Siya ang agad na nakabawi sa pagkabigla at nag- "Hi."
Hindi ako makapaniwalang dadating ang araw na magkakaharap kami ulit at ngingiti siya sa akin pero imbes ngumiti, nakahanda na ang resting-bitch-face ko.
"What brings you here?"
"I'm sorry." he unconsciously look at my body. "Ah." then I saw him gulp. "'Yung aso mo kasi, iniwan lang kanina ng sitter sa labas kaya kinuha ko. If you're busy, I'll give him back later."
Hindi na niya ako hinintay na magsalita. Umalis na siya.
What did just happened?
My ex knocked on my door to tell me that Dalki is with him. Is that making any sense?
"No." para akong baliw na sinagot ang sarili kong tanong.
Ipinagpatuloy ko ang paliligo ko habang ipinoproseso sa utak ko kung ano ang nangyari.
Ganoon na ganoon ang mukha niya sa billboard na nakita ko kanina sa EDSA.
Hindi kaya nagha-hallucinate lang ako?
Pagkabihis ko, lumabas agad ako ng bahay.
Naroon siya at kasama na si Dalki. Ang aking pomerenian teacup. Literal na nilagay niya sa mug ang aso ko.
Wala kaming imik nang iabot niya sa akin si Dalki.
Mabuti na lang at hindi nanghina ang tuhod ko nang mukha pa rin niya ang nakita ko. Indikasyon na hindi ako basta lang nag-iilusyon dahil nanduon talaga siya.
Madami akong gustong itanong sa kanya, pero ang awkward kaya mas pinili kong panatilihin ang dignidad ko.
"Thanks for keeping him. Goodnight."
Pagkasabi noon, pumasok na ako sa loob ng bahay ko. Ni hindi na siya nilingon.
Kaya lang magdamag yata akong hindi nakatulog dahil sa kanya. I had to take sleeping pills so just I could fall asleep.
Then the very next day, I pretended that it never happened.
Humalik muna ako sa aso ko bago ko siya iniabot sa bago niyang dog sitter. Sinesante ko na si Hannah. Ibinilin ko kay Jacki na ibalik sa akin si Dalki eksaktong 7PM at kung wala pa ako, hintayin ako at 'wag na 'wag iiwan si Dalki sa labas.
Kampante akong umalis dahil mukhang nagkaintindihan naman kami ni Jacki.
💘💘💘
The ex next door
"Kuya, sorry na talaga." napapakamot sa ulo na sabi ni Ice.
Nagpatuloy lang siya sa pag-inom ng kape habang magkatabi sila sa terrace at tanaw ang paalis nilang kapit-bahay.
Sinusubukan niya pa ring kalimutan ang nakita niya mula sa kwarto niya kagabi. Bakit ba kasi tanaw mula duon ang banyo ng babae at bathtub nito. It would be improper if he will continue to think of that incident.
Hindi na sila.
She has her own driver and a new dog sitter pero wala siyang makitang katulong sa bahay nito ngayon.
Kahit siguro gaano na kayaman si Adrielle Paraiso, nananatili itong masipag. Bagay na dati na niyang hinahangaan dito.
"Hayaan mo na." pagkasabi noon, pumasok na siya sa loob. Wala na din naman ang kotse ni Adie.
Sinundan siya ni Ice. "Talaga Kuya? Okay lang na kapit-bahay natin si Ate Adie?" hindi makapaniwalang tanong ng bunso niyang kapatid pagkatapos niyang magwala kagabi.
Literal na naibato niya lahat ng libro at ang mga box na hindi pa nila naaayos.
"Ano pa bang magagawa ko? Andyan na 'yan. Saka mas maigi dito, malapit sa trabaho ng Ate mo."
Mamaya dadating ang kakambal niyang si Danaia na kasalukyang nagdadalang tao. Iyon ang mismong dahilan kung bakit siya bumili ng bahay bukod sa pag-iwas niya sa mga death threats na nakukuha niya. Alam niyang kaya niyang protektahan ang sarili, pero paano kung madamay ang mga kapatid niya at ang magiging pamangkin?
Gusto niya ring makasama si Danaia at nang maalagaan ito ng husto habang nagbubuntis. Alam niyang hindi niya mapipigilan ang kakambal na ipagpatuloy ang trabaho sa kabila ng pagbubuntis nito kaya mas maigi na iyong tumira ito kasama sila ni Ice sa lugar na malapit sa Romantic Blossoms.
Sumakto naman din ang hiatus request niya na inaprubahan ng agency niya at ng network kung saan siya may kontrata.
Ngayon, wala ng dahilan ang babae para balikan ang walang kwentang Chef na iyon.
Mas madami siyang kailangang intindihin kaysa ang isipin pa ang kapit-bahay nilang unfortunately, ay ex niya. Mukhang balewala na din naman siya sa babae dahil ni hindi ito nagpakita ng kahit na anong emosyon para sa kanya.
Naupo si Ice sa upuan sa harap niya. "So, hindi mo na talaga mahal si Ate Adie?"
Nakayuko pa rin siya ng bahagya nang tapunan ito ng nanlilisik na tingin. "Kumain ka na at umalis ka na." nagbabantang sabi niya dito.
"Hay, si Kuya. Ayaw pang magsabi. Tayo lang naman ang nandito."
"Kakain ka o sisipain na kita palabas ng bahay?"
Natatakot na tumayo ang bunso niyang kapatid saka inilagay sa baunan ang iniluto niyang almusal. "Ito na. Ito na. Bye Kuya!"
Hindi pa rin nagbabago ang batang iyon. Napailing na lang si Fire.
💘💘💘
"Something's bothering you?" saka lang ako napaangat nang tingin nang magsalita ang lalaking nakaupo sa tapat ko.
All of sudden, bigla akong nagpa-unlak ng blind date. Siyempre dahil gusto kong ma-divert ang isip ko sa ibang bagay. Kaya kahit tanghaling tapat, sinipot ko ang kaibigan ni Dino na crush daw ako.
"Didn't you like the food?"
How can he ask me about the food? E food bang matatawag ito na puro dahon? I'm not a fitness type of a person pero sexy ako. I can workout on gyms and manage my body without being a goat. Hindi ako goat. Pero wala akong magawa dahil vegan itong ka-date ko. I was able to smile after taking a bite. "I love it." pagsisinungaling ko.
"Probably you are just stressed out because of your hectic schedule. I really appreciate your time today."
Mukha namang gentleman talaga itong si Oli. Kaya ngumiti na lang ako ulit.
"Are you busy this weekend? May akyat ako sa Mount Pulag. Would you like to come?"
Duon na ako natawa. "I can't wear my stilletos in the mountains, right?"
"You can, but it will be too difficult for you."
Tumango ako. "I'm really not that sporty type so, I don't think I can come with you."
"Okay. Fair enough. I'll just see you on Sunday. Is that okay?"
Tumango ako. "Sounds like a plan."
"Great."
Hindi sa nagmamadali ako pero mukhang hindi na masamang ideya ang boyfriend after twelve long years of being single.
Nagkataon lang talagang bored na akong mag-isa kaya in-entertain ko na ang pinaka-pogi at ma-appeal kong manliligaw. At walang kinalaman iyon sa muli naming pagkikita ni Fire. Wala talaga.
BINABASA MO ANG
OPPA SERIES V1 (Book 5): Mr. Nonchalant [COMPLETED]
ChickLitLove can't change the past but can create a brand new future. Started: 5May2020 Finished: 15May2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 5: Mr. Nonchalant written by Suzie Kim