***Adrianna***
Nandito ako ngayon sa isa sa mga resort namen, location sa subic para sa isang swimwear pictorial. Walang nakakaalam na kami ang may-ari ng resort na ito dahil sa ang nagma-manage nito ay isa sa mga pinsan ni Nanay. Ako ang pinakabatabang modelo sa grupo, natutuwa ako dahil pinapayagan ako nina Tatay at Nanay basta hindi pababayaan ang pag-aaral. Ayoko rin na matanggal sa pagiging top 2 sa klase, ang hindi ko matalo ang top 1 ang kakambal kong si Andrius. Hindi nga halatang matalino ang kakambal ko kasi ni minsan hindi ko naman nakitang nagbasa ng libro ang mokong.
Medyo marami na din akong naipon sa pagmomodelo habang ang kakambal kong si Andrius mas hilig na tumambay sa headquarters mukhang susunod ito sa yapak ni Tatay. Ang tatay ko ay isang lider ng Mafia, pero hindi illegal dahil katuwang sila minsan ng Gobyerno para puksain ang mga kriminal. Yung mga krimen na hindi malutas lutas ng mga pulis ay ang Dela Torre Mafia ang solusyon.
Bago ako pumasok sa dressing room ay pansin ko ang mga tauhan ng mafia ay nagkalat sa resort, tiyak na pinadala ni Tatay para bantayan ako, maliban kay ate Gelai at ate Bella na assistance slash lady bodyguard.
***make up artist***
"ang ganda ganda mo girl""thank you po"
***make up artist***
"hindi ka mahirap ayusan, kasi natural ang ganda mo, hindi kagaya ng iba mga modelo kailangan na ilang patong ng foundation"Ngumiti lang ako sa kaniya, halos lahat ng staff at crew ay mabait kaya ganun din ako sa kanila. Lumalabas pa rin minsan ang pagiging maldita ko, pero may kabaitang taglay din.
Summer outfit na talagang dinudumog na mga kalalakihan ang set. Pero ang outfit ko ay rushguard na kulay pink kaya hindi masyadong mahalay. Kita lang ang ganda ng hubog ng aking katawan.
Hindi kagaya ng ibang modelo na halos walang ng maitago, labasan ng pekeng dibdib at puwet.
Andito pa rin kami sa dressing room naiinip sa paghihintay sa isang primadonnang modelo. Sa totoong lang ay naiinis na ako dahil kanina pa kami nakahanda pero hindi makapag-umpisa dahil wala pa daw si Elena Smith.
Si Elena Smith ang pinakasikat na Mens Magazine model, ilang beses na din itong itinanghal na number one sa fhm Philippines. Hindi naman siya maganda kong titingnan ng husto dahil sa sobrang kapal ng make-up.
Umugong ang bulungan sa paligid pero hindi ko na lang pinapansin, inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga romantic novels na dala ko at para hindi masayang ang oras ko na nakatunganga lang.
"Umalis ka diyan"
"Sinabing umalis ka diyan"
Naramdaman ko na gumalaw ang aking upuan, kaya napatigil ako sa aking pagbabasa. Napilitan akong tingnan ang istorbo nagpapainit ng ulo ko.
Nakita ko si Elena Smith, maldita kong tumingin at todo taas ang kilay sa akin. Sinalubong ko ang kaniyang tingin akala niya ay masisindak niya ako puwes nagkakamali siya kung maldita siya ako ang prinsesa ng mga demonyo.
Biglang itong namutla at umalis sa aking harapan.
Wala pa nga akong sinasabi umatras na. Hay naku nawalan na ako ng gana na magbasa.Kita ko sa salamin na kung paano niya itrato ang mga make up artist, grabe akala mo kung sino kung maka-utos sa ibang staff. Ako man ang pinakabata na modelo ay walang makakasindak sa isang Dela Torre.
****
Wakas ay nagumpisa na ang pictorial pero ramdam na namen ang init sa balat, mabuti at naging maayos naman ang pictorial. Habang nag-aayos ng mga gamit ay hindi nakaligtas sa akin pandinig ang kanilang pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
The Royal Couple, Double, Trouble 1 (On-Going)
General FictionLove Story of Jam Elizer Montecristo ❤️💙💜💞and ❤️💙💜💞 Adrianna Queen Dela Torre