PROLOGUE

12 1 0
                                    

"Happy Birthday, Selene!"



"Thankyouuu!!!"

Saad ko ng batiin ako ng ilang mga kaibigan ko dahil obviously, today is my birthday.




"Hoy babae! uuwi kana? maya na tayo uwi punta muna tayong gym. Sige na ang aga aga pa naman e. Maglalaro ng volleyball sila Chester mo! Nood tayo!" ,sabi ni Chin.




Wala na din akong nagawa non kundi pumayag nalang.




Wala pa non si Chester kaya lumabas muna kaming school para bumili.

Balak ko kasing bumili ng cornetto for him. Treat ko dahil ng birthday ko. Tsaka never ko pa naman nalibre yun e.




Pumasok na kami ulit after. At this time, andon na siya!

Mygosh! bigla akong kinabahan. Parang gusto ko nalang umatras.






"Chin, ikaw na nga lang mag abot kay Chester. Sige na nahihiya ako eh. Pasabi mo nalang pinabibigay ko."






"Hay nako! Bat hindi ikaw? diba ikaw ang may birthday? Sige na dalawa naman tayo eh. Iaabot mo lang naman."

,iritadong sabi niya habang hinihila hila na 'ko.






Pero nagpumiglas ako.
Talagang ayaw ko dahil baka hindi ako makapagsalita kapag iniabot na niya at ngumiti lang ako.




Wala na din siyang nagawa dahil ayokong umalis sa pagkakakapit doon sa puno ng mangga.






Naglakad na siya papuntang gym habang ako ay hindi mapakali.





Nung makita ko na siya na tinawag si Chester at iniabot ang cornetto ay kumabog nanaman ang dibdib ko.

Ano ba yan! Bakit kasi ganito 'to. Tsk.






Nakita kong lumingon si Chin sakin pagkaabot nun at itinuro ang direksiyon ko habang nagsasalita siya.






Tumayo si Chester mula sa bench at lumabas ng kaunti sa gym para makita ako.

Kinabahan ako lalo!





Tinatawag niya ako. Hindi ko naririnig ang sinasabi niya pero alam kong tinatawag niya ako dahil sa kumpas ng kamay niya.





Wala akong nagawa kundi lumapit. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko!







"Happy birthday, Bal! Birthday mo pala?" ,sabi niya habang nakangiti sakin.



Ngumiti lang ako sakaniya. Ni hindi manlang ako nakapagsalita.

Heto nanaman ako.





Nalungkot ako bigla. Hindi niya man lang naalala na birthday ko.





Nakita kong iniabot niya yung ice
cream na binigay ko sa katabi niyang babae. Si ate Shane.



Dagdag na kalungkutan nanaman 'yon sakin.
Binigay niya lang yung ice cream na binili ko para sakaniya. Wala lang ba sakaniya yon? Sakin kasi mahalaga yong mga bigay ko sakaniya.






Kinausap pa ako ni ate Shane at may sinabi. Ngumiti lang ako. Masyadong pilit ang ngiting iyon dahil nasaktan ako sa ginawa ni Chester.





Tumambay lang kami don ni Chin hanggang matapos yung game. Hindi naman naglaro si Chester, nanood lang din.





Nung papalabas na kaming gym lumapit ako kay Blix.
Mabuti na lang at naglaro din sila ngayon at sa kanila kami sasabay pauwi.






Pinakiramdaman ko si Chester na nasa likod namin.
Nakatingin siya samin ni Blix habang katabi niya si ate Shane at kinakausap naman siya ni Chin.





"Kainis baga yang dalawang mag jowa na 'yan palagi akong iniiwan!" ,pagsusumbong ni Chin kay Chester habang ang tinutukoy ay kaming dalawa ni Blix.





Pinakinggan ko sila ngunit walang naging sagot si Chester tungkol dito at tumawa lang.





Naglakad na kami ni Blix habang naghaharutan ng slight lang naman! Of course! Ganon talaga ang mag jowa!

Duh, mga judgemental!





Ganon lang kami ni Blix hanggang sa makarating na kami sa labas ng gate.






Hindi agad kami umalis pagkalapag ng bag sa tricycle dahil bumili pa ng street foods yung mga boys.
Tapos kami naman ni Chin naghihintay nalang sa kanila sa labas ng tricycle.


Nakita ko si Chester at ate Shane na pumunta dun sa bilihan ng mga keychains and other stuffs.





Naalala ko nanaman yung kanina.
Hays, nalulungkot padin ako. Nasaktan ako sa ginawa niya.
Hindi niya man lang naalala yung mahalagang araw sa buhay ko. Excited pa naman ako kagabi dahil iniisip ko na babatiin niya ko at may prinapare siya para sa birthday ko.

Kaso, hindi niya pala naalala.


Nakakainis! Mali palang mag expect dahil malakas nga ang impact kapag nadisappoint ka.





"Bal!"




Nagulat ako at nasa likod ko na si Chester.
Kanina lang andoon yon ah!




May iniabot kaagad siya sa akin.





Isang keychain.





"Sorry yan na lang muna ha? Hindi ko kasi naalala, HAHAHA! Happy Birthday ulit, Bal!"






"Thankyou!!" ,at ngumiti ako, medyo hindi na pilit.





Nagulat ako dahil may regalo siya.
Medyo naging masaya ako dahil nag effort pa siya na bumili dun kanina ng biglaan dahil nalaman niyang birthday ko.





Nagtagal pa siya ng konti sa pakikipag kwentuhan sakin dahil hinihintay niya pa si ate Shane na may binili lang at ganon din naman si Chin kaya naiwan kaming dalawa.







"Ang daya mo Bal. Hindi mo man lang sinabi sakin na kayo na pala ni Blix. Kung di ko pa narinig sa mga kaklase mo wala ka pang balak ipaalam sakin." ,sabi niya sa malungkot at nagtatampong boses.




"Eh Bal hindi ko kasi alam kung pano sasabihin sayo. Sorry na." ,nakokonsensiya ko pang sabi.




"Dapat nagsabi ka nalang sa akin. Tanggap ko naman e at okay lang naman sa akin." ,sabi niya sa malungkot pa ding boses.

Nasaktan siya sa nalaman niya. Halata naman sa kaniya.
Hays. Mahal na mahal talaga ako ng lalaking 'to.

Napangiti ako dahil don. Alam niya din namang mahal na mahal ko din siya e. Sobrang special niya sa akin.





Nagpaalam na siya pagkatapos dahil dumating na si ate Shane.





Tinignan ko naman yung keychain nung maka alis na sila.



Nawala ang ngiti ko.



Isang malambot na stuffed toy na maliit na ginawang keychain.


Isang PANDA.



Paborito ni ate Shane. His girlfriend.
Sobrang mahal niya ito.


Bakit?


Bakit ito?

Intricate FlowWhere stories live. Discover now