Chapter 25

206 3 1
                                    

Denver’s POV

Okay bes pero sure ka bang ok lang talaga si sandy ngayon? Nagaalala talaga ako sa kanya eh.

Tanong k okay jileen sa kabilang linya.

Don’t worry bessy nakausap ko na siya wag na daw tayong magalala pa sa kanya. –jileen

Naawa ako kay sandy, sabi ko na nga ba eh sasaktan lang siya ng lalaking iyon.

Pero wag din muna natin husgahan si chester hindi pa natin alam ang side niya. –jileen

Para saan pa ang paliwanag niya eh nasaktan niya na si sandy?

Hindi lang naman si chester ang dapat sisihin dito kundi yong maldita niyang kapatid dahil sa kabaliwan ng Candice na yan  nasaktan si sandy, Makita ko lang talaga ang babaeng yan masasabunutan ko siya. –jileen

Sige na bes bye na. balitaan mo nalang ako about kay sandy ha.

Okay bessy at pwedi ba kausapin mo ang Candice na yan tigiltigilan si sandy. –jileen

Try ko siyang kausapin.

*end of call*

Ipapasok ko na sa bulso ng pants ko ang cellphone ko ng Makita ko si Candice na nakaupo magisa sa isang bench na umiiyak. Sandal ko siyang pinagmamasdan sa di kalayuan hanggang sa magpasya akong lapitan siya at para na din makausap. Pero bago ako lumapit sa kanya kinuha ko muna ang panyo sa bulsa ko.

Iniabot ko sa kanya ang panyo pero di ko umiimik

*End of Dender’s POV*

Candice POV

Pag dating ko sa school dumiritso agad ako sa isang bench na hindi matao. Gusto ko munang makapag isip at umiyak.

Ngayon lang ako napagsabihan ng ganun ni kuya. Kitang kita ko ang galit sa mukha niya. Mahal niya nga talaga si sandy. Anong gagawin ko? ayaw kong tuluyang magalit sa akin si kuya.

Patuloy lang ako sa pagiyak at pagiisip ng bigla may nagabot sa akin ng panyo.

Dahan dahan akong nagangat ng aking ulo para tignan ang taong may ari ng panyo at nagulat ako ng makitang kay denver galing yun.

Yumuko ulit ako dahil di ko na mapigilan ang pag tulo ng luha ko. Napahagulgol na pala ako ng iyak ng di ko namamalayan.

Naramdaman ko nalang na umupo sa tabi ko si denver at dahan dahan niyang ipinatong ang kamay niya sa balikat ko at inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya.

I’m so sorry I know mali yong ginawa ko. Nagawa ko lang naman kasi iyon dahil gusto kita, dahil mahal kita.

Mali iyong naging paraan mo Candice pati si sandy nadamay sa kalokohan niyo ng kuya mo. –denver

 Walang kasalanan si kuya dito lahat ito plano ko. Nung una pumayag si kuya sa plano ko pero bago niya aminin kay sandy yung nararamdaman niya tinapos niya na yung deal naming. Totoong mahal ni kuya si sandy. Dahil sa ginawa ko galit na galit sa akin si kuya. Ngayon ko lang siya nakitang ganun.

Ibig sabihin hindi talaga pinaglaruan ni chester si sandy?-denver

Nag angat ako ng ulo at humarap sa kanya at umiling

Hindi! Mahal na mahal ng kuya ko si sandy at nakikita ko yun. Lahat ng ipinakita ng kuya ko sa kanya totoo. Sorry sa talaga sa nagawa ko. Sana hindi mo ako kamuhian.

Candice hindi naman ako namumuhi sayo eh. Naiintindihan kita. Pero mali talaga yung ginawa mo nakasira ka ng isang relasyon. –denver

Alam ko narerealize ko na lahat ng mga mali ko ngayon pero ano ang gagawin ko?

Humingi ka ng tawad sa kuya mo at ipaliwaqnag mo lahat ito kay sandy.  Ikaw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay kaya ikaw din ang dapat umaus nito. –denver

Denver tulungan mo ako ayaw kong magalit sa akin si kuya.

Wag kang magalala tutulungan kita. –denver

Sorry talaga ha. Sana kahit di mo ako gusto magkaibigan pa rin tayo.

Candice magkaibigan tayo at hindi yun masisira ng dahil lang sa gusto mo ako. alam ko namang mabuti kang tao. –denver

Ngumiti ako kay denver at pinahid ko ang mga luha sa aking mata.

Salamat!

Masaya akong malaman na kahit ganito di pa din nagalit sa akin si denver. Kung kaibigan lang talaga kami tatanggapin ko yun wag lang siya malayo sa akin. Hindi pa naman siguro magsasara ang pinto ng langit para sa akin. Baka dumating din ang tamang oras, ang tamang panahon na matutunan niya din akong mahalin. Patuloy pa rin akong aasa at maghihintay.

Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti

Okay ka na ba?-denver

Tumango lang ako at ngumiti

*end of Candice POV*

Lame update super busy lang talaga..pasensiya :))))))

VOTE

COMMENT

BE A FAN

ADD TO LIBRARY

Diaries of love  ( Samvon Fan fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon