Ang Babae sa Bus

407 14 2
                                    


Tawagin nalang ako sa pangalang Gerald hindi ko tunay na pangalan ikekwento ko lang ang kababalaghang pangyayare saakin sa bus kaya sana maipost mo ito idol.

Pauwe naako noon galing sa trabaho, pagod na pagod ako noon dahil ang trabaho ko ay janitor sa isang kumpanya kaya gusto ko na umuwi para makapagpahinga naako.

Nag aabang naako nun sa bus stop para makasakay at makauwi na,  maya't maya may dumating na na bus, nag dumugan ang mga pasaherong pasakay at sumakay na kaagad ako, punuan noon buti nalang may isa pang bakanteng upuan kaya hindi naako nag dalawang isip umupo at may babae akong katabi na napaka gandang babae, napaka puti nya at nakasuot ng puti na dress, at biglang nagsalita na yung conductor ng bus para maningil ng pambayad sa pamasahe "iready niyo na ang pang bayad nyo" sabi nito, iniisa isa na yung mga pasahero, at ito na nga siningil niya ako pero bakit nilagpasan niya yung katabi ko hindi ito siningil, kaya napa isip ako baka kamag anak nila or kaibigan nila ito kaya nilibre nila o di kiya kanina pa ito nakapag bayad.

Inaantok naako sobra sobra dahil napakalamig na sa mga oras na yun at antok na antok na ako,patulog naako at pahimbing na ng magsalita yung katabi kong babae at ang sabi niya.

"Kuya maganda ba ako?" sabi nito.

Napailing ako sa pagkakatulog ko at inulit niya yung tanong.

"Kuya maganda ba ako?" sabi nito ulit.

"Ahh eh maganda kanaman miss" sambit ko.

"Kuya bakit nilapastangan ako ng mapapangaaawa ko" malungkot nitong sambit.

"Hindi ko alam, ano bang problema?" tanong ko.

Bigla tong umiyak at humagulgol ng malakas

"Miss bakit ka umiiyak? Miss ok kalang ba?" tanong ko.

Medyo nakakahiya kaya dumistansya ako ng kaunti, umiyak ito ng dugo at sinakal ako nitong biglaan, nagulat ako at nangdiri,ang lakas nito kaya nahihirapan narin akong  huminga dahil sa pag kasakal.

"Miss ano bang problema mo"

Sinasaktan ko na ito dahil pahigpit na ng pahigpit yung pag sakal niya at may lumabas na mga dugo sa mga ilong at bibig nito kaya medyo na pahinto ako, napakarami nun at nawawalan naako ng hininga sa pag kakasakal nya feeling ko mamamatay naako at wala man lang nakakarinig saamin at maya't maya may kumalabit sakin.

"Kuya? Kuya gising na, hanggang dito nalang kami" sambit ng conductor.

Nagising ako at nahimasmasan sa nangyare,tumingin ako sa gilid ko kung saan nakaupo yung babae at  tumingin tingin ako sa paligid wala ng ibang pasahero ako nalang pala ang natira at bumaba na kaagad ako at hindi maalis sa isip ko yung pangyayareng yun, panaginip lang pala pero feeling ko totoong totoo yung mga naramdaman ko at yung nakikita ko sa oras na yun.

Buti nalang panaginip lang paano kaya kung totoo? Kaya ingat din kayo sa sasakyang bus at baka kayo ang susunod na mabigtima...

Nagustuhan mo ba? Huwag ng mahiyang mag Follow at mag vote sa kwentong ito at kung may kweto kang kababalaghan just message me at baka  ang kwento monna ang maitampok!!.

Next
..⬇..

Tagalog Horror Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon