Malapit ng matapos yong pageant. Mamaya na yong Q&A at doon nadin namin susuotin ang long gown kong pinadalapa pa ni mama from Cebu.
Natapos na yong Costume attire na may theme na Eco friendly. Gawa ni Cathy yon na puro plastic bottle pero maganda talaga ang pag design niya.
Actually long gown yon na may hati sa gitna para malaya akong makapaglakad. Sinabit sabit yong mga bottle don. At gumawa din siya ng crown na gawa sa plastic forks and tablespoons.Sobrang namangha ako sa gawa ni Cathy at kaya pala kinailangan nila ate Nicky ng katulong mag dala kasi mabigat naman talaga, dahil na din siguro sa dami nong plastics.
Inaayos na ang make up ko para sa long gown mamaya. Excited na akong matapos ito kasi napapagod na din ako. Yong gown ko ay royal blue na long sleeves but sobrang laki ng hati sa part ng chess ko kaya kita talaga cleavage ko. May hati naman ito sa may right leg ko.
I just maintained hair straight for better look.
"Girl!!!!, kung gagandahan mo lang ang iyong sagot mamaya, panalo kana panigurado." Sabi ni ate Nicky yong make up artist ko.
"Ate naman, wag ka masyadong magtiwala sakin ikaw din baka ma bokya ka hahaha"
"Aba, may tiwala ako sa performance mo ngayon. Tingnan nalang natin sa Q&A haha ikaw ha, wag na wag kang sasabit."
"Alam niyo? Pare pareho lang kayong walang tiwala sa utak meron ako. Masyado niyo akong dina down ha!"
Pati yong mga katabi kong kandidata nakikitawa na din. Kahit siya agree daw na ako yong mananalo. Aba pag talaga ako natalo wag nila akong sisisihin ah. Sila yong over confidence eh.
"Si ate Cathy sa labas ba?" Tanong ko.
"Oo, sumama na sa tita mo at may Zara."
" Okay na ba yong make up ko?"
" Aba siyempre naman, dikita papalabasin don na Hindi ka maganda"
" So what about my hair? Mas better din naman siguro pag ganito no?"
" Alam mo wag kangang nega. Atsaka tigilan mo yang pag gulo ng make up mo baka masira talaga yan!" Tsk! Sinisubukan ko lang naman i try ang ibang look.
" Okay girls long gown na ready na kayo" sabi nong organizer.
" Oh ayan na sige basta yong sabi ko sa damit mo at ayos ng hair mo. fierce kalang lagi ha? wala munang smile"
"Okay I know"
Natapos na kami rumampa suot Ang long gown kaya yong ibang kandidata maliban sa una pinabalik muna. Q&A kasi kaya hihintayin nalang namin na tawagin kami isa isa.
Natapos na yong iba kaya palapit na palapit na din ako na ang susunod.
*FAST forward haha
Susunod na ako Ewan ko kung ano ang mararamdaman ko. Di masyado rinig mula dito yong tinatanong sa candidates at sagot nila. yong hiyaw lang ng mga manonood ang naririnig ko. Mas lalo ata akong kinakabahan.
"Thank you for that wonderful answer miss STI-ans. So ngayon naman, let's us call the girl who always make us surprise with her beautiful awra today!!! Miss SKSU!!!"
Para na akong lumulutang nang lumabas na ako. Muli, narinig ko na naman ang mga taong sumusuporta sakin. I always remember what my make up artist said. Fierce. Isa siguro ito sa dahilan kung bakit lalong lumalakas ang hiyaw ng mga manonood.
YOU ARE READING
Breaking The Barrier
RomanceAllythiane De Rama Zaid Alkadar Magmamahalan sa gitna ng pag kakaiba ng kanilang relihiyon. Hanggang saan sila dadalhin ng pagmamahal nila? Ang pag iibigan nila susubukin ng mga taong mahal nila. Magpapatuloy ba ito?