SWIN HANA (51)

89 7 0
                                    

THURSDAY...

Maagang nakapasok ang magkakaibigan. Sina Heaven, Stacey at Saera. Agad silang dumiretso sa main gate ng D.U nang makita nila ang iba pa nilang kaibigan na naghihintay doon.

"Hi guys!" Masayang bati ni Saera sa kanila.

"Hey!"

"Tara. Pasok na tayo." Sambit naman ni Joshua.

They all nod for an answer at sabay-sabay silang naglakad papasok ng campus.

Tulad ng kahapon, wala rin naman nagbago simula nung pumasok sila sa D.U, madaming mga mata ang nakasunod nanaman sa kanila. Like they always do, hinahayaan nalang nila ang mga ito at hindi nalang pinapansin.

Ngunit hindi rin maiwasan ng magkakaibigan na makaramdam ng inis dahil do'n. Lalo na si Kiara.

*Dukutin ko 'yang mga mata niyo eh.*

Nang makarating na sila sa kanilang room, ang kaninang inis ay napalitan ng ngiti.

Ang kanilang mga kaklase ay nag iingay na ngayon, hindi katulad noon na naging tahimik sila simula nung malaman nila ang tungkol sa 'killing week'.

Thanks to Heaven, unti-unti na bumabalik ang kanilang mga ngiti.

Nang makita nila na pumasok na ang magkakaibigan ay binati nila ang mga ito. Binati rin sila pabalik ng magkakaibigan at naupo na sa kanilang pwesto.

Mayamaya lang ay dumating na ang kanilang professor at nagsimula na magturo.

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

LUNCH BREAK.

"Tara sa cafeteria. I'm starving." Nakangusong sambit ni Joshua. Natawa naman ang kaniyang mga kaibigan.

Inayos lang nila ang kanilang mga gamit at lumabas na rin ng room at dumiretso na sa cafeteria.

—∞—

Tahimik lang na kumakain sina Zero, Kaizer at Luke. Paminsan-minsan ay nagkukulitan yung dalawa habang wala namang imik si Zero.

Nang matapos na itong mga kumain ay sumandal sila sa kani-kanilang upuan. Tahimik na pinagmamasdan ni Zero ang nasa paligid habang nagkukulitan na sina Kaizer at Luke.

Sa 'di inaasahang pangyayari, nakita niyang pumasok sa cafeteria si Heaven kasama ang kaniyang mga kaibigan na masayang nag-uusap hanggang sa makarating na sila kanilang pwesto.

Tumayo ang dalawang kaibigan nitong lalaki para siguro um-order ng kakainin nila habang naiwan naman sa table nila ang apat na babae.

Nakatitig lang si Zero sa dalaga habang nakikipagkwentuhan ito sa mga kaibigan niya.

"HOY!"

Salubong ang kilay ng binata na bumaling ng tingin kay Kaizer nang sigawan siya nito.

"What?!" Iritadong sambit nito.

"What the fuck? Bakit ka nagagalit?"

"Eh bakit ba nanggugulat ka?!"

"Eh bakit napipikon ka?" Pang-aasar pa ni Kaizer dito.

"Hoy! Will you both shut up!"

Tumigil naman sina Zero at Kaizer dahil sa sigaw ni Luke.

Inis na ibinaling nalang ni Zero ang kaniyang paningin sa pwesto nila Heaven. Nakita niya ang mga ito na masayang kumakain na para bang walang magaganap na delubyo bukas.

Living HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon