Chapter 1

11 1 0
                                    

"Excited na ko sa intrams! Ikaw ba?" ,daldal ni Miah.

Daldalera talaga ng grupo to!

"Oo sobraaa! Mygosh nastress na ko puro nalang aral!" ,sabi naman ni Richi.

"Sure ako labasan mga gwapo sa intrams! I'm so excited!"

,si Yumi naman na mukhang gwapo.

Mygosh ako lang ata matino saming tropa e. HAHAHA.




"Hoy Selene! naano ka na diyan? kanina pa kami nagtatanong oh! lutang ka nanaman?"

bwisit talaga tong si Miah oh!




"Nagtatanong pa kayo! Malamang excited ako dahil wala tayong klase! duhh!"

sagot ko. Attitude ako girl eh bakit? HAHAHA.




Oo nga pala 3 days nalang intrams na.
Wala na kami masyado ginagawa dahil preparation for intrams nalang ang iniintindi.
Karamihan mga nag tetraining nalang na mga players.

"Guys! Punta na daw sa may oval. Magpa practice na ng yell! Dalian niyo nagagalit na si Ma'am Mapeh!"

sabi ng president namin.






Dali dali na kaming pumunta sa may oval. Si Lala, Miah, Richi, Yumi, Lite, Chin, Rovi, Nice, at syempre ang pinaka maganda.

Walang iba kundi, AKO.

Oh tahol! Aso ka gurl? Chos.


Wala kaming ginawa kundi mag practice ng mag practice ng yell.
Panay kami saulo dahil hindi pa naman nasasaulo.

Bat pa kasi kailangan sauluhin! Duhh, akala mo naman kasi mananalo din e ang pangit pangit naman nung amin! Tsk.





"Ang tagal naman ng uwian!"
sabi ni Nice na palaging uwing uwi. Ewan ko ba sa isang to!



"Tara nood muna tayo volleyball! Naglalaro yung mga players."
aya ni Miah.




"Tara! Maaga pa naman e."
sabi ko. 3:30 pa lang kasi. Wala na kaming klase dahil practice na nga lang.






Umupo kami sa damuhan sa oval. Puro damo kasi yung gitna ng oval. Humarap kami sa mga naglalaro ng volleyball.



Nung una wala akong pokus sa
mga naglalaro. Sa mga bola lang ang pokus ko. Nagpupustahan pa kami ni Yumi kung aling team ang mananalo.



Sa kalagitnaan ng laro, bigla kong napansin yung isang lalaki.
Naka blue shirt siya. Siya ang naka puwesto sa harap ng net.



Hindi ko alam kung bakit bigla siyang napansin ng mata ko.
Unang kita ko pa lang sa kaniya alam kong may something na.




Pinagmasdan ko pa siya.
Ang galing niyang maglaro.
Ang lakas ng appeal niya kapag naglalaro.






"Beh, sino yung lalaking yun?"
tanong ko kay Lala.


"Ha? saan diyan?"




"Ayun oh! yung naka blue!"

tinuro ko na lang sa kaniya dahil maraming naka blue.
Baka bungangaan pa ko neto.


"Ay hindi ko baga kilala yan beh. Bakit? "



"Wala, ang galing niya kasi maglaro. Tapos ngayon ko lang siya nakita. Transferee siguro siya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Intricate FlowWhere stories live. Discover now