"Nak, ready na ba yung gamit mo para bukas?" Tanong ni mama habang aligagang nilagay yung gamit sa bag ni Ange para bukas. Tomorrow is the first day of classes.
"Tapos na ma." Sagot ko tsaka umakyat sa kwarto at humiga. After nung nagpa-enroll kami, kinabukasan ay pumunta kami sa kaibigan ni tita na mananahi. Of course,nagpatahi kami ng uniforms namin alangan namang mag-disco kami dun. Char.
Yun nga, after a week ay bumili na kami ng school supplies at nakipagsiksikan talaga sa mall kasi dumagsa yung mamimili. Kaya after another week ay eto na nga, back to school na naman. Kahapon lang namin nakuha yung first pair ng uniforms namin para may magamit kami bukas at isusunod lang yung second pair. Sinuklay ko yung buhok na gawain ko na talaga bago matulog. After nun ay humiga nako at ilang minuto lang ay nakatulog na.
"Nak, tapos ka na ba? Kakain na!" Sigaw ni mama mula sa kusina. Kung makasigaw si mama parang bahay talaga namin eh. Buti na lng okay lang kay tita tyaka wala na naman sila Kuya Joel at Kuya Joey kasi balik skwela na sila eh.
"Wait lang! Malapit nako matapos!" Sigaw ko balik tsaka dali-daling nagsuklay at kinuha yung bag ko sa ibabaw ng study table at nagmamadaling bumaba. Muntik na nga akong madapa eh, skl.
"Dali na. Anong oras na eh, ihahatid ka pa ng papa mo." Sabi ni mama at binigyan ako ng sandwich. Tuminingin ako sa orasan sa may kusina at medyo nataranta nang makitang malapit nang mag-7 am kaya agad na lang akong nagmano at nagkiss kay mama at tita tsaka tumakbo papalabas. Paglabas ko nang gate ay agad kong nakita si papa na bihis na bihis na para sa trabaho.
"Pa, dali na! Baka malate ka pa sa trabaho eh." Sabi ko kay papa habang nagmamadaling naglakad papunta sa sakayan.
"Okay lang nak, eh nagpaalam na ako na male-late ako ng ilng minuto eh okay lang naman daw kaya may oras pa akong ihatid ka sa skwelahan." Sabi ni papa. Pinara niya yung papalapit na chappy at agad kaming sumakay.
"Eh kahit na, two weeks pa lang kayo nagtatrabaho dito, may late ka na." Sabi ko "kahit hindi mo na ako ihatud hanggang sa skwelahan pa, eh madadaanan naman natin yung pinagtatrabahuan mo eh. Eh ang layo na kung sasama ka pa sa school."
"Ayaw ko nga. Gusto kong ihatid ka hanggang sa harap ng classroom mo tsaka gusto kong makita yung loob ng bagong school mo, hindi nakasama nung nagpa-enroll ka eh." Katwiran ni papa at saka umakbay sakin. Nagbuntong hininga na lang ako at tumango. Wala naman akong magagawa,mapilit eh.
Medyo natagalan kami sa byahe kasi dumaan kami sa isang elementary school pero hindi naman ako nalate pagdating sa school.
7:10 A.M.
Pagdating namin sa school ay dumiretso kami sa nakahilerang classrooms ng grade 11 sa likod ng canteen at computer lab. Since HUMSS yung kinuha kong strand, madali lang sakin mahanap yung rooms kasi may nakalagay naman sa itaas ng pinto kung anong strand at section yung classroom. Pangalawa mula sa kanan yung room ko kaya dun kami dumiretso pero tinignan pa rin namin yung names na naka-paste sa gilid para sure talagang nandun yung pangalan ko. At ayun nga, nakita nga namin.
"Nak, pasok ka na." Sabi ni papa at inabot sakin yung bag ko.
"Sige po. Bye pa, ingat po kayo." Sabi ko saka nagmano at nagkiss.
"Good luck!" Bati niya at tumalikod na. Nang wala na si papa ay napabuntong hininga ako at dahan-dahang pumasok. May ibang napatingin sakin kaya ngumiti lang ako ng matipid. May iba namang walang pake kaya patuloy lang sila sa ginagawa nila.Dumiretso agad ako sa pinakalikod at pinaka-corner na upuan since matakad naman ako kaya okay lang sakin yung pwesto ko. Upo ako at nilibot yung paningin ko sa kabuuan ng classroom at sa mga magiging kaklase ko mula ngayon. Medyo na out of place ako kasi ako lang yung walang kausap at walang kakilala. Nang lumingon ako sa katabi kong upuan ay dun ko lang nakita ang isang kulay brown na bag. Ilang sandali lang ay tumunog na yung bell ng skwelahan. Agad akong tumayo ng makitang nagsilabasan yung mga kaklase ko at wala akong ginawa kundi sumunod sa kanila papalabas hanggang sa umabot kami sa quadrangle ng school. Medyo magulo nga lang kasi first day of school at mukhang marami ting new students.