Sisimulan ko sa araw kung paano tayo ko sa araw kung paano kkta sinuyo
At tatapusin ko sa araw kung paano ka lumayo
Ako'y naiirita sa iyong bawat ngiti
Hindi maipaliwanag kung bakit namumuhi
Para kang takas sa mental kung tumawa
At ito'y masakit sa tainga
Hindi maipaliwanag ang inis sa tuwing ika'y nakikita
Sa paglipas ng panahon
Nagbago ang ihip ng hangin
Araw ko'y hindi nabubuo kung ika'y hindi titingin
Mga tawa mo'y masarap sa tainga
Mga ngiti mo'y nakakagana
Dumaan ang araw na tila ako'y nahulog na talaga
Para-paraan upang ika'y malapitan
Ako sayo'y nakipagkaibigan
Upang mas mapalapit ng lubusan
Pagkaraan akin kang niligawan
Mga matamis na salita ay binitawan
Mga pangokong gustong mapanindigan
Araw-araw magkasama
Hapon man o umaga
Hindi ako nagsasawa sa iyong mukhang kayganda
Walang mapagsidlan ng sayo
Nang sa wakas sinagot mo na
Inalagaan, pinagbibigyan
Oras ay inilaan
Pagmamahal ay mas dinagdagan
Maayos naman ang ating samahan
Pero bakit ito nawasak na parang hindi iningatan?
Bakit ito nawasak ng ganoon ganoon nalang?
Dalawang taon kitang sinuyo
Tatlong taon nating binuo
Limang taon
Limang taong iningatan ko ng husto
Limang taon kitang inalagaan
Ano pa ba ang kulang?
Ano ba ang dahilan?
Pangakong binitiwan ay tinupad naman
Ako ba'y may pagkukulang?
Umalis ka nalang ng walang paalam
Iniwan mo akong wasak at luhaan
Iniwan mo akong hindi mo man lang sinulyapan
Ako ko tayo hanggang dulo
Akala ko tayo kahit pa mawasak ang mundo
Pero bakit ganoon?
Anong nangyari at ikaw ay hindi na lumingon?
Anong nangyari at ikaw ay kumawala sa napakaluwag na pagkakahawak?
Masakit isipin na hanggang alaala nalang
Masakit isipin na hanggang doon nalang
Pero sa ikasasaya mo
Pipilitin kong ngumiti
Taas noong sasabihin "MAKAKA-MOVE ON DIN AKO"
BINABASA MO ANG
Spoken Word
PoetrySo hiii readers, charot murag naa😪 Btaaw ginawa ko po ito kasi nabobored na ako sa bahay hahaha. Actually, compilation po ito ng mga medyo okay na spoken ko, yong iba kasi is trip² lang tas sobrang ikli kaya di ko na sinali hehe. Kung meron man na...
