"Kumusta ka na?"
Ako?
Eto, okay lang.
Eh, ikaw?
Sayang noh?
Yung mga alaala nating dalawa.
Gusto ko nga sanang bumalik sa nakaraan
Kaso 'di na p'wede,
Ikaw na kasing may sabing wala ng pag-asa eh...
Alam kong nasaktan kita
Alam kong matagal kitang pinaghintay
At alam ko ring pinaiyak kita
Maling-akala lang kasi lahat ng ipinairal ko noon
Kaya...
Ako naman ang nasasaktan ngayon...
Pero okay lang,
Walang problema
Tayo rin namang dalawa ang may kasalanan
Kaso nga lang...
Ako talaga ang dapat sisihin kung ba’t nangyari lahat ng ‘to...
Teka lang,
Sino ba'ng bagong crush mo ngayon?
O hindi kaya'y
More than crush na?
Matangkad ba siya?
Kasingtangkad mo?
Mabait?
Maaalalahanin?
At mapag-unawa ba?
Napapatawa ka rin ba niya?
Napapaamo?
Tulad ko noon...
Kasi nga ang suplada mo.
Pero siguro...
OO.
Kasi nga nakalimutan mo na akong
Nasaktan
Sa lahat ng mga sinabi mo...
Naaala mo pa ba noong una tayong nagkita?
Ang bastos ko noh?
Sabi ko...
“Maiwan na muna kita may klase pa kasi ako.”
(At nagmamadali tumakbo)
Eh, iisa lang naman tayo ng building na pupuntahan.
Yung mga puyat tayo?
Sa kaka-text,
at sa kakatawag.
Yung mga panahong 'pag nakikita kita?
Kahit nga sa malayo pa lang
Para na akong sasabog
At 'di mapigilan ang puso sa billis ng tibok.
Yung mga away-bati?
Akala mo ikaw lang kinikilig,
Ngumingiti lang ako sa tabi,
Ngunit yun kinikilig na rin ako doon.
At yung alam kong may gusto ka sa'kin?
At alam mo ring may gusto ako sa’yo.
Yun yung lahat ng gusto kong balikan...
Kaso...
Sabi mo na-develop ka na sa iba,
At sabi mo pa...
Wala ng paraan
Upang maibalik lahat ng nasa nakaraan
Na wala na talagang pag-asa.
Kaya tanong ko sa sarili ko...
“Lalaban ka pa ba,
kung siya na mismo pinaramdam na sa’yong
talo ka na?”
At doon napagtanto kong
Dapat na rin pala akong mag-move on...
At ngayon paunti-unti na ring...
Naghihilom ang mga sugat,
At naglalaho...
Ang lahat ng bakas ng mga luha sa'king mga mata.
Di na muna kita aabalahin pa...
Hahayaan na mo na kitang...
Lumigaya sa piling ng iba.
Salamat nga pala sa pagkakataong
Sa'yo ko unang nalaman...
Ganoon pala talaga'ng umibig,
Humanga
Sa 'sang crush...
At masaktan.
Siguro hanggang dito na lamang
‘Wag kang mag-aalala,
Papansinin din naman kita
'Pag nagkasalubong tayo sa daan
At sana ikaw rin sa'kin.
Malapit na kitang makalimutan.
At ngayon...
Kaunti na lang,
Titigil din ako...
Sa kakahintay sa’yo.
All Rights Reserved © 2010

BINABASA MO ANG
"Para Kay Ex-Crush" (Tula)
PoetryAno ba ang feeling ng may crush ka? Ang saya, 'di ba? Ngunit pa'no kung bigla na lang naglaho ang lahat at nag-iba ang feelings n'yo para sa isa't isa? At ng na-realize mong mali pala ang iwanan s'ya, at bumalik ka'y meron ng nagmamay-ari sa kanya...