BUHAY ESTUDYANTE

9 0 0
                                    


Labing-isang taon
Labing-isang taon ko ngayon bilang isang estudyante
Mga ibat-ibang klaseng estudyante ako'y nakasaksi
Kaya alam kong ang paghihirap, pagkadapa, pagkalungkot, pagtawa, pagngiti at pagkalito'y naranasan na ninyo
Maging ako
Maging ako
Lahat ng ito'y dumaan sa buhay ko

Nong nasa elementarya pa ako
Akala ko para lang itong larong patintero na kapag ika'y laging natatalo pwede kang sumuko
Akala ko para lang itong larong habulan na kapag ika'y napagod pwede kang huminto
Pero nong tumuntong ako sa mataas na paaralang ito
Nagkamali ako
Para pala itong sugal na kailangan mong lumaban ng lumaban
Mabawi lang ang perang nasayang

Sa ikapito't ikawalong baitang ko
Naranasan ko ng gumapang
Gumapang sa hirap ng pinagdaanan
Naranasan ko ng lakarin mula dito pauwi sa amin
Sa kabila ng masusukal na daanan, walang kabahayan at sa gitna ng kadiliman
Kung minsa'y pumapatak pa ang ulan
Lahat ng iya'y aking naranasan
Naranasan ko ng sumuong sa malakas na agos ng tubig makauwi lang sa amin
Nilabanan ang takot at pangamba
Dahil ako'y may pangarap pa

Hindi madaling maging isang estudyante
Para kang magsasaka na ang bawat butil ay sumisimbolo sa kaalamang makukuha
Kaalamang, makukuha sa paghihirap na ginawa
Kaalamang, magagamit hanggang pagtanda
Kaalamang kailanma'y hindi makukuha ng iba
Kailanma'y hindi makukuha sino man sa kanila

PANGONGOPYA
Iyan ay naranasan ko na
Tao lamang ako't hindi kasing talino ng inaakala niyo
Pero may limitasyon ako
May hangganan ako
Hindi gaya ngayon na kopya lang ng kopya ni walang ideya
Ang importante may maisagot sila
Kaya kapag tinawag, natatameme na
Hindi man lang inisip ang pawis at dugong inilaan ng mga magulang nila mapaaral lang sila
Mga magulang nilang pinaaral sila upang magkaroon ng kaalaman
At hindi para mangopya lang

PAG-IYAK
Mga nakakalitong lesson
Mga asignaturang muntik ko ng ikabagsak
Mga proyektong sunod-sunod
Mga bayaring nakakabutas ng bulsa
Lahat ng iya'y iniyakan ko na
Napakababaw hindi ba?
Pero lahat ng iya'y sa akin mahalaga

CUTTING
Bagay na ni minsan hindi ko naranasan
Dahil sadyang ako'y may paninindigan
Pinaaral ako upang may matutunan
Hindi para makipaglandian lang
At lalong hindi para umuwi na puro katarantaduhan ang alam

PAGSUKO
Minsang pumasok sa isip ko
Pero ayokong sila'y mabigo
Ayokong masayang ang ilang taong pag-upo
Dahil lang sa mga salitang "AKO'Y SUSUKO"
Pero madalas ngayon
Kaydali nalang sa kanila ang pagsuko
Pero kapag lovelife na ang usapan
Aba'y lahat sila lumalaban kasi nga wala daw sukuan
Mga estudyante nga naman

RESPETO
Kalakip ng edukasyon ay ang salitang ito
Pero bakit unti-unti na itong naglalaho
Mga estudyante ay nawawalan na nito
Hindi nila alam na kapag meron ka nito higit kapa sa taong edukado

Sa bawat pagsubok
Huwag tayong sumuko
Lagi nating tandaan na edukasyon ang puhunan
Huwag puro lovelife ang daluhan
Iiwan kalang naman niyan
Huwag puro chismis ang pag-usapan
Wala ka namang mapapala dyan
Kaya sabay-sabay nating isigaw
"WALANG SUKUAN PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN"

Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon