Chapter 01 : First day

5 1 0
                                    

*splaaaashhhhh*

AY PUTANGINAA

"Anoba?!?! Kita ng natutulo- A-aay Ma I-ikaw p-pala yan s-sorry ma hehe.."

Lagot si mama pala, akala ko kung sino eh buhusan ba naman ako ng napakalamig na tubig habang nahilik pa ko eh!! Kaimbyerna ha!!

"May lakas ng loob ka pang sigawan ako ha!! Kanina pa kita ginigising!! Nandon na sa baba ang kapatid mo kumakain!! Kailangan pa talaga kita buhusan para lang magising kajan!!- Blablablachuchu+#+@)&&;"!/?-" pagalit saken ni maderlalu.

umagang umaga nagrarap si mama hayy

"T-teka nga lang po ma ang bilis ninyo magsalita at hindi ko na kayo maintindihan, ano po bang meron ngayon at wala pa ang sikat ng araw eh ginigising mo na ako?"

*paaaaakkkk*

pota ketbe huhu

"Ma! B-bakit moko binatukan? Ano bayun??" reklamo habang hinihimas ang ulo ko.

"Nabagok ka ba ha at wala kang matandaan!!! Abat Persday nyo ngayon ni Tonying!!!" gigil na sigaw ni maderlalu saken

Ha¿???

Ano daw?? Persday??

*tiiiinggg* (tunog to ng utak nya anuba)

Ah! First day pala namen ni Tonying sa Royalty's Campus ngayon shet!

As in shet! Talaga!!

"S-sorry ma ngayon ko lang naalala medyo gobas ako kagabi ma eh h-hehe sorry po ma"

"Sige na sige na..Bumaba ka na don at baka malate pa kayo, unang araw nyo pa naman" sabi ni mama

"Okiee po mama, babush at ako'y maliligo na, labyu ma mamatsuptsup!!"
sigaw ko habang nag mamadaling bumaba papunta sa banyo.

Hayyy gaano ba ako ka gobas kagabe at nalimutan kong first day pala namen ngayon sa bagong naming eskwelahan.

Oo tama kayo nang narinig este nabasa pala. Transfery lang kame ni Anthony sa Royalty's Campus ngayon. Ako ay third year samantalang si Anthony ay First year highschool.

"Hoy ate buti naman at naisipan mong gumising akala ko binangungot kana eh" asar saken ni Tonying de leche

"Leche ka! Bago ako bangungutin, lulunudun muna kita sa balde, bet mo yon vehh??" Asar ko sakanya habang papasok na ng banyo.

Kapatid ko si Anthony at Tonying ang palayaw nya dito sa bahay. BWHAHAHA!! natatawa talaga ako sa pangalan ng lapuk nayon!! Ang baho ng palayaw ampota HAHAHA buti pa ung saken Maxcessia pangalan ko, oh diba anlakas maka sosyal hah!

Elementary palang kami ni Tonying, pangarap na namin ang magaral sa Royalty's Campus kaya naman nagaral talaga kami ng maigi para makakuha ng full scholarship dahil iyon lang naman ang paraan para makapagaral kami roon dahil isa itong eskwelahan ng mayayaman at di afford ng maderlalu namen yon veh! Sobrang saya namin na hindi kami nabigo.

Kung magtatanong kayo tungkol sa tatay ko, nako wag na at baka samain lang kayo saken. Sabi nga nila "Awayin mo na ang lasing, wag mo lang inisin ang dyosang bagong gising" charot anu ba minsan lang ako magmaganda pagbigyan nyo na!!

So ayon nga wala talaga akong alam sa tatay namin dahil ayaw rin naman magsabi o magkwento man lang samin si Mama Tes tungkol kay papa, kaya iniisip nalang namin na patay na siya.

Pumasok na ako ng banyo at isinara ang pinto at laking gulat ko nang...

"WAAAAAHHHHH!!!" sigaw ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dark RevengeWhere stories live. Discover now