01

30 3 0
                                    

ERRORS AHEAD. ERRORS AHEAD.

Caliana's PoV

"Hala angago niya!" Huhu bat kasi sinabi ang totoo sa maling oras. Mamaya na nga ako magbabasa ulet. PoV ng kontra bida eh!

"Hoy! Bat sigaw ka ng sigaw dyan?!" Bulyaw ni kuya sa akin ng makababa ako.

"Edi wag kang makinig! Duh!"Padabog kong sabi. Nakikialam eh! Kung maglalaro nalang kaya ng ml niya, baka halikan pa siya ni eudora.

"Tss. Kakawattpad mo yan. Bat hindi moko gayahin, naglalaro lang. At hindi sumisigaw." Pang-aasar niya. Loko amputa.

"Anong hindi sumisigaw? Eh kalahating gabi na't sumisigaw ka dahil na talo kayo? Wag mokong gaguhan, kuya." Pigil inis kong sabi.

"Ah, so nagpupuyat ka?" Sarcastikong sabi niya.

"H-hindi! Nagigising ako!" Shet! Nautal ako!

"Psh!"

Maka-akyat na nga! Isusumbong ko talaga siya ni nanay. Magagalit yun! HAHAHA.

"Nanay! Bumili ka ba ng chocolate?"

"Meron dyan, pero wag kang kain ng kain reese!"

Masarap e! Kumuha ako ng swiss chocolate pero wala pang ilang minuto ay naubos kuna. Huhu! Gusto ko pa.

"Oh ito, dalian mo. Makita ka ni nanay!" Inabot ni kuya sa akin ang maliit na dark chocolate bar.

"Kuya! Salamat." At niyakap ko siya.

"Oo na! Umalis ka dyan. Naglalaro ako." Tss. Ikaw na ang pinasasalamatan ay ikaw pa ang magagalit. Sa susunod talaga ay hindi nako magpapasalamat sayo! Hmp!

Magwawattpad muna ako. Relate na relate ako sa story na ito kaya gusto ko tong basahin pero mas gusto kong magbasa sa libro kaysa sa phone ko. Sayang lang talaga kasi ongoing pa ang storya.

Nakakaulol na talaga ang kontrabida!! Hindi pa nga alam ang buong nangyari, eh todo turo na sa babae. Inggit lang siya psh.

Gusto kong dagdagan ang collection ko ng libro, all of the sudden. Habang tinitignan ko ito ay gusto kong maybagong libro sa shelf ko.

"Oy, babae. Punta tayo mall." Kunwaring walang pake na usal ni kuya. Ah, hindi ko pala 'naintroduce' ang kuya ko. Si Ream Angelo Sandoval. Model at player, sa games at sa babae. Over protective pag dating sa akin.

"Sure." Tipid kong sagot.  Inis parin ako sa kanya. Hindi na niya kasi ako ina-appreciate. Nagpapasalamat na nga eh. Tss.

"Hihintayin kita. Bilisan mo!"

Natapos na akong magbihis. Ayy OOTD pala  - Outfit Of The Day- high-waisted shorts na black, tie-dye na hoodie and isang bralet na kulay gray sa ilalim. Simple lang outfit ko, cute and comfy hehe.

Pagkababa ko ay nakita ko si kuya may kausap at hindi ko mapigilan na mag eavesdrop.

"Si reese? Kapatid ko yun! Stella- edi wag... papunta sa mall.... no..... meron.... tss..... si reese.... kapatid ko nga siya eh! Bat hindi mo ma intindihan?! KAPATID KO NGA SI REESE!!!" Anlakas ng sigaw ni kuya sa pangalan ko. Pero hindi na ito problema. Ang mga ginugirlfriend ng kuya ko ay 'nagseselos' sa akin kasi parati daw kuno kasama si kuya, eh kapatid ko yun? Nakakaloka sila! Masisira beauty ko neto! HAHAHA syempre, charot lang.

"Hoy! Halika kana!" Inis na singhal ni kuya sa akin.

"Oy, wag mong dalhin iyang inis mo sa lakad natin. Makipaghiwalay kana lang sa bitch na stellang yun. Akalain mo, hinarang  ako nong isang araw sa parking lot ng CS modeling? I can suspend her for that." Pigil inis kong usal. Pinipigilan ko lang na hindi mamura kasi ayaw niya non, pero minsan talaga ay hindi ko ito mapipigilan.

Behind The Camera (GNR series #1)Where stories live. Discover now