Chapter 3

9 1 0
                                    

Nakakainis yung mga tao don. Baliw na talaga sila sa pag asar sa amin ni kuya Timothy. Pero in fairness ha napaka supportive nila sa amin ni kuya Timothy Ayiee kinikilig pwet ko Hahaha. Hindi naman talaga nakakainis yung ginawa nila nahihiya lang ako kung ano maging reaction ni kuya Timothy.

Nag out lang ako sa game kasi na lowbatt ako. Matagal pa siguro ako maka laro ulit kasi matagal to ma full charge. Baka makalimutan na nila yung nangyari pag balik ko. Naku na miss ko na silang makausap.

-Inner Conscience ko-
"Nag out lang bago na miss mo na agad sila. Baka hindi naman talaga sila yung na miss mo. Miss mo lang yong crush mo na si kuya Timothy."

"Ano kaba.. namiss ko silang lahat makausap kasi ang saya kaya nilang makausap" sabi ko

Ano ba to, pati naman ako nababaliw na. Kinakausap ko ang sarili ko.

-40 minutes later-

Grabi tagal naman ma full charge neto. Nasira siguro yung battery dahil sa kabaliwan nila. Hahaha pati naman battery nang cp sila pa yung sinisi. Mag open na nga ako tignan ko kung anong nangyari nung nawala ako.

Hala ang dami nang message nung nag out ako. Nagkaguluhan naman yung mga nangliligaw at yung niligawan. Pag out ko kasi nag online na pala si ate Stella.
Mag back read muna ako.

*Beginning*

"Ang gulo niyong lahat haha" sabi ni ate Stella

"Inaasar kasi namin si Kiara kay Timothy mo HAHAHA laptrip talaga" sabi ni kuya Jan

"Anong Timothy ko? Wala na kami Jan ha" sabi ni ate Stella

"Ay oo nga sorry na Hahaha" sabi ni kuya Jan

"Stella.. bigyan mo naman ako nang second chance" sabi ni kuya Timothy

"Ano ba Timothy. Tapos na tayo" sabi ni ate Stella

Yessssss!!! ayaw na talaga ni ate Stella makipag balikan sa kanya. May chance pa ako kay kuya Timothy Mwahaha.

-Inner Conscience ko-
"Baliw wag ka ngang umasa na mag kayo ni kuya Timothy. Tignan mo nga sarili mo ang panget mo."

"Ang KJ naman nitong inner conscience ko. Minsan lang naman ako ganito tapos ang Kj mo pa. Balik na nga tayo sa pag back read." sabi ko

"Babawi ako Stella..pleas give me a second chance" sabi ni kuya Timothy

Aray ang saket.

"Kung ayaw mo kay Timothy, Stella sakin ka nalang." sabi ni kuya Lucas

Sanoal.

"Hahaha.. ang corny mo Lucas" sabi ni ate Stella

"Stella?" sabi ni kuya Timothy

"May viber kaba Stella? sabi ni kuya Lucas

"Meron..bakit?" sabi ni ate Stella

"Stella kausapin mo naman ako" sabi ni kuya Timothy

"Please naman Stella wag mo nga akong iwasan" sabi ni kuya Timothy

"Usap tayo dun tas mag Video Call tayo ito number ko oh 09*********" sabi ni kuya Lucas

"Sige wait lang" sabi ni ate Stella

Grabi na awa ako kay kuya Timothy hindi siya pinansin ni ate Stella. Kausapin ko kaya to siya baka sakaling sa akin to sasaya.

-Inner Conscience ko-
"Ang yabang mo naman na sayo yan sasaya. Tignan mo nga, hindi nga siya masaya na hindi sila magbalikan ni Stella paano naman sasaya si kuya Timothy sayo na malinaw naman na gustong gusto niya talaga si ate Stella."

"Naku last ka nalang talag inner conscience ko. Naiinis na ako sayu ha. Napaka Kj mo talaga." sabi ko

"Stella please..ayokong mawala ka sakin" sabi ni kuya Timothy

Aray aray ko.

*End*

Don nagtapos yung pag backread ko kasi parang nag out na din si kuya Lucas at si ate Stella para mag video call sa viber. Ang sad naman nang conversation non ang daming drama.

"Okay ka lang kuya Timothy" sabi ko

-Inner Conscience ko-
"Bobo ka ba? Kung ikaw kaya nasa pwesto niya maging okay ka ba na hindi ka pinapansin nang taong mahal mo. Hindi lang tinanggap yung mo feelings sa crush mo iiyak ka na. Ano na kaya kapag jowa mona."

"Alam mo inner conscience ko kanina ka pa ha! Wag ka namang personal. Ang sakit non ha" sabi ko

"Uyy Kiara, online kana pala" sabi ni kuya Timothy

"Okay lang ako Kiara" sabi ni kuya Timothy

"Weh? halata naman kuya Timothy na hindi ka okay" sabi ko

-Inner Conscience ko-
*FacePalm*
"Bakit mo naman tinanong kung okay siya kung halata naman talaga na di siya okay Hay naku"

"Umalis ka nga dito inner conscience ko wag mo naman sirain yung moment nami ni kuya Timothy." sabi ko

-Inner Conscience ko-
"Bakit naman ako aalis nandito ako para sabihin sayo yung mga kabobohanan mong gawin ay di maganda ang epekto sa buhay mo. Lalo nang ginawa mong paghanap nang paraan para maka move on na si kuya Timothy kay ate Stella. May moment ka pang nalaman ha, alam ko naman na kaibigan o kapatid lang yung tingin ni kuya Timothy sayo."

"Haha sigi na nga. I surrender hindi nga ako okay" sabi ni kuya Timothy

Himala kami lang dalawa yung online sa clan. Yess!! may alone moment na kami ni kuya Timothy. Wala na yung mang aasar. Seryoso na to.

"Ano tingin mo sakin Pulis? Na sabihan mo ako nang 'I surrender' " sabi ko

"ha ha ha.. ang joker mo talaga Kiara" sabi ni kuya Timothy

Sarcasm Detected

"Tumawa ka naman kuya Timothy.. wag ka ngang mag drama jan" sabi ko

"Hahays..hindi ko na alam kung ano gagawin ko kapag mawala siya sakin" sabi ni kuya Timothy

"Mahal na mahal ko kasi siya" sabi ni kuya Timothy

Aray saket non

"Kung ayaw niya na talaga..eh di maghanap ka na lang nang bago you deserve better nama kuya Timothy" sabi ko

*inner conscience ko*
"Pinagawaan mo talaga nang paraan para mag move on si kuya Timothy kay ate Stella adik mo talaga gurl. Tandaan mo di talaga mangyari yung maging kayo."

"Baka mangyari yon kapag nandito ako nag comfort sa kanya. Nangyari kaya yon sa mga movies. Kaya gawin ko din baka may chance ako Hahaha" sabi ko sa inner conscience ko

"Paano yun? Siya lang ang laman nang puso ko ngayon wala nang iba" sabi ni kuya Timothy

Aray nanaman

To be continued

____________________________________
Author's Note:
Don't forget to vote and follow mi
Thanks!

We met because of a gameWhere stories live. Discover now