08

3 2 0
                                    

Sorry for incorrect spellings and typos.

ERRORS AHEAD. ERRORS AHEAD.

Caliana's POV

"2 o'clock! Tangek!" Sigaw ni Trevor kay Clyde.

Imbis na sumagot si Clyde ay binaril nalang niya 'yung nasa direksyon na sinabi ni Trevor.

"Umayos kayo! Sigaw kayo ng sigaw dyan!" Suway naman ni kuya Rhylie, mukhang hindi naman ito seryosong suway.

After doing the raid, I directly come to GNR para takasan ang maiingay kong kaibigan, pero as expected ay na una silang dumating sa mage kaya halos ilang minuto lang din ang katahimikang nadinig ko.

Napabuntong hininga ako. Ang iingay! Kaya nabubuking kami e! Tsk. Hindi parin mawala-mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon, hindi ko rin alam kung anong gagawin, hihingi ba ako ng sorry? E, hindi ko naman kasalanan! Tsk. Hindi ako sanay na ako ang magsosorry, dahil noon pa man ay kinukontrol ko ang mga nararamdaman ko, kahit sobrang saya ko o sobrang galit ay inaadvance ko ang pag iisip ko na pag masaya ako ngayon, may mangyayari, either good or bad. O kapag sobrang lungkot or galit ako, alam kong sasaya din ako o mawawala din itong galit na nararamdaman ko.

Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin at nagpadalos-dalos ako sa mga aksyon ko. Hindi ko nakontrol ang emosyon ko kahapon at malapit ko nangpatayin si kuya Ream at Si Cloud. At oo hindi ko na tinatawag si Cloud ng 'kuya', naalala ko lang na tinatawag ko siya ng ganon ay parang gusto kong sumuka, lakas makafeel na pagoodshot ako. Tsk, hindi ako pagoodshot dahil hindi ko na kailangan na iprove ganyan ako o ganito ako. Meirda, ang defensive ko tuloy!

"Commander!" Tawag sa akin ni Clyde.

"Meirda! What?!" Nagulat at inis kong nilingon sila. Kailangan ba talagang sumigaw?! Tsk.

"Ang lalim ng iniisip ni commander! Baka iniisip niya paano ka patalsikin dito sa GNR!" Rinig kong pang aasar ni Trevor kag Clyde na sinapak lang siya.

"Baka ikaw! Ang ingay mo kasi," ganti ne'to. Nang taponan ko sila ng tingin ay agad silang tumahimik.

"Tinatanong ka ni Rhylie," tugon sa akin ni Clyde na piniont gamit ang labi.

"What?" Mataray kong tanong, nakataas ang kilay.

"Ano.. ako kasi.. babalik na akong pilipinas, mga next week."

"Ah, about that, Meeting!" Pumunta akong hq office, while going there, I was thinking what will I say. Bakit nga ako nagpatawag ng meeting? Tsk. Stupiiiid Caliana!
Pupwede naman kung sasabihin ko nalang sa baba no? Agh! No! Dapat sabihin ko'to sa lahat ng groups! Yes!

"Um, please bring everyone.. every group, every member at the field. Pag kulang, maghintay."

"Ookay, commander!" Sigaw ni Trevor, napairap lang ako, kahit kailan! Ang iingay, tsk.

"Oy, nagalit si Commander! Ang ingay mo kasi!" Asar naman ni Clyde.

"Sayo kaya nagalit, chismoso ka kasi!"

Napailing nalang ako, stopping them from making fun of each other is really next to impossible.

Pagdating ko sa field ay halos lahat na ang nandoon.

"Hindi ko alam na lahat ng grupo nandito.Di'ko inform 'te!" Sabi ni Leigh.

"Before mamá called me, plano ko na talaga na pumunta dito, so I called their station and told them to come here at Spain." Pag eexplain ko sa kanya.

Tumango siya sa akin, may sasabihin sana siya pero nagsalita si Trevor sa harapan ko.

"Commander, nandito na ang lahat."

Behind The Camera (GNR series #1)Where stories live. Discover now