Tawag sa dilim

312 11 1
                                    


Tawagin ninyo nalang akong Janice, may anak naako na 1 taong gulang palamang, nagiisa lang akong nangangalaga sa bahay kapag gabi, dahil yung asawa ko ay pang gabi sa trabaho. 7:30pm na at pinapatulog ko pa ang napaka cute kong baby sa oras na yun.

"Baby tulog na, baby tulog na"..

Nakatulog na pala si baby at napag desisyonan ko nang maligo dahil ang init at pawis na pawis na ang katawan ko sa mga oras na yun. Kinuha ko na agad ang towel ko at mga damit ko. 10 minuto ang lumipas habang naliligo ako Cring!!.. Cring!!.. cring!!.. may tumatawag kaya nag madali akong mag suot ng towel palabas at sinagot ko na agad yung telepono.

"Hi sino po ito?" tanong ko.

"Kukunin ko ang anak mo, malapit naako" mahinang sagot nito.

Binaba ko na agad kase iniisip ko na baka prank lang iyon. Agad akong pumunta sa baby ko para icheck kung ok lang sya, ok lang naman at walang nang yare. Bumalik na kaagad ako sa pagligo ko at noong natapos naako Cring!!.. cring!!.. cring!!.. may tumatawag nanaman at sinagot ko ito.

"Hi sino ito?" tanong ko.

"Kukunin ko ang anak mo at malapit na malapit naako"

Binaba ko agad at medyo nag aalala ako kaya sinilip ko ulit yung baby ko, maayos naman yung baby ko mahimbing naman yung tulog, pero natatakot ako kaya chinecheck ko kung nakasarado yung mga bintana at pintuan sa bahay, dumeretso ako sa sala at tumawag ako sa asawa ko.

"Hi babe? Napatawag ka" tanong nito.

"John may tawag ng tawag dito at may kung ano anong sinasabe natatakot ako" pagalit kong sabi.

"Anong sinasabe?"

"Kukunin daw nya yung baby natin at malapit na daw sya"

"Ahh mag leleave na muna ako at uuwi naako jan hintayin mo ko" sabi nito.

"Ah sige John mag iingat ka"

Cring!!.. Cring!!.. cring!!..

May tumatawag nanaman, naiinis naako sa oras na yun at napilitan naakong murahin at sigawan yung tumatawag na yun at tinakot na tatawag ako ng pulis.

"Hoy tawag ka ng tawag gag* kaba? Gusto mong tumawag ako ng pulis taran**** ka?" pagalit kong sagot.

"Nanjan nako at kukunin ko na ang baby mo..." sagot nito.

Binaba ko na agad ang telepono at sinilip ko ang baby ko at nagulat ako dahil wala na ito kaya napaiyak ako at napasigaw.

"Puta** *** mo ibalik mo yung anak ko" sinambit ko habang humahagulgol ako sa pag iyak.

Dumretso ako ulit sa sala para tumawag sa pulis at inireport ko ang lahat at pagdating sa dulo hindi nila ako pinaniwalaan at akala lang nila na ako ay naba baliw...

Kung ako sayo kung may tatawag na hindi mo ka kilala huwag mo nang...
Sagutin at baka anak mo ang mabiktima!...

Nagustuhan mo ba?
Follow and vote ka sa mga stories ko na nagustuhan mo kundi may yayakap sayo sa gabi...
@WriteYouWant

Next
..⬇..

Tagalog Horror Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon