*1 new message*
I opened my phone as soon as I received that notification. Alas dos na ng hapon ngayon at may usapan kami ng mga kaibigan ko na magkikita sa isang cafe malapit sa subdivision namin.
Louise: OTW na ako mga sis hehe
Ako: Kaninang ala una pa yang OTW mo ha?! Nako siguradohin mo lang na malapit ka na!
Yung usapan namin ay alas dose kami magkikita pero alas dos na at ako pa lang yung nandito sa cafe. Mga walang hiya talaga ang mga kaibigan ko at pinaghintay ako dito ng dalawang oras!
Nalie: Gaga yung unang OTW na sabi niya ay On The Water daw yung ibig sabihin HAHAHA
Ako: Aba Nalie mabuti naman at naisipan mong mag OL, ako pa lang ang nandito at dalawang oras na akong nag hihintay
Nalie: Hehe I’m sorry sis traffic kase, OTW na rin ako
Ako: Hoy mga walang hiya kayo! Kanina pa ako dito naghihintay
Kendal: Kalma teh hahaha mag kasama kami ngayon ni Reese
Ako: Mga walang hiya talaga kayo!
Mga demonyo talaga yon, buti na lang at kumain na ako ng lunch bago pumunta dito, kung hindi ay baka bumulagta na ako dito dahil sa gutom. Ang sarap nilang patayin eh.
Di nag tagal ay may pumasok na apat na babae sa cafe at alam kong sila na yon. I pinched the bridge of my nose due to frustration and annoyance. Sabay silang umupo sa bakanteng upuan, mga ampota talaga eh.
Nalie was the first one to speak “Uhm hi sis hehe,” she looked at me awkwardly “Kanina ka pa dito?”
Hindi ako nag salita at tinignan siya ng masama para maramdaman niyang naiinis talaga ako.
“Galit yata Reese,” I heard Kendal whisper at Reese. Bumulong naman si Reese “Gaga ka kasi eh, alam mo naman na may usapan tayo tapos di ka pa naligo ng maaga.”
“Mga animal kayo! Nag bubulungan pa kayo eh naririnig ko naman,” Bulyaw ko sa dalawa. “Kayo kaya yung paghintayin ko ng dalawang oras huh? Sa tingin niyo na enjoy ko yun?”
“Jusko eto naman oh,” Sabat ni Louise sabay tawa “Libre ka na lang namin ng milktea okay?” Aba at nagawa pa niya akong tawanan, alam na alam ng bruha na hindi ko kayang tanggihan yung alok niyang libre na milktea. Naiinis parin ako pero dahil mabait ako tinanggap ko na lang yung alok ni Louise.
“Kpayn” Sagot ko sa kanya sabay irap.
TWO MILKTEA, three iced coffee and five waffles later ay napunta na yung asapan namin sa rason kung bakit kami nagkita nagyon.
“So anong plano natin for senior high?” Kendal asks after taking a bite of her waffle.
Si Reese yung sumagot sa tanong niya, “Diba we are all gonna take up engineering in collage?” She looked at us before continuing “So we have to chose STEM duh.”
Aba attitude ka ghorl ah?
“Actually sis, Mom insisted that I should go for HUMSS” Louise said, making all of us to freeze and look at her “But don’t worry, we’re still gonna go to the same school,” she added as if we’re all worried that she’s gonna be separated from us.
The five of us have been best friends since grade 7 and we’ve been inseparable ever since. Kakagraduate lang namin last month and we have to transfer school for senior high kasi di nag o-offer yung previous school namin ng ganon.
“Hala bakit naman?” Nalie ask, still shookt from the sudden change of plans.
Louise just gave us a weak smile and said “She wants me to take Mass Communcation in collage.”
After a long silence “Ay so sad,” sabi ko at bigla ba naman akong batukan ni Kendal.
“Hoy gaga ka ah? Bat mo ako binatukan?” tanong ko sa kanya habang hinihimas yung batok ko, gago nun ah? Ang sakit kaya, parang naghiwalay yung ulo ko sa leeg ko.
“Eh para kang gaga, may gana kapang mag joke ngayon,” sagot niya habang tinitingnan ako ng masama. “Eto naman, ang seryoso niyo kasi eh” sabi ko na lang bago ubusin yung milktea ko.
“So bale apat tayo STEM yung kukunin tapos si Louise HUMSS?” Nalie said while chuckling nervously. “Sa Riverside ako mag se-senior high sis.”
“WHAT?!” sabay-sabay naming tanong sa kanya.
“Eh diba STEM-med lang yung offer nila dun? Hala bakit?” ulol rin to eh, akala ko mag-e-engineering kaming lima. Una si Louise mag-u-HUMSS tapos si Nalie sa ibang school mag aaral, to be specific sa med-school pa.
I know Nalie won't make any stupid decisions in her life, so before jumping into conclusion we have to listen to her explanation first.
"I don't know or understand but I just woke up one day and I felt that I want to be a doctor not an engineer," hindi niya kami magawang tingnan sa mata "I hope you understand mga sis, I already told Mom and Dad about this and they said they would support whatever that makes me happy."
She's nervous and the four of us can feel the atmosphere suddenly thickened. But what surprised me is what happened next.
Biglang hinila ni Reese yung buhok ni Nalie sabagay sabi "Gagi ano akala mo samin? Makikitid ang utak?"
"Hoy! Aray ha? Bat mo hinila yung buhok ko?"
"Eh para mo na rin kasing sinabi na hindi ka namin susuporthan sa mga desisyon mo," sagot ni Resee at nahihimigan ko yung pagtatampo sa boses niya.
"Yeah, I agree," Kendal agreed with Resee "We are friends and don't make it sound like that we don't support you."
"Para kang shunga, kung mag do-doktor ka edi masaya kasi wala kaming bayad sa hospital" sabi ko pagkatapos ay tumawa para maibsan yung kalungkutan na di na kami kompleto sa isang paaralan.
"Ih, sorry naman sis. Akala ko kasi magagalit kayo eh," sabi ng gaga at parang maiiyak na. Ulol rin ang isang to eh. "I promise na I'll visit you occasionally sa school niyo."
"Sus bruha, kahit kami pa yung pupunta sayo eh," sabi ni Louise "Basta pakilala mo kami sa mga boylet dun ha?" Luh baliw talaga ang isang to eh.
AFTER that eventful day we went straight home.
I took a warm shower to loosen up my limbs, jusko na stress ako ngayong araw eh.
I heard my phone beep on my study table while I was trying to plug the blower to dry my hair.
*3 new messages* I opened my phone just to see our gc chat head.
Nalie: Uy tell me if mag papa-enrol na kayo ha? I wanna go with you
Kendal: k
Louise: 👍
Hala mga siraulo talaga tong dalawa eh.
Nalie: amppp mga walang hiya kayo!
Reese:. Huh?
Nalie: back read ka sis
Ako: huhtdoggg
Para akong baliw habang nagta-type. Nakakatawa talaga tong si Nalie eh, ang sarap tripan.
Nalie: ay tangina kayo, bahala kayo sa buhay niyo!
Luh? Siya pa yung may ganang magalit.
Binalik ko sa study table yung phone ko at pinagpatuloy yung ginagawa ko kanina.
While blow drying my hair my imagination went to senior high. Napapaisip ako sa mga mangyayari sa mga susunod na buwan.
I just hope that senior high won't turn out to be bad.
_________________________________________________
:>
BINABASA MO ANG
Chemical Romance
Teen FictionSenior High Series 1 (STEM, ABM HUMSS, TVL) How can a chemistry laboratory incident turn into romance? She is just an ordinary teenager who loves to play sports. Rishanna Yane Vidal believes that math is just like a volleyball game, you have to kee...