CHAPTER 2

1 0 0
                                    

GIZMO'S POV

"What?"

Nandito nanaman sa kwarto ko tong si Aling Martia.

"Hindi ka pa nakakabayad ng upa mo ijo. Kailan ka ba makakapagbayad? Nakakadalawang buwan kana rito pero ni isa wala ka pang naibabayad sa akin. Pinagbibigyan lang kita dahil gusto ka ng apo ko."

Bakit pa kasi nandito ako! Ayoko sa ganitong pamumuhay.

"Aling Martia. Please? Give me more time."

"Hindi na ijo. Pag hindi ka pa nakapagbayad bukas papalayasin na kita kahit magalit pa ang apo ko sakin!"

"Please Alin----"

Lumabas na siya ng kwarto ko. My budget wasn't enough anymore. I can't contact my older brothers either. My life was so miserable. Kailangan ko na atang kumapit sa patalim.

"ARGGGHHHHH BAHALA NA!!!"

Nagbihis na ako para sa plano kong to. Patawarin nawa ako ng Panginoon sa gagawin kong masama ngayong gabi. Ayokong mapaalis sa lugar na to dahil 2 buwan pa ang kailangan ko. Ngayon ko lang to gagawin.

"Kayanin mo to Gizmo. Everything will be okay. Kailangang kumilos kesa naman mapalayas ka ng matandang yun."

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng apartment ko. No mercy for this day.

Unang plano:

1. Sa labas ng bangko

Nakatayo na ako sa may gilid at naghihintay na lang na may masnatchan o madukutan manlang pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa ring matyempuhan. Napakasama kong tao

Unang plano FAILED!

Pangalawang plano:

1. Mamakla na lang kaya ako?

NOOO IT WILL NEVER HAPPEN. FAILED!

Last plan. Sana makatyempo na ako.

PARK!

Madali na lang siguro ito dahil madilim na at siguro marami pa ring tao sa parke dahil may panoorin doon ngayon. Nasa dilim lang ako nakatago at naghahanap ng tyempo at jackpot.

May babaeng nakahood ang nakatayo sa madilim na parte ng parke. Nilabas niya ang cellphone niya. NakaIphone malamang mayaman to.

"I'm very sorry Lord. Hope you can forgive me."

Papalapit na ako sa kanya pero nakita ko na nakatingin siya sa malayo at isang lalaki at babae ang tinitignan niya. Umiiyak siya naririnig ko ang hikbi niya. Ilang minuto muna ako hindi gumalaw at nakokonsensya dahil baka makadagdag pa ko sa problema niya.

Evil side

"Paghindi ka pa kumilos mapapalayas kana bukas at mahihirapan ka nanaman makahanap ng mauupahan."

Shit. My evil side just spoke. May point siya kaya tatatagan ko na ang sarili ko. Huminga pa ko ng malalim.

"Miss-"

Hindi ko natuloy ang pagsabi ng 'miss holdap to' dahil niyakap niya ako. May sinabi siya pero hindi ko na narinig dahil sa kaba ko at bilis ng pangyayari.

What's wrong with this girl?

"I want to get out of here. I really want to go far away from here. It hurts. It hurts to see your special someone with another girl. I still love him even if he cheated on me."

Bahagya ko siyang tinulak dahil sa gulat.

"Miss bitawan moko kailangan ko pang makahanap ng mapagkakakitaan. Hindi naman ganto plano ko."

A Love To Last A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon