Denia at Aurelius
"When you thought the war is over, you're wrong. This is only the beginning, PRIMES. Babawiin ko ang AKIN." ika ni Guine, na nagulantang dahil sa mensaheng natanggap.
"What the hell Ano yan!?" sambit naman ni Cas.
"Baka nananakot lang. Hayaan niyo na 'yan." pagpapakalma ni Robin.
"Tama. Oh, mauuna na kami ni Cas." pagpapaalam ni Rio.
"Kami rin, aalis na. Luis, mauna na kami ni Guine. Ingat kayo ni Den dito. Alagaan mo 'yan ah! Buntis yan. Tatamaan ka sakin!" sumunod na paalam ni Rob.
Lahat sila nagpaalam na, kaya kami nalang ng misis ko ang natitira dito sa bahay namin.
Noong nag paalam na sina Rob, Guine, Rio, Cas, Tyson, at Cyrene, hindi mapakali si Denia.
Agad ko siyang nilapitan, para pakalmahin at kumbinsihing wala lang 'yung nabasa ni Guine kanina.
"Naya, huwag kanang mag isip nang kung anu-ano, nakakasama yan sa bata."
"Hindi ko mapigilan mag isip, Aurelius. Paano kung hindi pa pala talaga tapos? Paano kung mayroon pa talaga? Paano na?"
"Shh.. tahan na. Magiging maayos rin ang lahat. Tyaka, nandyan ang PRIMES. Alam mo naman 'yun diba? Basta't sama sama tayong mga PRIMES, walang mangyayareng masama." pagpapakalma ko kay Denia na kahit ako, hindi mapakali.
— DENIA's POV —
Agad akong nagising dahil sa kaluskos na narinig ko. Hinigpitan ko ang hawak sa aking tiyan. Diyos ko, wag naman ngayon. Kung kailan malapit ko nang isilang ang anak ko..
Mag aapat na buwan na magmula ng natanggap naming PRIMES ang sulat na 'yun.. nanganak na sina Cascadia, Cyrene at Guinevere pero hanggang ngayon, hindi parin ako mapakali.
Ginising ko si Luis, ang aking asawa, upang sabihin na mayroon akong nararamdaman na hindi maganda.
"Luis, may tao.. may nararamdaman ako. Nag mamasid.. nag-aantay.." takot kong sambit kay Luis.
Ilang saglit pa akong nag-antay ngunit walang bakas ni Luis. Hanggang sa..
"AURELIUS!!!!" nahulog si Luis, sa harapan ko, walang buhay, at tila ba bigla nalang bumagal lahat ng bagay, tila ba nawalan ako ng lakas.
— CASCADIA's POV —
Isang balita ang natanggap namin, isang balitang ni minsan, hindi namin pinangarap o naisip na matanggap.
Nandito kami ngayon sa headquarters ng PRIMES, pero may dalawang kulang. May dalawang taong wala..
"Paano? Wala.. wala na sila.." sambit ni Guine na tila ba hindi makapaniwala.
Ultimong si Robin, na pinakamatapang saaming lahat, at si Rio, na puro tawa ang alam gawin, natulala, at umiyak.
"Pag babayaran nilang lahat 'to!" ani Cyrene, at sa isang iglap, dumilim ang paligid.
Paano na, Denia? Paano na, Aurelius? Paano na kami? Tangina. Bakit niyo kami iniwan?

BINABASA MO ANG
PRIMES
FantasyThe Earth's 5 Elements-Fire, Ice, Water, Earth, and Air. They are the defenders of their world, and of the human kind. They will bring justice, but 1 will bring the chaos that they can't endure.. or can they? Cyra. Cyrus. Gwen. Zach. Trent. Cine...