Chapter 4
Hindi Mahal
Naiiling akong bumalik sa sasakyan matapos itong iparada ng valet sa harap ng building at binaliwala ang baklang panay ang hingi ng tawad. Seriously, I'm not really mad. I'm even quiet amused at him after everything, well, not just in the part of how he compared me as one of Eros' flings. Pero hindi ko rin sasang-ayunan ang ginawa niyang pangmamata agad sa akin kahit hindi niya pa ako kilala. Knowing something doesn't make you knowledgeable enough to judge.
Kahit pa nasasanay lang siyang gawin iyon sa mga babaeng nagpupunta rito para ipagtanong si Eros, sana man lang ay alamin niya muna ang tungkol sa mga ito bago sinagot-sagot katulad ng ginawa niya sa akin. Paano kung isang malaking kliyente pala ako tas pinakitunguhan niya lang ng ganun? That's a big turn off.
If I were an investor of a company who's the employees are disrespecting me, I wouldn't really think twice to back out. Pero siguro kung naglalandi lang 'yong babae sa kompanya ng asawa ko, okay sege, pagbibigyan ko ang baklang 'to.
"Madame! Please forgive my behaviour awhile ago! Isa akong lapastangan sa ginawang pagsagot-sagot sa iyo ngunit huwag niyo po sana akong tanggalin sa trabaho! My future depends on the company and--"
"I will talk to you tomorrow, Mr. Frederick Lansaderas. Now, move out of my way before I'll crush your jelly bones." Banta ko na ikinalaki ng mata niya.
Tss. Sayang talaga 'tong baklang 'to e. Gwapo sana, nakakaturn-off magsalita. Mas maarte pa sa tunay na babae.
Dali-dali siyang umalis sa harapan ko kaya nagpatuloy ako sa pagmamaneho habang natatawang tiningnan siya mula sa side mirror na parang maluha-luha na sa isang tabi.
Sa totoo lang ay wala naman na akong pakialam sa kanya dahil pinagalitan na siya ng manager nila. At alam ko rin namang natuto na siya. That experience will be enough to teach him some lesson today.
Dumaan ako sa isang dangwa para bumili ng mga fresh na bulaklak. I need it in my plan. I want to set up something unforgettable. Not just for Eros but for the both of us. Hindi lang naman kasi ang mga lalaki ang pwedeng sumerpresa ngayon, nabuhay tayo sa makabagong panahon kung saan lahat ng gawain ay may pagkakapantay-pantay na. If I have to use that equality to make my move, then, why not?
I'm not totally that desperate girl, nagpapaka-practical lang ako. Dahil alam naman nating sa panahon ngayon, kung wala kang gagawin ay wala talagang mangyayari sa inyo ng taong gusto mo. Lalo na kung una palang, hindi ka naman talaga niya napapansin. At mas lalo na siguro kung may iba siyang gusto. Hindi ka na nga gusto, hindi ka pa napapansin, malalaman mo pang may ibang napupusuan! That's one enough reason of your crushing heart. Mabuti nalang at wala akong naririnig na ganun ni Eros bago ako magpapansin.
"Manang Dyosa? Where are you now? I'm home na po!" Tawag ko sa buong kabahayan na walang ibang maririnig kundi ang maganda kong boses.
Ouch! Bigat rin nitong mga pinamili ko ah? Mabilis kong inilapag sa center table ng aming malaking sala ang mga bulaklak na talagang binuhat kong mag-isa papasok sa loob. Parang namanhid tuloy ang magkabila kong braso.
But anyway... nakita kong lumabas si Manang Dyosa mula sa kusina habang nagpapahid ng basang kamay.
"Oh? Ba't may dala kang mga bulaklak, hija? May plano ka bang gumawa ng hardin?" Nagtatakang aniya habang ang mga paningin ay naroon sa bulaklak. "Tamang-tama ito at nilinisan ko ang gilid ng swimming pool sa likod kanina. May mga paso roong hindi nagagamit." Tiningnan niya ang mga ito isa-isa. Naupo naman ako sa sofa at ipinahinga muna ang katawan at mga braso.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband (Seductive Girls #1)
RomantikPrescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when it comes to him... pain, shame, desperation, and can even be cheap just for him to notice her... just for his attention. She will sed...