Wakas

2.4K 63 5
                                    

Pagdating ng Lunes ay magkakasamang pumasok sina Christine, Heidi at Aya.

"Tine, sigurado ka ba sa gagawin mo?" - Heidi

"Oo naman! Eto lang yung paraan para malaman natin ang totoo."

Pumasok sya ng room at derederetsong pumunta sa kinaroroonan ni Faith.

"Faith." malumanay nyang tawag dito.

"Christine. Bakit?" patay malisyang tanong nito.

"Umamin ka nga. Ikaw ang may kagagawan ng lahat no?"

"Anong lahat?"

"Ikaw yung nananakot samin di ba? Ginagamit mo pa si Ysabelle para takutin kami!"

"Magdahan dahan ka sa pananalita mo Christine. Wala akong ginagawa sayo. Baka naman talagang tinatakot kayo ni Ysabelle dahil kayo ang pumatay sa kanya?"

"P-panong? Wala kaming kasalanan. Hindi namin sya pinatay!"

Mabuti nlng at konti lang ang tao ngayon sa room.

"Hindi nyo sya pinatay pero kayo ang dahilan. Di ba Aya at Heidi?"

Nakatingin lang ang dalawa kay Faith. Maiyak iyak na sa mga naririnig.

Nagulat silang lahat ng biglang may kumalampag sa bandang likod ng room. Sa desk ni Ysabelle.

Paglingon ay nakita nilang bukas ang drawer ng table nito.

Nahihintakutan man ay nilapitan ni Heidi yon. Kinuha nya ang papel sa loob at binasa.

Tama na. Tama na.

Yun ang nakalagay. Nagkatinginan ang tatlo at lumabas.

Sumunod si Faith sa kanila.

"San ka pupunta? Tatakas ka? Bakit? Kasi buking ka na?" - Faith

"Hindi Faith. Naisip ko lang kasi. Masyadong mabait si Ysabelle para gawin samin to. Napatunayan ko lang na ikaw talaga ang gumagawa ng lahat. Lalo nang makita ko sayo yan."

Itinuro nya ang hawak na cellphone ni Faith. Kay Ysabelle.

"Ikaw ang nagpadala ng pictures di ba?"

Napaatras si Faith. Biglang tumunog ang cellphone na hawak nya.

1 message received

From: Unknown

Faith. Sana ay magawa mo na ring magpatawad. Gaya ng pagpapatawad ko.

Bigla syang tumalikod at lumayo sa tatlo.

"Christine, san tayo pupunta?" - Heidi

Dirediretsong lumabas sila ng school. Pagsakay ng kotse ay saka lang nagsalita si Christine.

"Pupunta tayo kay Ysabelle."

****

"Ysabelle. Patawarin mo kami. Sobra na kaming ginagantihan ng konsensya. Tama na. Gusto na naming matahimik. Patawarin mo.kami. Hindi namin ginusto ang nangyari."

Umiiyak na ang tatlo. Maya maya ay isang matanda ang lumapit sa kanila.

"Pinatawad na nya kayo. Matagal na." nakangiting sabi nito.

"P-po?" - Aya

"Nakatingin sya sa inyo ngayon. Ipinapasabi nyang pinatawad na nya kayo. Dahil una pa lang naman ay di na nya kayo sinisi."

Nagkatinginan silang tatlo.

"S-salamat po." - Heidi

"Salamat Ysabelle. Salamat."

Yumakap silang tatlo sa isa't isa.

Pare parehong nakalaya sa bigat na dinadala.

Ramdam nila ang pagyakap ni Ysabelle sa kanila. Ang yakap ng pagpapatawad.

-WAKAS-

YSABELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon