Day 3.1 (Jade): Memories

25 6 1
                                    

Jade's POV

It's 5:00 am when I woke up. Naalala ko na naman yung mga inasta ni Hiromi kahapon. He's talking to a leaf! I mean, sinong matinong lalaki ang kakausap sa dahon?

Nakakaawa s'ya.

'Yan lang ang lumalabas sa utak ko. Siguro epekto lang 'to ng pagkamatay ni Jamie. He might have been so sad ever since Jamie has died. Well, kami rin naman. Lalo na ako. She is my bestfriend, afterall.

I still remember when she was still alive. Lagi kaming lumalabas. Kaming apat. Ako, si Jamie, si Hiromi 'tsaka si Yoshi- asawa ko.

~~~

"Dali na, Jamie! Hayaan mo nang ako ang mag-ayos sa'yo! Minsan na nga lang kita ayusan tapos tatanggi ka pa. Nakakatampo ka na, bessy!"  pabiro kong saad sabay nguso. She laughed at maya-maya'y sinundot-sundot ang tagiliran ko.

"Si bessy nagtatampo. Hindi bagay sa'yo! Ew, mukha kang si damulag na inagawan ng candy." Tumawa na naman s'ya. This time, hagalpak na. Grabe. Kaibigan ko ba talaga 'to?

"F.O. na! Tse!" nagtatampo ko na namang saad.

Bahalaka d'yan. Suyuin mo'ko!

"Luh. Papasuyo ka na naman. Wala dito jowa mo, 'no. Nag-aayos pa para sa date natin mamaya," saad n'ya na s'yang ikinanguso ko.

"Napakadamot mo talaga." Tumayo ako at dali-dali s'yang pinaupo.

"Hala ang kulit. Ayoko nga kasi! Hindi ka naman kasi marunong magtali ng buhok eh. Gusto mo bang magmukha akong tikbalang sa date natin, ha?" reklamo n'ya.

Grabe sa tikbalang ha.

"Hmp." I crossed my arms and just watched her fix her own hair.

I still can't believe that I have an angel in front of me, disguised as my bestfriend. She's as beautiful as the sakura leaves falling and being blown away by a cool and refreshing breeze. Ang bait pa. Hindi na ako magtataka kung bakit s'ya ang nagustuhan ni Hiromi noon at hindi ako. Well, those are all in the past so forget it.

"Tapos na! Ayos ba?" tanong n'ya.

Once again, I was stunned by how beautiful she is. Mabuti nalang at naalala kong babae ako. Bakit kasi ang ganda nito?

"Huy! Ano na? Natulala ka na naman. Gano'n na ba ako kaganda?" Napairap nalang ako sa sinabi n'ya. Well, totoo naman pero wala lang. Ganito naman kasi kami lagi.

"Mas maganda parin ako." Umupo ako sa kaninang kinauupuan n'ya at hinayaan ko s'yang ayusin ang buhok ko.

Aminado naman kasi akong hindi ako marunong mag-ayos ng buhok. Ewan ko ba. Kababae kong tao tapos ganito ako.

Gabi na nang matapos kaming mag-ayos at lumabas ng kwarto. Fireworks festival kasi ngayon. Pagkalabas namin ay nakita agad namin ang dalawang matipunong lalaki na naghihintay sa amin.

I saw how Hiromi offered his hands to guide Jamie down. Napatingin tuloy ako kay Yoshi. Alam kong alam n'ya ang gusto kong iparating sa tingin na yon pero dahil dakilang loko-loko ang isang ito ay tinaasan n'ya lang ako ng kilay. Napasimangot nalang ako at padabog na bumaba sa hagdan.

I was halfway when my foot slipped and I almost fell down. Napapikit nalang ako. Hinihintay ko ang pagbagsak ko sa matigas na sahig sa baba pero wala akong naramdaman. Pagmulat ko ay nakita ko si Yoshi na yakap-yakap ako. Hindi ko naramdaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

40 Days With a Fallen LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon