Chapter 1

10 1 0
                                    

Painting

Isang magandang tanawin kung saan tanging huni lamang ng mga ibon ang
maririnig. Pagkakataon upang maipinta ang makisig na katawan ng lalaki.

"Page, parang nahihirapan ka yata magpinta. Gusto mo bang ipakita ko ang abs ko para magmukha talagang realistic ang project mo" sabi niya na may kasama pang pagkindat.

Tinignan ko ang estante at tama siya nahihirapan nga ako magpinta dahil masyado atang perpekto ang pagkakagawa ko na mukha nang malayo sa katotohanan.

"May naisip ka na bang pamagat sa painting mo?" Bigyan niya ako ng isang makahulugang tinggin.

"Wala pa, pero gusto ko maging makahulugan iyon" pinanlisikan ko siya ng tinggin dahil alam ko na may iniisip nanaman siyang kalokohan.

"Hmm, pandesal na lang kaya HAHAHAH oh diba pamagat pa lang busog ka na pano pa kaya pag tinitigan yang painting mo pati mata busog na busog" aniya sabay pose. Sinasabi ko na nga ba na ang babae ay laging tamang hinala.

Mas mabuti kung di ko na lang siya papansinin dahil umaandar nanaman ang pagiging mahangin niya.

"Walang matigas na tinapay sa mainit na kape ng iyong pagmamahal. Kahit na ako'y ubod ng gwapo puso ko ay titibok- tibok parin sayo." awit niya na may kasamang pag-kindat. Napansin niya ata na ini-snob ko siya kaya't naisipan niyang kumanta.

 Fall Of The North StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon