II

6 0 0
                                    

Josh's POV

Nandito na naman ulit kami nila Mark sa DUS para kumuha ng uniform at mga kakailanganing books.

"Alam mo, kahit naka ilang beses na tayo dito, nakakaligaw pa rin!" saad ni Mark.

"Sinabi mo pa! Alam mo bang ngayon ko lang nalaman na may iba't ibang stalls pala sa baba!" sabi naman ni Kristoff.

"Sir, eto na po yung mga uniforms nyo. Yung books po ide-deliver nalang po namin sainyo." napalingon agad kami sa nagsasalitang babae sa Cashier.

Pagkatapos namin makuha, nag libot-libot muna kami sa DUS.

"Grabe tol, akalain mo 'yon?! Ikaw ang mag mamayari neto someday!" sabi ni Mark.

"Iba talaga pag Josh!" tumatawang sabi ni Kristoff.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil sanay na ko sakanila.

Nang lumingon lingon ako sa paligid, nakita ko yung babae kahapon.

'Bakit sya nandito?'

Naka bun ang buhok nya at may suot na white t-shirt at simpleng maong jeans.

Simple lang pero maganda.

Ngayon naman ay tumitingin tingin sya sa mga lugar. Parang naliligaw ata sya dahil may dala syang mapa.

Gusto kong matawa sakanya dahil kitang-kita na hindi nya alam kung saan pupunta.

Nagulat nalang ako nang biglang lumakad sya papunta sa amin.

"Hello? Pwedeng magtanong?" mahinhin na sabi nya.

"Chix pre." bulong ni Mark.

"Oo naman, miss. Basta sayo." sabay kindat na sabi ni Kristoff.

Puro talaga kalokohan!

"Salamat. Saan 'yung library nyo?" tanong nya.

"1st floor sa Center Bldg." sabi ni Mark at tinuro ang mapang hawak nya.

"Salamat sainyo! Ingat kayo, ha?" sabi nya at ngumiti.

Damn...

'Yung ngiti nya nawawala yung mata nya! Tangina ang cute!

"Oh, pre! Alis na ko ha! Inaya ako ni Mitch mag club! Gtg!" sabi ni Mark.

"Ako din! Sama!" sabi naman ni Kristoff.

"Sige na! May gagawin pa ko dito. Ingat sila sainyo." sabi ko at umalis na kaagad sila.

Parang napako yung mga paa 'ko nung napadpad ako sa Library.

'Bakit dito, Josh?'

Hay bahala na.

Nilibot ko 'yung buong library hanggang sa makita sya.

'Andito ka lang pala'

Nakita kong naka upo sya sa sahig at nagbabasa ng libro.

'Bakit kaya ayaw nya sa sofa? Or sa upuan?'

Umupo ako sa upuan kung saan ay kitang kita sya.

Naisip kong kuhain ang drawing pad ko at iguhit sya.

Nasa kalagitnaan na, nakita kong pinunasan nya ang mga mata nya.

'Teka, umiiyak ba sya?'

Nakita kong pagkapunas nya, ay agad syang tumingin sa taas at pumikit.

Pagkadilat nya ay agad syang ngumiti.

Parang may sinabi pa sya sa sarili nya ngunit hindi ko iyon narinig.

Tinapos ko ang drawing ko at ibinalik na sa bag.

Nakita kong paalis na rin sya kaya nagmadali ako para masundan sya.

Habang naglalakad sya ay patago akong nasa likod nya.

Napahinto sya nang makita ang malaking park ng paaralan.

Maraming upuan, mayroong pang picnic, madaming damo na pwedeng upuan, at mayroon ding mga stalls dito.

Bumili muna ako ng burger para hindi magutom.

Nakita kong bumili sya sa isang stall pero tubig lang ang binili.

Umupo sya sa upuan at may kinuhang notebook at ballpen sa bag nya.

Pumwesto naman ako sa damo at pinapanood sya habang nagsusulat.

'Ano kayang sinusulat nya?'

Kinuha ko ulit ang drawing book ko at ginuhit na naman sya.

Napansin nya atang patingin tingin ako sakanya kaya umalis sya sa pwesto nya.

Nang sundan ko ang tingin nya, nagulat ako at wala na sya sa pwesto nya.

"Boo!" pagsigaw nya na ikinagulat ko.

Bigla syang humarap sakin

"Kanina pa kita napapansin, ha? Sinusundan mo ko 'no?" pang-aasar na sabi nya.

Patay. Nahuli.

"Ha? Anong sinusundan? Hindi ba pwedeng napadpad lang rin dito?"

Ang panget ko naman magpaliwanag!

"Sus! Nahiya ka pa! Pwede mo namang aminin. Hmp." nag pout sya at ngumiti sakin.

Tanginang ngiti 'yan.

"Lyra." sabi nya at inoffer ang kamay nya.

"Josh." sabi ko at kinuha naman ang kamay nya.

"Ano 'yang dinodrawing mo dyan? Patingin nga ko!" sabi nya na ikinagulat ko.

"H-ha? Eto? Wala 'to!"

Madali kong sinarado ang drawing book ko.

Mahirap na, baka mahuli pa.

"Damot mo naman! Teka nga, anong year mo na ba?" sabi nya.

"Freshman palang." sabi ko.

"Ahh. Ako din. Pero may nagbigay lang sakin ng scholarship dito. Ikaw kasi mukhang pamilya mo nagbabayad dito eh haha." sabi nya habang nakangiti.

Ano ba 'yang ngiti mo.

"Mayaman ka 'no?" tanong nya.

"Medyo." nahihiyang sagot ko.

"Halata nga haha." ngumiti ulit sya.

Nagulat ako at bigla syang humiga sa damo at tumingin sa langit.

Tinapik nya ko para pumwesto ako sa tabi nya.

Sumunod naman ako.

"Ang ganda 'no?" sabi nya.

Tinignan ko sya at nakita kong kumikinang ang mga mata nya.

"Ang ganda nga." sabi ko habang nakatingin pa rin sakanya.

Tumingin sya bigla sakin at ngumiti.

Tangina.

"Alam mo bang mas gusto ko ang buwan kaysa sa araw." sambit nya.

"Mas payapa." dagdag nya.

Lalo akong napatingin sakanya dahil sa sinabi nya.

"Alam mo? Puro ka titig dyan! Pag ako natunaw, wala ka nang makikitang kasing ganda ko dyan!" sabi nya at tumawa.

"Feeler." bulong ko.

"Sus! Kunwari ka pa dyan!" sabi nya habang tumatawa.

Oo na.

"Osige na, Josh! Nice meeting you! Wag ka mag-alala kasi makikita mo rin naman ako dyan sa tabi-tabi. Haha, joke lang! Sige na! Babush." sabi nya at lumakad na palayo.

Tangina 'yung puso ko.



Mon étoileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon