"What are you doing here?" tanong ko nang makitang nakaupo si Harper sa living room at nanonood ng isang netflix series, kagagaling ko lang sa supermarket para mag-grocery at nagulat ako nang makitang nandito siya sa apartment, wala man lang pasabi ang siraulo
"I also live here you know" sagot niya kasabay nang pagirap at pagpatay niya sa tv para sundan ako sa kitchen
"Gaga, that's not what I meant, akala ko ba umuwi ka sainyo?" 2 weeks ago ng huli kaming magkita dahil umuwi siya sakanila sa Quirino,Isabela summer vacation ngayon kung kaya naman nag siuwian ata lahat ng kakilala ko ewan ko ba at mas pinili kong mag stay at mag-spend ng summer vacation dito sa Tuguegarao ng mag-isa
"Cause I missed you so much bitch!!!" tili niya at sinalubong ako ng yakap buti nalang at naibaba ko na lahat ng naipamili ko sa counter, halos di na ako makahinga sa pagkakayakap niya, nairita ako ayan nanaman siya sa pagiging sobrang clingy parang 2 weeks lang naman kaming di nagkita
"Gaga...." natawa nalang ako at niyakap din siya namiss ko rin naman siya, walang maingay at wala akong kachikahan dito sa loob ng 2 linggo
Di nagtagal ay kumalas na rin siya at kinalikot ang mga pinamili ko "Did you buy chips?"
I shook my head "Low-carb diet" maikli kong sagot, pinasadahan niya ako ng tingin mag mula ulo hanggang paa
"Gaga since when?!" She asked in disbelief, alam niyang wala sa bokabularyo ko ang diet, saaming dalawa siya ang parating diet at conscious sa katawan
"Since you left for vacation, so please kakasimula ko palang baka mag bago isip ko kapag pinaalala mo pa na mas masarap kumain ng chips and uminom ng softdrinks kesa mag-diet" sagot ko, at kinuha sakanya ang supot at sinimulang ayusin ito sa kitchen cabinet at ref
"The hell, ang late naman ng new year's resolution mo mare, pinaabot mo pa ng kalahating taon bago naisip yan" sarkastiko niyang sagot
"Duhhhh it's never too late" pinanliitan niya ako ng mata na parang may ibang iniisip
"Sabihin mo nga saakin, may bet ka ba kaya bigla kang na conscious sa katawan mo???" tanong niya kasabay ng pagtaas ng isang kilay niya, na parang hinuhusgahan buong pagkatao ko, hayss siraulo
I poked her forehead, "Aray bitch!!!" reklamo niya
"Tanga wala no, naisip ko lang na kailangan ko maging conscious sa kinakain ko, sa health and lifestyle ko... tumatanda na tayo, nasa allied health courses pa naman tayo tapos di tayo healthy?" depensa ko, totoo naman e ito lang talagang si Harper ang ganun mag-isip feeling niya lalandi ako kaya naisipan ko mag-diet parang ewan wala naman akong problema sa body shape at weight ko as far as I know I am fit, bumabagal lang talaga metabolism habang tumatanda kaya natatakot akong hindi mamaintain yung fitness ko dahil sa di pag-kain ng tama
"Hmmmp, sabagay" pag sang ayon niya, di naman ako tulad niya na landi ng landi jusko
"Eh ikaw bakit bigla kang nauwi dito?" tanong ko sakanya, ang dami niyang pinacked na gamit para umuwi sakanila pero wala pang 1 buwan nandito nanaman siya
"Wala akong kasama sa bahay gurl, plus kaboring dun" sagot niya
"Asan parents mo? mga kapatid mo?"
"Sila mommy at daddy may business trip ngayon sa Davao, 2 weeks sila dun, si ate nasa jowa niya sa Vizcaya, oh diba paano naman ako???" sagot niya, natawa nalang ako at napailing, kaya di rin ako umuwi saamin e alam ko namang parati ding wala sila mom and dad, at si Ice malamang nasa girlfriend niya din o ano "Kaya naisip kong puntahan ka nalang kase alam kong mag-isa ka din dito at wala kang balak umuwi sainyo"

YOU ARE READING
In Between Spring and Autumn
RomanceSummer Eleanor Suarez was invited by her friend to a party. Summer has always been so carefree, she's a party-goer, she loves to have fun and discover new things...well that night seems to be different there's a strong force trying to stop her from...