a club. Waitress, yeah. And I kinda like it because everytime I work, I could hear music, which I love.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming umalis. Mahaba siguro ang pila kaya mas maaga, mas maganda.

-

Lunch time at natapos na rin kami ni Briana sa pagpapaenroll. Umalis na kami sa University at pumunta sa fast food na malapit lang sa University. Malapit lang din kasi ang apartment namin sa University at dahil pagod pa kami sa haba ng pila, sa mas malapit na lang kami kakain.

Umupo ako sa bakanteng mesa habang si Briana naman ang umorder. Naisipan kong tawagan si Troy.

"Troy."

"Oh, Pyxis. Bakit?" tanong niya.

"Nasaan ka? Nakapag-enroll ka na ba?" usisa ko sa kaniya.

"Ah kakatapos ko pa lang mag-enroll. Nasa University pa ako ngayon." sagot niya.

"Dumiretso ka na lang dito sa fast food malapit sa University, kakain kami ni Briana, sabay ka na." muling saad ko.

"Sige. Mabuti naman at gutom na ako." sagot niya at pinatay na ang tawag.

Agad naman na bumalik si Briana pagkatapos niyang umorder.

"Bri, order ka ulit." natatawang saad ko sa kaniya.

"Ha? Bakit?" tanong niya.

"Si Troy kasi pupunta dito, makikisabay." sagot ko at nang-aasar ko siyang nginitian.

"Baliw! Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Sige na nga, order na ako ulit." sabi niya at umalis na may ngiti sa mga labi.

Ewan ko na lang talaga kay Troy at hindi niya pa napapansin na may gusto si Briana sa kaniya. Alam niyo naman, I wish the best for my friends.

Dahil mag-isa lang ako sa mesa at nakakabagot maghintay, nanood na lang muna ako ng video sa YouTube. Yung mga diy-diy na video, para magamit din namin sa apartment.

Ilang sandali pa ay nagulat ako dahil may umupo na lalaki sa harapan ko.

"Akala ko bukas pa schedule natin?" tanong nito.

Nagulantang naman ako sa tanong nito. Nakapatagilid kasi siyang umupo at may sunglasses pang suot.

"Po? Schedule saan?" pagtatanong ko naman sa kaniya. Schedule saan? Hindi ko nga siya kilala eh.

"At bakit naman mamaya na? Pagod pa ako, Warren. Kakarating ko pa lang rito, tapos mamaya na agad?" muling tanong nito. Ano bang pinagsasabi nitong lalaking 'to.

"Excuse me po kuya. Kayo na nga itong nakiupo rito bigla-bigla tapos magtatanong kayo ng mga bagay na hindi ko naman alam. Malay ko ba sa mga pinagsasabi mo, eh hindi nga kita kilala." sabi ko sa kaniya na hindi niya ata narinig.

Wait-

"Kuya, prank cam ba 'to?" tanong ko sa kaniya. Naalala ko kasi yung mga video na napanood ko sa YouTube. Yung Tukomi, may ganito rin doon eh.

"Hala kuya! Prank cam 'to eh! Part ka ba ng Tukomi? Asan camera niyo?" masayang saad ko. Minsan lang ako masama sa isang video sa YouTube kaya sobrang saya ko.

Napatayo ako at hinanap ang camera, usually kasi nasa malayo yung cam kaya tinalasan ko talaga ang tingin ko.

May nakita akong phone na nakatutok sa akin sa malayong mesa. Nilapitan ko ito.

"Kuya, nahuli ko na po kayo!" masayang sambit ko at hinatak ang phone niya. Tiningnan ko ito at hindi pala siya nagvivideo.

"Miss ibalik mo ang cellphone ko." sabi ni kuya kaya mabilis ko itong binalik.

"Hala, sorry po akala ko kayo yung camera sa prank cam." hinging tawad ko at bumalik sa table namin.

Ganoon pa rin ang posisyon ni kuya at parang tanong parin siya ng tanong.

Kinalabit ko siya, "Kuya, hindi po ba kayo member ng Tukomi?"

Mukhang napansin niya naman ako dahil kinuha niya ang sunglasses niya at tumingin sa akin.

"Tukomi? Hindi po." sagot niya. Hindi nga siya member ng Tukomi. Sa gwapo niya ba namang ito. I mean gwapo at cute din naman yung members ng Tukomi pero si kuya kasi parang nagmula sa langit sa kagwapuhan.

"Eh kuya ba't mo ako tinanong kanina tungkol sa mga schedules?" tanong ko ulit at naupo na, baka hindi kayanin ng mga tuhod ko.

"Schedules?," napatawa siya, "Ah, I was talking with someone on the phone." sagot niya at pinakita ang phone niya.

Para naman akong binuhusan ng mainit na tubig dahil sa kahihiyang nagawa ko.

Dumating naman si Briana dala na ang mga inorder niya.

"Pyxis tulungan mo naman ako rito." sabi niya dahil sa dami ng inorder niya. Agad akong tumayo para tulungan siya pero naunahan ako ni kuya.

Umupo si Briana sa tabi ko. "Pyxis, sino?" tanging tanong niya.

"Hindi ko rin alam." sagot ko na lang.

"Btw, I'm sorry uhm, what's your name?" tanong niya.

"Pyxis! Briana!" si Bri ang sumagot.

"Yeah, I'm sorry Pyxis. Wala na kasing bakanteng mesa kanina pag dating ko kaya dito na lang ako naupo since I'm too tired from driving for 6 hours." paghinging paumanhin niya.

"Gutom ka rin siguro. Dito ka na kumain. Wala ng bakanteng mesa oh." muling saad ni Briana.

Kung alam mo lang Briana, kung anong kahihiyan ang nagawa ko.

"Salamat. Sige, oorder lang ako." sagot niya at umalis na para mag-order.

"6 hours? Saan kaya siya galing?" tanong ni Briana. I just shrugged.

"Hoy, ano bang nangyari?" tanong niya ulit. Madalian ko naman kinwento sa kaniya ang nangyari dahil baka bigla ng dumating si kuya.

Napahagalpak ng tawa si Briana pagkatapos kong ikwento yung nangyari.

"Tukomi? Tanga mo naman Pyx!" sabi niya at tumawa na naman.

"Bakit naman tanga si Pyxis?" napahinto sa pagtawa si Briana at nakabukas parin ang mga bibig niya. Nasa harap namin si Troy na napatawa naman sa itsura ni Briana. Natawa na lang din ako.

Tawa kami ng tawa ni Troy ng bumalik na si kuya dala ang inorder niya.

"Oy bro, ba't dito ka uupo?" pagharang ni Troy sa kaniya.

"Troy, wala na kasing bakanteng upuan at may ikukwento pa ako sa kaniya." sabi ni Briana.

"Anong kwento?" tanong ni Troy at naupo sa harap ko.

Nagsimula na akong kumain dahil kanina pa ako nagugutom.

"Tungkol kay Pyxis, makinig ka ha!" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Anong tungkol sa akin?" tanong ko kay Briana?

"Basta makinig ka na lang." sagot niya at ngumiti. Why do I feel it's something bad?

"Ano palang pangalan mo kuya?" tanong ni Briana kay kuya.

"Klen. At 'wag niyo na akong tawaging kuya, same age lang naman siguro tayo." sagot naman ni kuya-, ni Klen.

"Kanina nga kasi si Pyxis iniwan ko rito kasi umorder ak-" agad kong tinakpan ang bibig ni Briana pero agad naman akong hinatak ni Troy.

Sa huli ay kumain na lang ako habang pinagtatawanan nila ako.

Apparently, they became friends.

A Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon