💘Chapter 14💘

34 4 0
                                    

Kakatapos ko lang magpaligo ng aso nang may mag-doorbell. Flower delivery.

Malaking bouquet ng mixed flowers ang natanggap ko at wala pa ring pangalan ng sender. I got a letter though.

"It's a shame that these flowers can't keep up with your beauty. I wish I could at least see your smile when you smell them."

-Your Unaggressive Lover

Unaggressive Lover? Duon ako napangiti. Hindi naman ito ang unang beses na may nanliligaw sa akin, pero sa kanya lang ako kinikilig. At unaggressive pa siya ng lagay na ito ha? Paano na lang kung maging agresibo na siya?

The flowers smells refreshing. Ang lakas makaganda. Ito yata ang pangatlong beses kong makatanggap ng bulaklak. 'Yung unang dalawa, siyempre galing sa unang lalaking minahal ko.

Yung ibang manliligaw naman, puro bears at chocolates ang binibigay. Palibhasa naging allergic ako sa flowers (dahil sa heartbreak) pagkatapos naming maghiwalay ni Fire.

Ngayong okay na okay na ako, pwede na ako ulit tumanggap ng bulaklak.

Pinigilan ko sa pag-alis ang delivery guy pagkatapos kong pirmahan ang log book niya at inabutan siya ng response note. "Pakisuyo namang ibigay sa sender ang note na 'yan." binigyan ko na rin siya ng tip.

Ang hina naman kasi ng suitor ko.

Nag-note na nga siya, hindi pa nag-iwan ng number. Kaya ako na ang nagbigay ng number ko.

Kung siya na nga ang nakatakdang magmahal sa akin, bakit ko pa patatagalin?

Hindi na usong naghihintay ang babae. Kaka-thirty ko pa lang naman. Baka makahabol pa ako.

Good mood ako kaya kahit walang pasok, maglalakwatsa ako.

I have a lot of time today to pamper myself.

Sa massage at salon ang punta ko at umuwi akong masayang-masaya dahil bago ako salubungin ni Dalki, nakatanggap na ako ng text message galing sa aking Unaggressive Lover.

💘💘💘

Hindi na siya nagdalawang isip pa nang makatanggap ng note galing kay Adie. Personal number nito iyon.

Ang number na hindi niya makuha-kuha sa mga kaibigan nito ay nakasulat ngayon sa isang maliit na papel na ipinadala nito sa kanya.

He immediately texted her as soon as he saw her on her bedroom.

Creepy, pero duon na lang niya nakikita ngayon ang babaeng gumugulo sa isip niya.

Screw those magazines who featured this successful woman from the fashion industry, they manage to keep him awake late at night just by reading all her statements. Wala pa duon yung pagtitig niya sa litrato ng dalaga.

Sobrang miss na niya ito.

Hindi na niya ito palaging naaabutan sa umaga at sobrang late naman na ito kung umuwi kaya wala siyang pagkakataon na makamusta ito. Kaya sa pagsilip na lang sa bahay nito mula sa terrace niya ang kaya niyang gawin.

Naupo siya sa parteng hindi siya nito agad makikita habang hinihintay niya ang reply nito sa text niyang... "Good evening gorgeous."

Nakita niyang nakipaglaro muna ito ay Dalki bago muling hinawakan ang cellphone. Duon siya nakareceive ng text. "Unaggressive Lover?" na sinundan nito ng natatawang emoji.

He sheepishly type some words. Kasalanan ito ni Ice, ito ang nagbigay sa kanya ng ideya tungkol sa pagiging agresibo. "Do you find it cute?" iyon ang mga salitang nai-send niya sa ex-girlfriend.

Nakita niyang tumawa si Adie saka niyakap si Dalki bago nag-type sa cellphone nito. "It's sexy. Sino ka ba? Why are you doing this to me?"

"I like you." tahasang sagot niya sa text.

"Then, be a man and give me the flowers personally, next time."

Sasagot na sana siya nang... "Bukas..." biglang bumulong si Ice sa tenga niya. "Baka ma-busted ka agad."

Muntik na niyang mabitawan ang cellphone niya at napasigaw. Nabatukan tuloy niya ang kapatid. Kanina pa pala ito naroon. "Bakit hindi ka man lang nag-ingay! And'yan ka pala!"

"Edi hindi ko nabasa 'yung mga sinasabi mo kay Ate Adie? Ano'ng sabi mo? Bukas? Ano'ng balak mo? Magpapakilala ka kaagad? Ganito Kuya, ligawan mo muna si Ate Adie nang hindi pa niya nalalaman kung sino ka tapos kailangan, engrande na 'yung pagri-reveal mo ng totoo. Kaya dapat ituloy na natin next week ang bakasyon. I will prepare it for you."

He wanted to trust his brother this time.

Twelve years siyang single at si Adie lang naman ang naligawan niya sa buong buhay niya kaya kung tutuusin, bagito talaga siya sa bagay na iyon. Samantalang itong kapatid niya, sigurado siyang madami ng karanasan sa babae dahil kung sinu-sino ang katawagan nito sa cellphone. Magkatabi lang naman ang kwarto nila kaya hindi mahirap marinig na may Baby ito at Love.

"Siguraduhin mong maayos ang gagawin mo huh."

"Aba Kuya! Siyempre naman! Ang tagal na ng hinintay mo at alam kong mahal mo pa rin si Ate Adie. Trust me on this, okay?"

Napanatag ang loob niya.

Mukhang kailangan na talaga niya ng tulong. Hindi naman kasi siya romantic.

He was known for his stiffness since grade school. At sa totoo lang, naging sila ni Adie noon dahil parehas nilang gusto ang isa' t isa. Ni hindi siya pinahirapan ng babae noon.

Ngayon, hirap na hirap siyang ipakilala ang sarili dito.

"I will knock on your door when the time is right. Now, you have to take a rest. Good night gorgeous." pagkasend niya ng message na iyon, pumasok na din siya sa kwarto niya at natulog.

Kinabukasan, iniwan ulit sa kanya ni Danaia si Sky dahil may event ito sa Cebu pero galit na galit ito sa kanya bago umalis.

"How dare you dump Shiela? She likes you so much!" ang tinutukoy nito ay iyong kaibigan nitong ka-blind date niya last month.

Hindi na siya nakaimik dahil wala siyang maibigay na rason.

"Well, if you can't like someone else back why not knock straight on Adie's door? Makipagbalikan ka na sa kanya para naman magkaroon na ng kalaro si Sky. Hindi ka pabata, Fire. You need someone to take care of you when you're already old and gruppier."

Muntik na niyang mabato ang kakambal ng feeding bottle ng anak nito.

But he knew that Dan has a point. Kailangan niyang kumilos.

OPPA SERIES V1 (Book 5): Mr. Nonchalant [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon