Kabanta 1

2 0 0
                                    

Kabanata 1

"Nova! Explain to me why did you fired Butler Ron?" pagsalubong ni Dad sa'kin pagkapasok ko ng mansion. Nasa gilid niya si Tita Dia na pinipigilan si Dad sa panenermon. Napairap ako. Here we go again.

Dire-diretso akong umakyat ng spiral naming hagdan nang hinawakan niya ang braso ko. Mariin akong napapikit sa sakit na dulot nito.

"Wag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap pa kita, Novaine! Hindi kita pinalaking bastos!" sarkastiko akong ngumiti.

"Look who's talking," marahan ngunit madiin kong saad. Pakiramdan ko'y sasabog na ako sa galit at tampo, "Ikaw ba ang nag-alaga sa akin? Hindi di'ba? Pagkatapos mamatay ni mom na siyang kasalanan mo, ipinamigay mo ako kina Lola. Nag-asawa ka ulit at mas itinuon ang atensyon sa politika at sa nawawalang anak ng bago mong asawa imbes sa akin na anak mo. So don't you dare shout at me! Kaya nga kinuha mo ako di'ba? Para pabanguhin ang pangalan mo. Kaya gagawin ko kung anong gusto ko. Wala ka nang dapat pakialam doon!" winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa maliit at nanglililang braso ko. Kapag ito hindi gumaling in 2 months, dudumugin talaga siya ng media sa pinaggagawa niya sa anak niyang isang sikat na graduating at magiging designer na.

Patakbo kong inakyat ang kwarto ko at padabog itong sinarado. Agad kong kinuha ang picture ni mommy na nasa ibabaw ng side table ko at niyakap ito ng mahigpit. Nagsituluan ang luha ko.

"I wish you were here, Mom.." nakatulugan ko ang picture ni mom na yakap-yakap ko. Nagising lang ako ng may kumatok sa pinto. Ungol lang ang naisagot ko dito.

"Nova, gising ka na ba?" nagising ang buong diwa ko nang mapagtantong boses iyon ni Tita Dia. Napabalikwas ako ng bangon.

"Yes?" halata pa rin sa boses ko na kahit bagong gising ay bagot pa rin ang tono.

"Can I come in?" umungot lang ako at nagtanggal ng muta. I was yawning as my eyes closed when I heard the closing of the door and the slow footsteps coming near to me. Pinunasan ko ang luhang galing sa paghikab ko nang may parte ng kama ko malapit sa akin ang lumubog. Napamulat ang mga mata ko.

"Good morning.. How was your sleep?"

Her coffee brown eyes met my hooded ones. She apologetically smiled at me.

"I'm sorry.. Ako na ang humihingi ng pasensya para sa Daddy mo," palihim akong umirap. Bakit hindi si Daddy ang papuntahin mo dito? Oh. Yeah right! Cowardice.

I simply hate it. I hate the way she asks for apology almost all the time. I always hate it. I am bold, fierce and... wicked on my own way while she is too modest. Pakiramdam ko sa tuwing nandito ako, napipilitan siyang sabayan ang mga gusto ko. Parang kahit labag sa loob niya, pinipilit niya ang sarili niyang sumabay sa akin. And when I end up hating and firing it back to her, she always asks sorry. I hate it.

Inilingan ko lang siya at hindi na nagsalita pa. Ayokong makipagplastikan. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako. Pilit akong ngumiti sa kanya.

"If only my son is here, you wouldn't feel so out of place here in your own mansion," bumuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. Ayokong magsalita. Baka kung ano pang masabi ko.

Yeah. Buti sana kung nandito siya. Nang sa ganun may kasama ako. But it turns out that he's not here. Maybe even out of the world already. Hindi na ako mag-eexpect pang dumating ang anak mo. I envy him somehow. Dad gave his time finding that son of yours who can't be seen instead of giving his time to his own daughter who was needing him. Well, that's life.

Now that I don't need him anymore, he's the one who's needing me. And all those times I needed him, he didn't show up. After all, I'm his only child. Sana nga hindi na lang eh. Napakislot ako at napatingin sa kanya nang maramdamang pinisil ni Tita Dia ang kamay ko.

"Let's go downstairs. The breakfast is ready," tuluyan nang nagising ang diwa ko nang hinalikan niya ako sa pisngi. Napatitig lang ako sa saradong pintuan na nilabasan niya.

Napatingin ako sa cellphone ko nang magring ito. Meg calling. Kinuha ko ito at dumapa sa kama tsaka papikit-pikit itong sinagot.

"Cous, ano? Pupunta ka ba? Mamayang alas-quatro mags-start."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" my bedroom voice filled in the air. Rinig ko ang pagmamaktol nito.

"Damn cous, di'ba naghahanap ka ng model na papasa sa standards mo para sa fashion show mo 2 months later?" napabalikwas ako ng bangon at napamura. It's almost eight. Ang layo pa naman ng bukid na iyon.

"Oo nga.. Sige ibababa ko na. Itext mo na lang ang address. Siguraduhin mo lang na worth it ang pagbiyahe ko ng malayo."

Natigil ako sa pagfold ng mangas ng jacket ko habang pababa sa hagdan nang may narinig akong mga boses. Hindi ako nagkakamali. It was grandpa with his other sons, Uncle Renato and Uncle Thomas with their wives and my other cousins. Wala si Meg dahil busy sa photoshoot.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa mangas ko at naglakad patungong dining table na para bang wala sila doon. Natigil sila sa tawanan nila nang makita ako pero hindi ko na sila sinulyapan pa. Uminom lang ako ng kape sakitchen island at lumabas na doon. Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ko.

"Novaine, why don't you join us here?" pag-aaya ni Auntie Helena. Napasulyap ako kay grandpa na nakayuko at hinihiwa ang steak niya, binaling ko ang tingin kay Auntie Helena. Umiling lang ako at pilit na ngumiti tsaka sila tinalikuran.

Napatigil ulit ako sa paglalakad nang magsalita si grandpa. His old but baritone voice filled the dining table.

"Where are you going, Novaine? Minsan lang kami dumito, join us." nanginig ang mga tuhod ko ngunit dahil natural na malamig at bagot ang tanging makikitang emosyon sa mukha ko, hindi ko na iyon halata pa. Dagdagan mo pang kung hindi malamig ay tonong bagot ang boses ko kahit anong gawin kong pagpapalit ng boses. Umiling ulit ako.

"No thanks. Mauubos lang ang oras ko," napatingin ako sa relong pambisig at nakitang quarter to ten na. Tiningnan ko ulit sila, "Mauuna na ako," tsaka ako tuluyan tumalikod at dumiretso sa garahe. Alas-quatro pa ang photoshoot pero ayaw ko lang talaga silang kasama. Pupuslit na lang siguro muna ako sa condo ni Meg at doon manghahalukay ng makakain. Hindi pa naman ako marunong magluto. Buti na lang talaga at may cup noodles at tirang pizza doon. Nakakain pa rin ako.

Pinaandar ko ang Mustang at bumyahe nang pagkalayo-layo tsaka ko lang mahihinuha na kahit anong imagine ko sa susuotin ng mga co-models ni Meg, hindi pa rin sila papasa. Ang totoo niyan, isang male model lang ang hinahanap ko. Yun sanang hindi pamilyar sa mata ng mga tao. At dahil sobrang rare ng standard ko para sa model na babagay ang height, katawan at mukha sa fashion show ko, mukhang matatagalan talaga ako. Female model is not a problem anymore. Ang dami diyan. May mga kaibigan akong model at isang tawag ko lang ay tumatango na sila.

Alas quatro y media nang dumating ako. Nagsisimula nang magbihis ang iba. Matagal-tagal pa itong matapos dahil maraming demand ang agency.

Alas-sinco y media nang tumingala ako sa langit. The sky was pink. At wala akong mahanap na nakapasa sa standards ko. Sinenyasan ko ang direktor at plastic na ngumiti sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"I'm sorry to disappoint you, Direk. Masasabi kong hindi magiging ganun kaganda ang resulta nito.. Pakisabi kay Meg na aalis na ako. Maghahanap na lang ako ng iba," saad ko habang nakacross arms at mabilis na tumalikod. Rinig ko pa ang pangbaback-stab nito sa akin kesyo daw anak ng senador at malaki ang pangalan sa industriya kaya sumikat. Oh shut up! Walang kinalaman ang Daddy ko dito na wala nang ibang ginawa kundi ang paghahanap sa nawawalang anak ni Tita Dia. Malay ko bang patay na iyon.

Kumalam ang sikmura ko. Gutom na ako. I decided to go back. Hindi sa mansion kundi sa condo ko. Malapit sa condo ni Geoff. Nasisiguro kong nandun pa rin sila Grandpa. Oh. I'm so sure. Namamalagi sila doon kapag Friday at uuwi sa mansion nila kapag Sunday. And guess what? Friday ngayon. So fitch. Mahaba-habang biyahe ito. The roadtrip consists of 4-5 hours travel.

Napahawak ulit ako sa tiyan kong kumakalam. Napahikab rin ako.

"Dumidilim na. I should get back now.."

Coveting the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon