Kabanata 1

27 4 1
                                    

   
     " Go De Rama!"

     " Woohhh! Galing talaga"

    " Hoyyy ingatan niyo yan, bebe ko yan" napa angat bigla ang tingin ko sa audience nang marinig ko yon. Sobrang ingay at ang daming tao dito ngayon.

Intrams namin ngayon at kasali ako sa cheerdance ng school namin. Ibat ibang school ang naglalaban at kasalukuyang kami ang  nagsasayaw.

Diko na maramdaman kanina ang saya sa sobrang kaba ko like why would I'll relax kung alam kong marami ang manonood kasi nasa limang school kami na naglalaban laban.

Nag aaral ako sa SKSU(SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY) OF TACURONG CITY, MINDANAO. Simula nang lumipat kami dito from Cebu dito na ako pinag enroll ni Papa maraming schools dito pero dito talaga ako pinapasok ni papa kasi daw dito din siya nagtapos ng college.

I'm 18 and 2nd year college student. Sumali ako sa cheerdance ng school namin kasi passion kuna ang pag sayaw. Simula nang high school palang ako, member na ako kaya sanay na ako na madaming tao ang nakaka kilala sakin tho diko naman sila lahat kilala.

Natapos kami sa pag sayaw at lumabas na kami sa gym para pumunta sa cottage na naka assign saming mga cheerdancer.

Umiinom ako ng tubig ng may kumalabit sakin.

"Huy bess congrats! ang  galing mo talaga!" Nong mag transfer ako dito nong grade 8 palang ako si Zara ang una kong naging kaibigan at bestie na kami ngayon. Muslim siya. Actually marami ang mga Muslims students dito na nag aaral. Mapa babae man o lalaki.

"Hahah thanks, I felt so nervous kanina nga eh akala ko mahuhulog na ako kasi diko na nararamdaman ang paa ko. Pano ba naman eh ang daming tao bess" pagdadaldal ko. Okay lang mas madaldal din naman siya sakin.

"Ow? kinakabahan ka panon ha? Dinga halata eh and Ang ganda mo today ah" yong suot namin ay isang short shorts at yong sa taas naman ay half long sleeves and half sleeveless. Naka high ponytail lahat ng buhok naming mga babae then tamang pulbo nalang at liptint kasi bat pa ako mag aayos kung pag papawisan din naman ako.

"At dahil wala na akong problema ili libre kita ng lunch" sabi ko habang binabalik yong bottle ng water ko sa bag ko.

"Ay bet ko yan, teka dika ba magpapalit ng damit?" Ay Oo nga pala nakakahiya naman pag lumabas ako ng campus ng nakaganito. Ang dami pa namang tao sa labas kasi yong school namin ay nasa City siya so minsan ang mga tao dito sila pumupunta pag may bibilhin sila kasi madaming mall dito, yong mga taga province is dito sila namamasyal, or namamalengke.

Nag palit na ako ng damit naka short ako at isang v neck white shirt diko na tinanggal yong ponytail kasi maiinit.

" Ate mauna na po kami magla lunch lang" paalam ko sa leader naming si ate Saula Muslim siya at mabait kaya gusto ko bilang leader namin dahil hindi strict or toxic.

"Okay beh, ingat baka mamaya pa ako magla lunch alam muna may hinihintay hehe" syempre dipa yan kakain kasi hinihintay pa yong boyfriend. Sana all charoot! Ayon lumabas na kami ng gym palabas nadin ng campus at sobrang init kaya sa may puno kami dumadaan. Gaya nang sabi ko sobrang dami ng tao may nakikita pa akong students na taga ibang school kasi lunch time naman kaya nakalabas na siguro sila.

Bumili muna kami ng buko juice sa street vendor madami yan dito kasi marami ding students na bumibili.

"Bess saan pala tayo?" Tanong ni Zara habang naglalakad na uli kami.

Breaking The BarrierWhere stories live. Discover now