Chapter 2: Sikat na ang aking Crush

6 1 0
                                    

"Hey princess. Bilisan mo na dyan at mahuhuli na tayo." Sabi ni Karl kay Jelis
Bumaba si Karl sa motor nya at sinuutan ng helmet.
"Ano ba! Di na ako bata." Inis na may halong kilig.
"Okay okay. Haha kalma" nakangiti nyang sabi

At nag drive na si Karl papuntang school. Nang makarating na sa school, nagpaalam na sila at pumunta sa kani kanilang classroom.

Pagkapasok palang ni Jelis sa classroom ay napansin nya na agad si Kwan na nakatingin sa malayo. Tahimik at hindi nakikinig sa klase kaya laking gulat nya ng tinawag ng teacher si Kwan para sa oral recitation at nakasagot naman ito. Smooth.

"Wow ang cool naman nya. Diba Jelis" sabi ng seatmate nya na si Bea.
"Oo nga eh" sagot ni Jelis pero sa isip nya, san banda.

Lunch time nun hindi sya siniput ni Karl. Kaya niyaya sya ni Bea na sabay na silang kumain.
Nung nasa canteen na sila nakita nilang mag isa lang si Kwan kumakain mag isa.
Nilapitan ni Bea si Kwan.
"Hello may kasama ka ba? Pwedeng makishare ng table" sabi ni Bea kay Kwan

Sa isip ni Jelis. Ano bang ginagawa nya.
Sabay silang tatlong kumain. Hindi umiimik si Kwan. Habang si Bea naman ay panay ang salita. Si Jelis naman nakangiti lang.

After lunch nagpaalam na sila kay Kwan.

Nakita nila si Karl kasama tropa nito.
"Jelis ang boyfriend mo oh" turo kay Karl
"Ha? Ehh naku hindi ko sya boyfriend ah"
"Eh bat parang defensive ka ata. Crush mo ba si Karl?"
"Ha? Ehh naku hindi ahhh" paulit ulit na sabi nya habang namumula
"Kinikilig ka eh" ngisi ni Bea

Sa di kalayuan tinawag sya ni Karl.
"My princessssss" sigaw ni Karl.

"Princes daw oh. Yeeee" tukso ni Bea sakanya
"Ano ba tumigil ka nga nakakahiya" kilig na sambit nya

Nang makalapit si Karl, sinabi nitong pasok sya sa Basket ball.
"Jelis. Nakapasok ako sa Basketball" ngiti nyang sabi
"Ahh guys maiwan ko muna kayo" paalam ni Bea kay Jelis.
"Punta ka mamaya sa game ko ha." Pabor ni Karl kay Jelis
"Oo ba. May choice ba ako?" Sabi ni Jelis
"Oo meron naman. Pili kalang. Oo or Oo hehe" kulit nito.

Sa di kalayuan nakatingin si Kwan sa kanila

*Uwian na
"May practice game kame. Mauna kanang umuwi" sabi ni Karl
"Hehe Okay sige" Galingan mo ha.
"Oo naman. Hehe para pag may laban na, makita kong proud ka sakin."
"Ay ewan ko sayo. Sige mauna na ako"

Paglabas nya ng gate nakita nya si Kwan na parang may inaantay.
"Bye Kwan. Mag ingat ka" sabi nya ng nakangiti
"Mm" tango nya.
Hindi makita ni Jelis ang expression ng mukha ni Kwan dahil nga sa bangs nito na mahaba.

*Kinabukasan
"Good morning princess bilisan mo na dyan." Bati ni Karl
"Andyan na po daddy" kulit ni Jelis
"Wow ayaw mo na bang tawagin kitang princess?" Tanong ni Karl ng nakangiti
"Gusto mo baby na? Yeee haha" He continue at tumatawa pa.
Namula nalang si Jelis

*Sa School
Karl: May iku-kwento ako sayo
Jelis: Ano yun?
Karl: Kilala mo ba si Trixy?
Jelis: sino ba naman ang hindi makakilala sa kanya eh famous yun at modela.
Karl: Feeling ko Mahal ko na sya

Nagulat si Jelis sa sinabi ni Karl.
Karl: Alam mo ba kung bat ako sumali sa basketball team dahil gusto kong mapansin nya ako. Hahahaa
Jelis: Ganun ba. Hehe
Karl: Bat ka malungkot. Nagseselos ka ba?
Jelis: yakssss! Bat naman ako magseselos ewwwww!!
Karl: Sabi ko nga eh.
Nawala ang ngiti ni Karl sa sinabi sakanya ni Jelis.
Nagpaalam na si Jelis
Jelis: pano. Mauuna na ako. May practice ka pa eh.
Karl: Oo. Sige mag ingat ka ha. Text mo ko kung sa bahay kana
Tumango lang si Jelis
Karl: Ayaw mo bang manood ng practice game ko?
Jelis: Naku wag na! Mag practice ka muna. Hahahah
Karl: Okay. Sabi mo eh

Sa di kalayuan. Nakatingin si Kwan sa kanila

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon