MAHEUN YEOSEOT (46)

98 5 1
                                    

TUESDAY...

"Hmm..." Nagising ang dalaga dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at nag-unat ng kaniyang mga braso.

Tumayo na ito sa kaniyang higaan at inayos ito bago sinimulang gawin ang kaniyang morning routines. She take her bath. Brush her teeth. Eat breakfast. Wear her school uniform and fix herself.

When she was done, umalis na ito ng kaniyang bahay kasama sina Saera at Stacey at pumunta na sa Demonical University.

Nang makarating na silang tatlo sa unibersidad, nakita nila ang kanilang tatlo pang kaibigan na naghihitay sa may main gate ng university.

"Hi, girls." Bati ni Joshua nang makalapit na sila.

"Hey." The three girls said in unison.

"Let's go?" Tumango lang sila bilang sagot.

Inakbayan ni Ken si Heaven habang sila ay naglalakad. Habang sila ay naglalakad sa hallway, marami nanamang mata ang nakatingin sa kanila. Karamihan sa kanila ay mga juniors at seniors. Ang mga tatarget sa mga newbies.

"Tandaan niyo ang mga mukha ng mga 'yan." Seryosong sabi ni Ken.

"Why?" Kunot-noo na tanong ni Joshua.

"We may never know. Baka isa sa kanilang ang tumarget sa atin."

Tumango nalang sila at tsaka pasimpleng tinitignan ang mga kapwa nilanh estudyante na nakakasalubong at nakatingin sa kanila.

A smirk just formed on Heaven's lips when she remembered something.

"Mukhang alam ko na kung sino ang tatarget sa'kin." Sambit ni Heaven na hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. Nakatingin na sa kaniya ngayon ang mga kaibigan niya.

"Who?" They all asked in unison.

Heaven just looked at them and give them a meaningful smile. Mukhang nakuha naman nila ang gustong iparating sa kanila ni Heaven. Nagkatinginan rin sila sa isa't isa.

"What are you planning to do?" Stacey asked. Lahat sila ay nag-aabang sa isasagot ni Heaven.

Heaven shrugged. "It will depends on the situation."

Natahimik ang kaniyang mga kaibigan. Samantalang si Ken naman ay lihim na napangiti.

Nang makarating na sila sa kanilang room, gulat na napatingin sa may pintuan ang kanilang mga kaklase nang pumasok sila.

"Oh, bakit kayo nagugulat?" Tanong ni Joshua sa kanila.

"A-akala kasi namin kung s-sino." Sagot sa kaniya ni Tricia, one of their classmates.

"Nadadala na kami ng takot. Lalo lang nagpapakaba sa'min yung magaganap sa Friday." Kinakabahang sambit naman ni Bella.

Fear is now eating their whole system. Hindi alam ng magkakaibigan kung ano ang pwede nilang gawin para mawala ang takot at kaba na nararamdaman ng kanilang mga kaklase dahil sila mismo ay natatakot sa posibleng mangyari.

"There is nothing to be afraid of. Don't let your fear eat you. Mas mahihirapan lang kayo."

Lahat na ng mga mata na nasa loob ng silid ay na kay Heaven na.

Napangiti naman ang kaniyang kaibigan na si Ken. A proud smile that is.

"Heaven is right. Walang magbabago kung magpapadala tayo sa takot. We need to survive this madness." Sambit ni Ken.

Napatango-tango naman sila.

" And if we all survive, after that party I'll treat each and every one of you." Nakangiting sambit ni Heaven. Tila nagliwanag ang mga mukha nila.

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ng isa sa kanilang kaklase. Tumango-tango naman si Heaven.

"Actually, kaming dalawa ang magt-treat sa inyo." Biglang singit ni Ken at umakbay muli kay Heaven. Nagkatinginan sila sa isa't-isa at ngumiti.

"Just promise us that you will survive. Each and every one of you."

Nakangiting tumango sa kanila ang kanilang mga kaklase. Napangiti na rin silang magkakaibigan. Naglakad na sila papunta sa kaniya-kaniya nilang pwesto at naupo.

"We'll start practicing after class. Right guys?" Sambit ng isa sa kanilang kaklase.

"Yeah!" All of their classmates said in unison. Natawa nalang silang magkakaibigan.

Heaven felt happy at this moment. Kahit papaano ay nakaisip siya ng paraan para maging matapang at mawala ang kanilang takot. Hindi niya iniisip ang perang ilalabas niya, ang importante sa kaniya ay yung maka-survive silang magkakaklase sa darating na delubyo.

*I'll make sure that none of you will die on that party, as long as I am alive.*

Nakangiting pinagmasdan ng dalaga ang kaniyang mga kaklase na masayang nagkukwentuhan kagaya noon.

Mga ilang minuto, dumating na ang kanilang propesor. Umayos na silang lahat ng pwesto. Nang maibaba na nito ang kaniyang mga gamit sa teacher's table, humarap na ito sa klase at bumati bago sinimulang magturo.

—∞—

Hours had passed. Natapos na ang lahat ng kanilang subject. Inayo na nila ang kani-kanilang gamit bago umalis ng room. Hindi nalang nila pinansin ang mga matang nakatingin sa kanila.

"We should start practicing today, Heaven."

Napabaling ng tingin si Heaven kay Ken nang magsalita ito. Tumango-tango naman ang dalaga.

"Where are we going to practice?"

"At my place."

Tumango nalang ang dalaga.

"Sa'kin ka na sumabay. Magpaalam ka nalang sa sundo mo. Ako na rin maghahatid sa'yo pauwi."

"Well, okay. Uhmm, but what about my uniform? Magpapractice ako ng ganito suot ko?" Sambit ni Heaven at iminuwestra ang kaniyang suot. Natawa naman sa kaniya si Ken.

"I have clothes for you that will fit you there."

Tumaas ang isang kilay ni Heaven. "Saan naman galing 'yon?"

"Binili ko malamang. Para hindi ka na uuwi para magpalit."

"Edi sana pinagdala mo nalang ako para doon nalang ako magpapalit."

"Nabili ko na eh. Wala na akong magagawa."

"Pero---"

"Hep! Hep! 'Wag ka na umangal."

Heaven pouted her lips. Ken chuckled and messed her hair.

Nang makarating na sila sa main gate, dumiretso agad ang dalaga sa kaniyang sundo para magpaalam. Manong Jun hesitated if he will say 'yes', dahil ang bilin sa kaniya ng kapatid nito, na si Hell, ay dumiretso agad siya ng uwi pagkagaling sa school. Sinabi rin sa kaniya ng dalaga na siya ang bahala mag sabi sa kaniyang kambal. Wala nang nagawa ang kaniyang driver at pumayag na. Ngumiti naman sa kaniya ang dalaga at nagpasalamat.

Lumapit na ulit si Heaven sa kaniyang mga kaibigan pagkatapos kausapin ang personal driver niya.

Ngumiti at tumango ang dalaga kay Ken, na kaagad namang nakuha ang gustong iparating.

"Let's go?"

Heaven nod for an answer.

"Where are you both going?" Tanong ni Joshua.

"Training."

Tumango-tango naman silang apat.

"I guess we'll see each other again tomorrow. Kailangan rin namin mag-train." Ani Joshua.

"Sige. Ingat kayo."

"Kayo rin. Goodluck on your training, Heaven."

"Thanks. You too."

Nagpaalam na sila sa isa't-isa. Pinagbukas ni Ken si Heaven ng pinto ng kaniyang sasakyan. Heaven thanked him. Tumango lang si Ken bago umikot para sumakay sa driver's seat, and made their way to Ken's place.

Living HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon