Simula

3 0 0
                                    

Simula

I stared at the pink sky as the perfectly crescent moon started to show. Perfect for the photoshoot. Ngunit hindi sa pagkakataong ito. Those brands of my other cousin are not fitted to the male models. Or should I say, hindi talaga bagay sa kanila. Hindi sila maskulado at mas lalong hindi sila masyadong matangkad. Malaman lang. I wonder how they passed as a model?

I'm starting to get annoyed. Kung normal na araw lang ito, sinisigawan ko na si Meg at pinagsasabihan sa pagkakamali niyang wala akong nagustuhan sa mga co-models niya. Pero dahil may iba akong problema, I need to get out on this horrible photoshoot. Ang gaganda ng mga kuha at image nila sa portfolio pero bakit ganito, parang ginayuma si Meg ng mga co-model niya at nasabing pasado ang mga ito sa standards ko? Napailing ako at tumayo mula sa pagkakaupo.

Sinenyasan ko ang direktor at diretsahang pinagsabihan.

"I'm sorry to disappoint you, Direk. But I'm telling you, hindi talaga bagay sa kanila ang brand ni Geoff.. Pakisabi kay Meg na aalis na ako. Maghahanap na lang ako ng iba.." saad ko habang nakacross arms at mabilis na tumalikod. Rinig ko pa ang pangbaback-stab nito sa akin kesyo daw anak ng senador at malaki ang pangalan sa industriya kaya sumikat. Oh shut up! Walang kinalaman ang Daddy ko dito na wala nang ibang ginawa kundi ang paghahanap sa nawawalang anak ni Tita Dia. Malay ko bang patay na yun?

Inakala ko pa naman na dito ako makakahanap ng model na isa sa rarampa sa darating na fashion show ko two months later. I started the engine of my car. Muntik ko nang makalimutan na bukid ito at mahaba-haba ang biyahe. Napalingon ako sa cellphone kong nagriring. Grandpa calling. I admit, me and grandpa has a conflict at hindi ko na siya pinansin simula nang araw na iyon. Inabot ko ito sa dashboard at sinubukang i-decline pero tawag pa rin siya ng tawag. Nawala sa daanan ang atensyon ko at nang bumalik ang tingin ko dun ay may muntik akong masagasaan, wala sa sariling natapakan ko ang brake.

"Shit!" tumama ang noo sa manibela. Sapat na para mahilo ako. Pakiwari ko'y nabukulan ako pero hindi ko na ito ininda.

Dali-dali kong tinanggal ang seatbelt at bumaba. Naabutan ko ang lalaking matipuno at nakabahag.

W-wait what? Bahag?

Kinusot ko ang mga mata ko at tiningnan ulit ang daan kung naroon pa ba ang lalake. Malay ko bang nag-iimagine lang ako sa standards ng mga model na matipuno.

Ngunit totoo talaga ang aking nakita. Nakaupo sa gitna ng kalsada ang lalake sa harap mismo ng aking Mustang at tinatakip ang mga kamay sa kanyang mga mata. Tila pinoprotektahan ang sarili mula sa nakasisilaw na liwanag mula sa aking kotse. Nagtataka ako. Bakit may ganitong lalake sa bukid na ito? Huling daan ko dito kanina, nakasuot ng normal na kasuotan ang mga tao dito. Siya lang ang naiiba.

Nagtataka man ay nilapitan ko ito.

"A-ah excuse me.. ayos ka lang ba?" marahang tanong ko dito. I don't understand myself but I had this feeling that I should talk to him softly. I don't know why. And I don't want to know why.

Nakatitig sa akin ang malakapeng mga mata nito. My jaw dropped. He's a total package! Mestizo ito ngunit napakarumi ng kanyang mukha at buong katawan. Mahaba ang kanyang buhok na tila alambre sa tigas. At pamatay ang kanyang katawan. Mahaba ang kanyang biyas. Pasado siya sa standards ko! Kumunot ang noo ko nang bumaba ang mga mata niya sa legs ko. Napababa ang mga mata ko sa suot ko. Black shorts and white V-neck shirt paired with black hodded jacket. Napatingin ulit ako sa kanya nang palipat-lipat niyang tiningnan ang makinis at maputing legs ko at sa madumi at mabalahibong legs niya. Umangat ang isang kilay ko.

"U-uh hey, I'm asking you kung- ahh what the f*ck are you doing!!" hindi sinadyang napamura ako at nasipa ang tiyan niyang may maraming pandesal nang hinawakan niya ang legs ko.

Just.. What did he do?

Coveting the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon