HINDI ko inakala na magiging ganito kasakit, hinanda ko na ang sarili ko sa maaring mangyari.
Nagtagpo kami sa maling panahon, kung saan oras ang kalaban ko, ang kalaban namin.
Napapikit nalang ako nang mga mata at napasandal sa likuran nang pintuan nang kwarto niya habang hawak hawak ang picture niya.
Ilang ulit kong sinubukan sabihin na sarili ko na okay lang ako, nakakayanin ko para sa kanya, pero hindi unti unti akong nilalamon nang pangungulila at sakit.
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at agad na dumako ang tingin ko sa kama niya at nag flashback ang lahat nang mga alalala naming dalawa.
"Nurse Stefan!!" napalingon ako sa taong sumigaw nang pangalan ko at napangiti nalang ako ng makitang si Nurse Jenny ito.
Nakangiti siyang naglakad papunta sa direksyon ko.
"Kamusta ang mga pasyente na binabantayan mo?" tanong nito
Kaya napabuntong hininga nalang at nagkibit balikat bago sumagot.
"Pinipilit nilang lumaban." mahina kong sabi
"Tara, mag coffee muna tayo." aya nito sakin tumango lang ako at sinundan siya papuntang pantry.
Bumungad sakin pag kapasok ko nang pantry ang mga stress at mga pagod na mga kasama ko.
Kumuha ako nang mug sa cabinet at nagtimpla nang instant coffee tsaka tumabi kay Cecelia.
"Nakakaawa ang mga pasyente ko John, pinipilit nilang lumaban ngunit unti unti silang pinapatay nang Virus na 'to." mahina na sabi nito
Napa inom nalang ako nang kape dahil sa sinabi nito.
Ilang buwan na kami nakikipaglaban sa COVID-19 virus na naging pandemic na, at halos ikamatay na nang mga tao.
Lahat kami na nandidito pinipilit na maging matatag para sa mga pasyente namin.
"Tara na 9:30 na, galaw galaw din." natatawa na sabi ni John kaya tumawa nalang din kami
"Sibat na ako mga tol." paalam ko kaya tumango nalang din sila at agad ko nang nilisan ang silid.
Napa stretching nalang ako nang mga kamay ko dahil sa pagod at stress na nararamdaman ko ngayon.
"Nurse Estefan! Paki assist naman kami." natarantang sabi ni Doc.Kia kaya tumango nalang ako at sinundan siya.
Napatigil kami sa entrance nang Ospital at nakita kong maraming mga nurse din na katulad ko ang andun at malayo sa isa't isa.
Lahat kami napatingin sa mga nakawheel chair at kasalukuyang ding mga positive sa Virus at halos nanlumo ako dahil karamihan sa mga infected ay mga matatanda.
Ngunit nabaling ang tingin ko sa nakangiting babae na nakasakay din sa wheelchair ngunit kumakaway pa ito samin.
Naka suot ito nang surgical mask, at nang mga gloves.
Ngunit iba ang pinapahiwatig nang mga mata niya.
Iniling ko nalang ang ulo ko at humarap kay Doctor Kia.
"Doc, sila bang lahat ang isu-supervise ko?" tanong ko dito ngunit umiling lang siya
"Yung pinakabatang pasyente yung isu-supervise mo simula ngayon. Masyadong critical yung condition niya, pero may ibibigay din ako nang mga patients under investigation na isu-supervise mo din." mahaba nitong paliwanag kaya tumango nalang ako
YOU ARE READING
The Love Apparatus
RomanceIsang istorya nang pag iibigan na hindi pangkaraniwan dahil oras ang kalaban nilang dalawa, pero nagawa nilang maging masaya sa piling nang isa't isa. "Nurse ako pero di nagawang isalba ang buhay nang babaeng mahal ko." -Stefan Joson "Salamat at kah...