Call It A Happy Ending

477 17 11
                                    

"Hi, good morning this is Ken Chan. Gusto ko lang I-confirm yung reservation ko for 8PM?"

"Good morning sir, this is Ellie speaking. Let me check that for you.

Sir Ken yes po, confirmed na po yung reservation niyo anything else I can assist you with?"

"Wala na naman. Pero may papuntahin akong team dyan, they'll do decoration and the whole set up. Anytime padating na sila, by the way si Dane Mitchell ang head organizer ng team. Pero susunod ako right away"

"Noted sir. Good luck po sa surprise niyo"

"Oh. Yeah Hahaha. Thank you"

I dropped the call.

Tumayo ako sa desk at sinibihan ang secretary ko na i-cancel na ang lahat ng meetings ko for today, binilin ko na din sakanya ang mga reports na kailangan ipasa sakin ng mga tao ko. Habang naglalakad papuntang parking lot, I reached for my phone and decided to text Kuya Russel, Rita's driver, about the surprise date. Sinabi ko sakanya na mag-ingat siya para di makalahata si Rita sa mangyayari for tonight. Tonight's about her and I intend to do it perfectly.

"You're really doing this Ken Chan. Eto na. Kaya ba?"

Sumakay ako ng kotse at sumandal muna. Pumikit ako para kapain ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa bawat pitlag, ay alam kong iisang pangalan ang sinisigaw nito.

Iisang babae lang.

I've known Rita for 25 years already. Baby pa lang kami magkasama na kami, sabay kaming pinalaki ng mga magulang namin kasi kapitbahay lang namin sila. Si Rita yung taga pagtanggol ko ever since, the baddest kid in our neighborhood. Babae siya pero kilabot yan ng street namin, kinatatakutan kasi napakatapang bata pa lang. Bulinggit pero di nagpapa-api.

Ako yung uhugin na lampa, patpatin, at laging nabubully. Pero si Rita? She stood by my side and held my hand, after nun di na niya ko ni let go. Sabi niya she'll be my protector forever, the modern day girl na knight and shining armor. And ngayong lumaki na kami, my Tata grew from this little feisty girl to a graceful and beautiful woman. She's no damsel in distress, and if anyone needs saving, that would be me because I'm madly, deeply and irrevocably in love with her.

 She's no damsel in distress, and if anyone needs saving, that would be me because I'm madly, deeply and irrevocably in love with her

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-------

After 40 minutes of driving nakarating na din ako sa destination ko: Intramuros. Dito mangyayari ang lahat ng magic. Bumaba ako sa kotse at sinuot ang shades ko. Pumasok ako sa loob para hanapin si Dane. Agad niya kong nakita at binesuhan.

"Oh hi Ken, tamang tama lang dating mo. Nasa final touches na kami. The petals, paano ba gusto mo gawin? Ikalat natin or ilinya na lang natin na parang daanan papunta sa table?"

"Siguro Dane mas okay na ikalat niyo na lang para itong buong lugar may petals, tas diba may candles? Gusto kong ikalat niyo din para nag go-glow yung set up"

Ritken Happens | ONESHOTS✨Where stories live. Discover now