"azuki friend please bumili ka na don sa may 7/11" pangungulit ng karoommate kong si Aezel jusko biruin niyo ba naman 9 pm na tsaka lang magpapalit ng napkin? I mean nagpalit naman na raw siya kanina pero kauubos lang ngayon.
"nako aezel naman kasi uso tignan kung may napkin ka pa hindi yung puro ka lamon dyan at hilata friend" sermon ko sakanya habang hinahanap hoodies ko. aba syempre mahirap na no madaming elemento sa daan mahirap na at makursunada pa ako
"naks yes! sabi ko na nga ba di mo rin ako matitiis frenny you love me right?" asar niya sakin kala mo naman nakakatulong.
"tangeks! maligo ka na nga nangangalingasaw na yang kasangsangan mo fren" balik ko sakanya habang sinusuot ang tsinelas kong galing tabi tabi lang.
"osiya lalayas na ako at ikaw maligo ka na dyan mamaya gagawin mo nanaman tambayan yang cr buti sana kung naglilinis ka grrr" hirit ko pa sakanya habang binubuksan ang pinto ng aparment namin.
"bessy bili ka foods ha? ingat! labyu mwua!!" pahabol pa niyang sigaw sakin kala mo naman may patagong pera.
isipin mo yun ako na nga gagastos ng napkin niya tapos hihirit pa ng pasalubong? wala nga akong jowa may frenny naman akong feeling jowa.
Napailing na lang ako sa naiisip ko. hay gabi nanaman pang ilang taon ko na ba tong pagiging single? 4? 5? teka wala pa nga pala akong nagiging nobyo AHAHAHAHAHA..
katangahan mo azuki hay kakaisip ko tuloy nakarating na ako sa 7/11.
"goodevening maam" bati sakin ni manong guard sabay bukas ng pinto ng 7/11
"magandang gabi rin manong guard" bati ko rin sakanya bago ako pumasok. syempre naman manners! never forget your manners wherever you go ghoooorl.
"hmm napkin napkin napkin" bulong ko habang naglalakad at hinahanap ang section nito aba feeling school may pasection ani ko sa isip ko.
iba talaga pag mag isa namimili kung ano ano naiisip hay.
"ayon palaman!" sabi ko habang nilalapitan ang pwesto nito aba napaka layo ha ano yon nabalitaan ba na bibili ako at talagang parang nakatago pa.
kinuha ang dalawang brand ang brand X and Brand Y.
parang x mo lang na pilit mong iniiwasan pero nandyan parin ang y na gusto mong malaman kung bakit nga ba nangyari.
napapailing na lang ako sa naiisip ko kung ano ano na lang ano ba self be human think normally don't be abnormal ghad.
kinuha ko ang brand Y dahil masyado na kong sawa sa mga X huwag na dapat yan isipin at wala na dapat sa choices.
nagtingin tingin pa ako sa loob ng 7/11 upang mamili pa ng pasulubong ni bruha at syempre para na rin saakin.
pumunta ako sa mga chips at napili ko ang pinakamamahal kong cheezy my heaven in earth at kumuha ng pic A para sa bruha sabay punta sa mga inumin. Kumuha ako ng Chocodrink,Milk,Coffee,Vitamilk,at softdrinks para na rin mainom sa apartment medyo nakakasawa na puro tubig but still drink your water biiiiiish!
nung makuha ko na lahat at mukha namang wala na akong nakalimutan ay pumunta na ako kay mareng cashier.
"good evening maam" bati sakin ni ate ghorl
"magandang gabi ate ghorl" bati ko rin sakanya habang binigay ang mga napili ko
"bali 457.25 maam" sabi niya sakin
binigay ko naman sakanya 458 syempre wala akong 25 cents e hay naalala ko tuloy sa tindahan pwede gawing panukle yung candy pero hindi pwede pang bayad like whaaaaaaaaaaaaaaat?
![](https://img.wattpad.com/cover/223682896-288-k577417.jpg)
BINABASA MO ANG
Gift (Almost Series #1)
Roman pour AdolescentsNot all gifts needs to be a material thing,sometimes it is something that you never expect to give to someone. ps. the coverphoto is not mine I found it in pinterest so credits to the owner.