CHAPTER 1

6 1 0
                                    

Ilang araw na rin nung nakipaghiwalay sa akin si Zion dahil may iba na siyang mahal. Ilang araw na rin akong parang tanga na naghahabol sa kanya at sinusundan kung saan siya pupunta.

"Where are you going? Are you that stupid to follow Zion again? That cheater?"

Pinapagalitan nanaman niya ako. Mariantha is my elder sister who wants to stop me. Dahil nagaalala raw siya sa akin.

"I just want to see him. I promise, this night? This would be the very last"

Oo na ako na yung naghahabol. Mahal ko lang talaga siya. Gusto ko na rin naman na kalimutan siya kaya totodohin ko na yung sakit.

"FOR GODSAKE ELLIORESE STOP IT NOW. YOU'RE HURTING YOURSELF EVEN MORE. You must stay here."

"Mariantha. I'll be okay I promise I'll comeback."

Tumakbo na agad ako ng mabilis at hindi na tumingin pa sa kanya. Narinig ko na lang siyang sumisigaw at yari pa ata ako paguwi ko neto.

Hinugot ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tinignan ang location niya. Kaya ko nalalaman ang location niya dahil yung cellphone niya na ginagamit hanggang ngayon ay yung cellphone na binigay ko sa kanya. Wala na sa isip niyang ibalik sakin sobrang kapal ng mukha pero mahal ko. Ang tanga tanga kooo.

Papunta na ko sa kanya ngayon. Nakahood akong black at black pants and sneakers lang ako para makapagtago ako sa dilim. Nasa park sila ngayon at alam ko yung lugar na iyon dahil dun din niya ako dinala nung kami pa. Napansin kong lumiliwanag na at agad akong nagtago sa dilim. Mahalaman dito sa lugar na to kaya mas marami akong mapagtataguan. Inilabas ko na rin ang cellphone ko ng makahanap ako ng madilim na lugar. Nilibot ko ang paningin ko dahil malapit na lang siya dito kung nasan ako.

Ilang minuto pa akong naghintay at nakita ko na siya...hindi lang pala siya ang nandun dahil nandun din yung babaeng pinalit niya sa akin. Ang sweet sweet nila kaya ngayon nasasaktan na naman ako. Nagbabadya na naman ang luha ko.

"Why am I doing this?" Bulong ko sa sarili ko habang natatawa pa.

Napakasweet nila. Lahat ng ninanais kong gawin niya sakin ay nagagawa niya sa babaeng yun. Naging matino naman akong girlfriend sa kanya. Saan ba talaga ako nagkulang para ipagpalit niya ako? Wala akong ideya bakit niya nagawa sa akin to. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko.

Ilang minuto na kong umiiyak ngayon pero hindi ko pa rin kayang igalaw ang mga paa ko. Iyak na ko ng iyak gusto ko na lang yumakap ng tao ngayon pero napakaimposible nun. Para pa rin akong tanga na nakatingin sa kanila. Ayoko na ng ganto. Pagod na ako. Tatalikod na sana ako pero naudlot yun dahil may naramdaman akong tao sa likod ko.

"Akala ko imposibleng magkaron ng tao malapit dito."

"Miss--"

"Alam mo bang hindi ko inaasahang magkakaron ng tao sa likod ko? Kailangan ko talaga ng taong mayayakap ko ngayon."

Humarap na ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit at nagsimula na rin akong umiyak ng umiyak.

"I want to get out of here. I really want to go far away from here. It hurts. It hurts to see your special someone with another girl. I still love him even if he cheated on me."

Tinulak ako ng bahagya ng lalaki pero hindi ako nagpatinag.

"Miss bitawan moko kailangan ko pang makahanap ng mapagkakakitaan. Hindi naman ganto plano ko."

"Then I'll pay your time. I just need someone right now."

Bumitaw na ako at tinignan siya. Matangkad siyang lalaki. Naka cap na itim all black din siya pero dahil dun nakikita ang kaputian niya.

A Love To Last A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon