Chapter 3

26 2 0
                                    


I snapped back into reality nang tanggalin ni Treyton ang kanyang kamay sa aking noo para pulutin ang aking medicine kit. He's now back to his usual facial expression—that same serious and icy stare of his— as if nothing interesting has happened.

"I'm sorry ulit," aniya.

Dahil sobrang nahihiya pa rin ako sa nangyari, I abruptly took my purple kit from him and left him. Padabog akong naglalakad sa corridor nang makasalubong ko si Kyle at tanungin niya ako. "Oh, may problema ba? Bakit namumula cheeks mo?"

"H-ha? Uhh oo okay lang! Ganito baga ko lagi. Dahil lang to sa init."

"No, mas mapula siya from before," sabi muli ni Kyle pero hindi ko na siya sinagot at nagsimulang maglakad muli sa mas mabilis na paraan.

"Grabe! Matapos niyang maging malambing, he'll act as if wala lang yun sa kanya? Huh!" I scoffed at myself.

Hindi naman na kasi niya kinakailangang hawakan pa ng ganoon yung noo ko eh! A simple sorry would do! Ano ba nakain niya? At saka, I saw a different version of Treyton. Parang hindi tuloy siya 'yong kanina.

Lumilipad ang isip ko buong hapon ng araw na iyon. Hindi tuloy ako nakapag focus sa mga discussions namin, maswerte nga ako't walang naganap na quiz after ng lessons. Samantalang si Treyton, very attentive na nakinig sa teachers namin buong maghapon.

I guess I'm just overreacting.

"It's no big deal for him. Kalimutan mo na yun," bulong ko sa sarili ko. Inaayos ko na ang gamit ko para makauwi na agad sa bahay, I don't know pero parang pagod na pagod ako ngayong araw?

"Masakit ka na naman." Napansin ko kasi ang kirot sa mga binti ko. Napapadalas na naman yata ah, buti na lang pauwi na ako. Makakapahinga na rin agad paguwi.

"Bye guys! See you tomorrow," paalam ng aming class president na si Thalia. Isa rin siya sa mga friendly kong classmates na marikit, simple, at very nerdy type. No wonder maraming nag vote sa kanya nung nag elect kami ng officers noong nakaraan.

"Bye, ingat!" wika naming mga natira sa classroom.


Kahit mag aalas singko na eh tirik pa rin ang sikat ng araw. Namumula tuloy lalo ang mga rash ko kahit nakapayong na ko. Kaya as much as possible bawal talaga ko magbilad aba.

"Malipoton baga ay!" sarkastikong sabi ng isa sa mga nag aabang ng jeep katulad ko.

May sasakyan naman kami at pwede rin akong sunduin ni Manoy Julio, but I already talked to my parents about this. Gusto kong maging independent ngayon, sinanay na kasi nila ko sa Manila na parating hatid sundo.

"Hay salamat!" wika ko habang maingat na sumasampa ng jeep. Delikado na, baka mauntog pa ko or masilipan ako. "Ano ba naman kasing palda to ang ikli."

Hassle pala!

"Makiusog na sana po tabi!" sabi ng barker kaya't umusog naman ang mga pasahero ng jeep. Sunod-sunod naman ang mga sumakay na lalaki at umupo ang mga ito sa harap na hanay ng aking nauupuan. Nagulat ako ng mamukhaan ko ang mga ito.

"Oy pre! Si ano!"

"Si Ms. Maganda!"

"Ton, classmate mo!"

Awkward ko silang nginitian pabalik at nang dumako ang mga mata ko kay Treyton, saktong naka tingin din siya sa akin. Nginitian ko lamang siya and as usual, I didn't get any response from him.

"Hello," I softly said to him pero isa sa mga barkada niya ang sumagot sa akin.

"Hi! Ano pangalan mo Ms. Maganda?"

HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon