Ikaapat na kabanata

2.4K 66 1
                                    

Sabado ng hapon. Nagpunta ang tatlo sa burol ni Ysabelle.

"Nakikiramay po kami." Sabay sabay na sabi nila sa nanay ni Ysabelle.

Tumango lamang ito kaya nagpatuloy na sila sa paglapit sa kinaroroonan ng labi ni Ysabelle.

"Aish." Nagulat na sambit ni Christine nang makita ang bangkay.

Bagamat natakpan ng make up ang mukha nito ay hindi niyon naitago ang malaking sugat sa bandang noo nito.

"Ysabelle. S-sorry. Mapatawad mo sana kami." Lumuluhang sabi ni Heidi.

"Hindi namin ginusto ang nangyari Ysabelle. Patawad." - Aya

"Sorry." matipid na sabi ni Christine habang nakatingin sa malaking litratong nasa tabi ng kabaong. Nakangiti at mukhang payapa ang itsura ni Ysabelle sa larawan.

Ilang sandali pa silang tumigil doon bago nagpasyang umuwi na.

Ngunit ganoon na lamang ang kanilang gulat nang makitang may nakasulat sa salamin ng bintana ng kotse ni Christine. Yun kasi ang ginamit nila papunta dito.

MAGBABAYAD KAYO!

Sa hood ng sasakyan ay nakapatong ang lipstick. Ito marahil ang ginamit na panulat sa bintana. Nang lapitan nila yon. Nagkatinginan silang tatlo.

Ang lipstick. Kilala nila kung kanino yon.

Kay Ysabelle!

***

Nasa kwarto nya si Aya. Hindi sya mapakali. Natatakot sya. Mukhang minumulto nga sila ni Ysabelle.

Nagulat sya nang parang may dumaang imahe sa pintuang salamin papunta sa terrace ng kwarto nya.

Nahihintakutan man ay sinilip pa din nya ito.

Paghawi ng kurtina ay wala syang nakitang tao. Pero pagtingin nya sa baba, sa ilalim ng puno ay may nakatayong babae. Dahil madilim ay di nya masyadong maaninag ang mukha nito. Pero sigurado sya. Ang tindig nito, pareho nang kay Ysabelle.

Dali dali syang pumasok sa kwarto at idinial ang number ni Heidi.

***

Samantala, si Heidi naman ay nasa library ng kanilang bahay. Pilit nyang inaaliw ang sarili sa pagbabasa ng kung ano anong libro.

Ayaw nyang maisip ang nangyari kanina sa burol.

Habang nagbabasa ay nagulat sya sa isang malakas na kalabog mula sa labas.

Walang ibang tao sa bahay kundi sya. Ang mama at papa nya ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho.

Umuuwi naman sa gabi ang kanilang kasambahay.

Kahit kinakabahan ay lumabas sya para silipin kung ano ang tumunog.

Paglabas ng pintuan ay nagulat sya nang sa tapat ng pinto ay naroon ang nabasag na vase.

Ang vase na dapat ay nasa dulo ng pasilyo.

Paanong napunta to dito?

Kasama ng mga bubog ay napansin nya ang isang papel.

Pinulot nya ito at binasa.

YSABELLE.

"Aaah!" napatili sya sa gulat nang biglang magvibrate ang cellphone sa bulsa nya.

Aya calling...

"H-hello?"

"Heidi! Nagpaparamdam sya sakin. Tulungan mo ko Heidi!"

"Aya. Kumalma ka. Magkita tayo ngayon. Sa 7/11 sa loob ng village."

****

Sa 7/11.

Agad agad na nilapitan ni Aya ang naghihintay na si Heidi.

"Heidi." naiiyak na yumakap si Aya dito.

"Aya. Nagpaparamdam din sya sakin. Malamang gusto nya tayong gantihan sa nagawa natin sa kanya."

"P-pero, wala tayong kasalanan. Hindi natin ginusto yon. Hindi tayo ang nagsabi na umakyat sya sa taas!"

Napaisip si Heidi. Saka sya napabulong.

"Si Christine."

YSABELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon