Chapter 5

17 0 1
                                    





Chapter 5

Fit

Tulala ako sa ceiling habang pinag-iisipan ang lahat. Mula sa pagpapakasal... hanggang sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko alam kung sadyang ako ang mali sa pakikipagsiksikan sa sarili ko o si Eros na hindi makita ang halaga ko. I don't mind waiting for him to love me back. I just want to be treated fair. 'Yong tipong kahit hindi gusto ay pinakikitunguhan ng maayos... hindi itinuturing na parang isang basahan. Walang kwenta. Walang halaga.

I am treated a princess my whole life. Ngayon ko lang naramdamang para akong walang halaga. Like what the heck? Ako? Si Price Alhara na malayo palang ay kumikinang na sa kagandahan? Sinong mag-aakalang hindi ako pinapansin ng napili kong mapangasawa? Deserve ko naman siya di ba? A gorgeous man like Eros deserves someone gorgeous too like me.

Ngunit aanhin nga ba ang kagandahan kung hindi naman napapakinabangan? Maganda nga, etchapwera naman sa taong nagugustuhan.

Napabuntong-hininga ako bago inabot ang cellphone at tinawagan ang taong alam kong maiintindihan ako... sa kagagahan at kalandian.

Ingay ang sumalubong sa aking tainga kaya alam ko na agad kung nasaan siya. Nga naman.

"Hello, bitch?" malakas na ani Yna. Rinig kong nakipagtawanan pa siya sa kung sino bago bahagyang nawala ang ingay sa linya niya.

"Bar again?" buntong-hininga ko.

Hindi ko na tuloy alam kung anong mas miserable, 'yong buhay ko ngayon o buhay ni Yna na walang lovelife.

"As usual, Bitch! Alam mo namang ayokong nagsasarili!" Humalakhak siya.

Agad akong napangiwi sa kanya. "Yucks, Yna! Gross!" nandidiring ngiwi ko. "Baka naman diyan ka magkasakit niyan? Why don't you get a man and marry? Hindi 'yong paiba-iba gabi-gabi, bitch!"

"Then what? Tratuhing gaya mo? Parang bato lang sa bahay? No way!" Agarang balik niya. "I'd rather live my life this way, enhaling the freedom of my choice, than have a man who will treat me like a waste at my own house!" singhal niya.

Naitikom ko ang bibig at hindi nakapagsalita. Truth hurts but it sets free.  Hindi nga lang maiiwasang... nakakasakit talaga. Ang sakit-sakit marinig ng katotohanan, lalo na kung hindi ito kaaya-aya.

Ang sakit-sakit marinig mula mismo sa bibig niya kung paanong para talaga akong basura sa sarili naming pamamahay. Hindi man binabalewala, pero walang kwenta.

"Opps... sorry. Don't mind me, bitch. That's just my opinion. At talagang mukhang tinatamaan na ako ng alak kaya ganito--"

"Mukha ba talaga akong tanga?" buntong-hininga ko. Pero tinatanong pa ba 'yon? Kahit ako makakasagot niyan e.

Obviously. Tinatanong pa ba, Price? 'Yong pagpapakasal nga lang sa taong walang gusto sayo ay malaking katangahan na!

"W-What?" kalaunan ay humalakhak siya. "Hindi lang mukha, bitch!"

Ouch. At talagang siya na ang nagsabi niyan ah?

"Pero sa tingin ko naman ay normal lang 'yan. Walang taong nagmamahal ang hindi nagpapakatanga. Kung meron man, hindi 'yon totoo. Hindi ka nagmamahal kung di mo kayang lunukin ang pride mo. Hindi ka nagmamahal kung kaya mong magtiis, sa maling paraan. Hindi ka nagmamahal kung 'di mo kayang ipaglaban." mahabang aniya. "Kaya nga bilib ako sayo. Dahil obvious namang walang gusto sayo 'yong tao, tinali mo pa. Ibig sabihin, you're brave enough to accept the consequences whatever it takes."

Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. I'm brave. But even the bravest person has a limitation. At hindi ko alam kung hanggang saan lang ang sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing My Own Husband (Seductive Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon